Chapter 4

713 Words
“MUKHANG enjoy na enjoy ka sa bakasyon mo,” tukso ng kaklase ni Maki na si Leona nang umalis ang professor nila para sa thesis subject niya. “Ikaw ba naman ang may sariling beach resort at may guwapong boyfriend. Tingnan ko lang kundi ka matutuwa,” wika naman si Liezl na inikot ang mga mata. Hindi pinapalampas nito ang pagkakataong ipahayag kung gaano ito kainggit sa kanya dahil daw nasa kanya na ang lahat pangarap ng mga ito. “Isama mo naman kami sa resort ninyo next time.” “Sa graduation natin siguro?” sabi niya at inayos ang mga gamit. Nasulit na niya ang bakasyon niya kaya kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral. She was running for magna c*m laude in Philippine Normal University. She wanted to have her own preschool center someday kapag sapat na ang experience niya bilang guro. At suportado siya ni Benedikt sa pangarap niyang iyon. “Sure. Aasahan namin iyan. Sabihin mo sa boyfriend mo na ipakilala naman kami sa friends niyang guwapo at mayaman din,” wika ni Liezl. “Para makabingwit din kami ng mayaman.” Palabas siya ng kuwarto niya nang may tumawag sa pangalan niya. “Maki! Maki!” “O, Talia! Kumusta ang bakasyon mo?” anong niya sa kaibigan. Nagkibit-balikat ito. “Parang wala ring bakasyon. Full-time ako sa bar ni Papa bilang waitress. Minsan tumutugtog din ako. Nagpunta pa nga sa bar namin si Noel Cabangon.” “Wow! Ang swerte naman,” aniya at pinisil ang braso nito. “Di mo ako sinabihan.” “Busy ka eh! Nasa Bohol ka nang mga panahong iyon.” May music bar ang magulang nito sa Marikina na puro folk music ang tugtugan. Nakaka-relax ang lugar na iyon at ang masaya pa ay pwedeng makisali sa tugtugan pati ang mga customers. Kinagat ni Maki ang pang-ibabang labi. “May feedback na ba sa bagong kanta ko?” Bokalista din ito ng bandang Buhawi na pawang folk music na may tema ng kalikasan, pagka-makabayan hanggang social issues ang tinatalakay. Naging magkaklase sila ni Talia sa ilang subject subalit naging malapit silang dalawa sa isa’t isa nang minsang may project sila sa Sociology kung saan pinag-compose sila ng kanta at ipina-perform sa harap ng klase. Parehong mataas ang nakuha nilang marka at tinanong nito kung gusto niyang maging parte ng banda nito para magamit niya ang mga kanta niya. Tumanggi siya pero pumayag siyang gamitin nito ang mga kantang na-compose niya. Kahit paano ay masaya siyang naibabahagi ang musika niya sa iba. “Oo. Nagustuhan namin ng banda ko. Hangang-hanga nga sila. Ang totoo tutugtugin nga namin iyon ngayon dahil may gig kami.” Bumagsak ang balikat nito. “Kaya lang may problema.” “Anong problema?” Tumikhim ito at hinawakan ang lalamunan. “M-Masakit ang lalamunan ko ngayon. Sa palagay ko hindi ako makakakanta. Mapahiya pa kami doon.” Ngumiwi siya. “Paano iyan?” Hinawakan nito ang braso niya. “Kaya nga kailangan ko ang tulong mo. Pwede bang ikaw ang pumalit para sa akin?” “Ako? Bakit ako? Alam mo namang hindi ako kumakanta sa harap ng mga tao.” Matapos ang nangyari sa opening ng La Playa Rubella kung saan ay nagalit siya ni Santina at nasaktan niya ang ama ay gusto niyang umiwas sa gulo hangga’t maari. “Kumanta ka sa harap ng mga tao noong birthday ko,” paalala ng kaibigan. “Birthday mo iyon. Katuwaan ngayon at pinagbigyan lang kita dahil birthday mo. Iba ngayon,” katwiran naman niya. Pinagsalikop ni Talia ang mga kamay. “Please. Importante ang gig na ito para sa banta. Isa o dalawang kanta lang naman. Parehong composition mo. Ito na ang tsansa ng banda namin na maipakilala sa mas maraming tao. Baka sa susunod wala nang magtiwala sa amin.” “May tiwala ka sa akin, ha?” tanong niya. “Oo naman. You are a natural. Ano? Pumapayag ka na ba?” She weighed the pros and con. Pero ang tanging tumining sa isipan niya ay kailangan siyang kaibigan. Hindi naman siguro makakarating sa pamilya niya ang performance niya kung saka-sakali. Sekreto lang iyon. Hindi naman niya kayang iwan ang kaibigan sa ere. “S-Sige. Alam mo namang di kita matatanggihan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD