Kinabukasan, naantala ang masarap na tulog ng lalaki sa sofa dahil sa pumatak na malamig na tubig sa mukha. “Fck!” gulat na bulalas ng lalaki pagmulat ng mga mata. “Who are you?” tanong ng isang kulot na batang babae na nakamaywang habang sumisipsip sa isang tumbler. Nakatitig ito sa kaniya mula sa likuran ng sofa. Napalingon ang lalaki at napasapo sa mukha saka mabilis na bumangon sa sofa. “Gising na mama mo?” “Kilala mo si Mama?” “Hindi,” “So, what are you? Who are you then?” “Ah—” “Ikaw ba ang Papa ko?” “HA?!” Umupo ang batang babae sa tabi ng lalaki habang nakatitig ng masama. “What is your name?” “Sigurado ka bang gusto mong malaman ang pangalan ko?” “Of course. I cannot talk to strangers, so atleast, I should know your name,” sabi ng batang babae na binaba na ang tumbler

