“Ah, di ka manlang ba nagduda na baka may lason yan?” nag-aalangan na tanong ni Valerie habang nilalagay ang gamot sa medicine plate saka nagbuhos ng tubig sa baso. “Ikaw? Lalasunin mo ako? Pagtapos mo akong tulungan kahit pwedeng-pwede mo naman akong iwan?” sagot nito habang punong-puno ang bibig ng pagkain. “Grabe...ang sarap talaga. Ngayon lang ako nakakain ulit ng lutong bahay.” Iniusod ni Valerie ang platito na may gamot at baso ng tubig palapit sa lalaki saka naupo sa katapat na upuan. “Ang hirap ipredict ng pagkatao mo. Sa panlabas parang ikaw yong rebeldeng anak ng mayayamang tao na against sa mga masasamang gawain ng kanilang mga magulang pero sa loob-loob ay naghahanap lang talaga ng mga totoong tao na yayakapin ang kahinaan.” Mula sa kinauupuan ay sinipat ni Valerie ang lalak

