“Ok na. Di naman pala malala ang tama mo. Takot ka lang siguro sa dugo, ano?” dagdag pa ni Valerie saka ibinaba ang damit.
Iyamot na nagsuot ang lalaki ng damit saka tumayo, “Anong pangalan mo?” tanong nito kay Valerie.
“Wag na. Di naman na tayo magkikita,”
“Tsk!”
“Uminom ka ng gamot para kung magkaimpeksiyon ay maagapan agad. Ito oh, antibiotic. Salamat ulit.” Paalam ni Valerie. “Pwedeng dito ka muna, malamang inaabangan ka ng mga kasamahan mo sa bahay mo.”
“Hindi na...ayaw ko mandamay,” tanggi ng lalaki.
“Ikaw bahala. Pero pag-isipan mo ang mga ginagawa mo. Sa buhay di mo kailangan ng maraming kaibigan. Mas maigi pa rin ang tahimik na buhay kahit isang kaibigan lang meron ka.”
Ini-lock ni Valerie ang pinto nang tuluyang makaalis iyong lalaki at inubos lang ang oras sa panonood ng mga drama.
Pagpatak ng alas-tres ay sinundo na niya ang anak.
“May assignment?” usisa ni Valerie pagdating ng bahay. Inihagis niya ang mga susi sa sofa saka mabilis na nag-alis ng suot na bra.
“Wala po,” maikling sagot ni Fara at malungkot na naglakad papunta sa kwarto nito.
Sumunod agad si Valerie sa anak nang mapansin na wala ito sa mood.
“Anong problema?” tanong ni Valerie habang nakatayo sa labas ng pinto.
Di naman sumagot si Fara, diretso lang sa pagpalit ng damit.
Naupo sa kama si Valerie at hinigit ang anak para humarap sa kaniya, “Anong problema?”
“May family day,” naiiyak na sabi ni Fara.
Bumuntong-hininga si Valerie, “Oh eh ano?”
“Tutuksuhin lang naman ako, Ma.”
Tumayo si Valerie, “Ito ang tatandaan mo, Fara. Hindi lahat ng kompletong pamilya, masaya. Anak, kahit may mga Papa ang kaklase mo, di mo alam kung manginginom, may kabit, nananakit, o..”
“Ma...”
“Anak, mapagpanggap ang mundo kaya magpasalamat ka sa kung anong meron ka, lagi mong tandaan yon. Sige na, magpalit na at magluluto ako ng meryenda. May bago akong nadownload na cartoons. Pagtapos ng assignment, nood tayo,”
“Wala kang work, Ma?”
“Wala po.”
“YEHEy!”
Pagsapit ng gabi, tinapos lang ni Valerie ang paglilinis ng bahay at pumahingalay na sa sofa para manood para naman magpaantok. Ayaw niyang isipin ang naging usapan nila ni Quin.
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Valerie dahil may kumakatok.
Madali siyang bumangon at nang makitang alas-onse na ng gabi ay kumuha siya ng taser at marahang naglakad palapit sa monitor ng CCTV sa pinto.
“What the—” bulong ni Valerie nang makita iyong lalaki kanina na basang-basa ng ulan at nakatayo lang sa labas ng pinto.
Hawak pa rin ang taser sa likuran, ay marahan niyang binuksan ang pinto.
“Napaaga ata ang bisita mo para bukas,” bungad ni Valerie rito sa lalaki.
Iniangat nitong lalaki ang tingin kay Valerie at ngumiti. Puno ito ng pasa, maga ang mga mata, at basag ang mga labi, “Sinuko ko na sila sa mga pulis. Pwede bang maging kaibigan ka?”
Ngumisi si Valerie, “Sensiya na, may kaibigan na ako eh. Umuwi ka na. Wala ka naman na palang problema. Kala ko kung ano na. Sige.”
Tinangka ni Valerie na isara na ang pinto pero pinigil ito ng lalaki, “How ‘bout a buddy?”
“May anak na ako. Ok na akong kalaro siya,”
“May anak ka na? Eh di may asawa ka nga,”
“Bata, di ibig sabihin na may anak ay may asawa na. Tsk!”
Sinara na ulit ni Valerie ang pinto pero pinigil na naman nitong lalaki, humakbang pa ng isang hakbang sa hagdan para maging pantay na sila. “A f*ck buddy atleast?”
Nanigas ang katawan ni Valerie sa narinig at nanlalaki ang mga mata na humarap rito sa lalaki. “Anong sabi mo?”
“I saw your simulation games,” ngisi nitong lalaki. “Pwede mo akong kalaro ron, sa game or live.”
“Umalis ka na,” seryosong sabi ni Valerie.
“Aminin mo, magkaparehas lang tayo, pilit na humahanap ng mundo na makakaramdam tayo ng saya, a world we could belong, na tatanggap sa kung sino talaga tayo,”
Naiiling si Valerie habang nakatitig sa lalaki, “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo, umalis ka na dahil lalo lang ako naawa sa kadesperaduhan mo. Hindi tayo parehas. Di mo ko kilala. Look, kung nasasabi mo yan dahil sa ang panahon ngayon ay liberated na at dahil sa may anak na ako, maling-mali ka.”
“Ah sht!” napabulong iyong lalaki at napakapit na naman sa tagiliran.
Agad na sinandam ni Valerie itong lalaki at napa-irap na lang. “You can stay for the night. Hanggang sa gumaling ka lang.”
“Can I live here? Binenta ko na ang condo na tinitirhan ko, baka hanapin pa ako ron. Kung ayaw mo ng kaibigan, buddy... ano, kahit tenant na lang. Magbabayad ako ng renta, tubig, kuryente..”
“Nagdedeliryo ka ata. Bukas na lang tayo mag-usap pag matino ka na. Gusto mo ba, ipakaon na lang kita sa ambulansiya?”
“Ayaw ko,” tutol ng lalaki.
“Ikaw bahala ka,” sabi ni Valerie at inalalayan itong lalaki papasok. Ni-lock niya ang pinto at maingat na siniksik ang taser sa kaniyang tagiliran. “Diyan ka na lang at baka magising ang anak ko. Maligo ka muna ng maligamgam, tapos ipagluluto kita nang makakain ka ng ayos at magpahinga.”
Nagpunta sa banyo si Valerie at binuksan ang ilaw saka swinitch-on ang heater ng tubig.
“May towel na diyan at sando saka boxers, may brief rin kaso di ko alam kung kakasya,”
“Bakit may gamit ka ng lalaki?”
“Kay Papa,”
“Ah,”
“Sige na, maligo ka na. Mabilis lang ha.”
Pagpasok ng lalaki sa banyo ay nagluto na si Valerie ng may sabaw. Alam niyang mali na nagpapatuloy siya ng hindi kakilala sa panahon ngayon pero, ramdam niya itong lalaki. Nauunawaan niya ang pinanggagalingan nitong lalaki, alam niya ang hirap at lungkot ng mag-isa, ang pakiramdam ng naliligaw, walang matakbuhan o masandalan.
Isang oras lang ang naubos ni Valerie sa pagluluto ng dumpling soup na may miswa. Napatingin siya sa orasan at napakunot ang noo dahil sa tagal ng pagluluto ay di pa rin tapos iyong lalaki sa banyo.
Naglakad siya sa sofa at tinuloy ang panonood pero dahil lumipas na naman ang bente minutos ay wala pa rin yong lalaki. Tumayo na si Valerie at inihanda ang taser para silipin ito sa banyo kung ano nang ginagawa.
“Hoy,” marahang tawag ni Valerie habang nakahawak sa taser sa tagiliran at kumakatok.
Di naman ito sumagot kaya madali niyang binuksan ang pinto at napa-ikot talaga ng malala ang kaniyang mga mata nang makitang naglalaro sa bathtub itong lalaki ng plushies ng kaniyang anak na si Fara.
“At anong ginagawa mo?” galit na tanong ni Valerie.
Agad na napatayo iyong lalaki sa gulat at nagpaliwanag, “Pasensiya na. Maliit ang bathtub niyo kaya wala akong magawa.”
“Wht the fck? Kala ko nga magsha-shower ka lang.” Sabi ni Valerie habang pinipilit na ituon ang mata sa taas at di bumaba.
“Bathtub talaga ako naliligo eh,”
“Ah wow. So, malaki bathtub mo, lumalangoy ka ron? Pool na yon baka nalilito ka lang,”
“Hindi ah, bathtub lang talaga.”
“Ah! Haha! Maliit bathtub namin, kaya naglaro ka?”
“Ah oo,”
“Labas!”
“Ha?!”
“Tapusin mo na yan! Ayaw ko sa lahat ginagamit ang mga gamit ko.”
Mabilis na tumakbo palabas si Valerie at napahawak sa dibdib dahil sa matinding kaba. Ever since Sevan, wala pa ulit siyang nakikitang lalaking nakahubad.
Nakaramdam ng kiliti sa pagitan ng kaniyang mga binti si Valerie pero agad na pinigil ang sarili. “Marami siyang tattoo, Valerie. Bata pa siya. May anak ka na. Walang totoong magmamahal sayo. Walang pagmamahal.”
Nirecite na naman ni Valerie ang mantra niya sa mahabang panahon. Ginagawa niya ito sa tuwing makakaramdam siya ng kakaiba.
Paglabas nitong lalaki sa banyo ay naghain na si Valerie ng sabaw at kanin.
“Oy, amoy masarap!” nakangiting sabi ng lalaki habang naglalakad palapit sa kitchen bar, nakatingin sa mga pagkain, at nagpupunas ng towel.
“Masarap talaga yan. Iyan lagi ang niluluto ko sa anak ko pag may sakit,”
“Yon oh! I can be your baby too!” sabi nitong lalaki saka kumain na. “Ang sarap nga! Oy joke lang yon.”
Sumama agad ang mukha ni Valerie sa biro nitong lalaki pero mas nagulat siya na hindi manlang nagdalawang-isip itong lalaki sa pagkain ng kaniyang niluto gayong hindi naman sila pa masyadong magkakilala.