Tahimik na inihanda ni Valerie ang baon ng anak pagkaalis ni Quin, pilit na pinipigilang umiyak. Kahit ilang taon na ang lumipas ay di pa rin magawa ni Valerie na ikwento ang totoong nangyari. Nang matapos sa paghahanda ng baon ng anak ay tumawag siya sa kaniyang boss para magpaalam na mag-diday-off muna sa kauna-unahang pagkakataon.
Pagkababa ng tawag ay matamlay siyang lumingon sa kalendaryo habang nakasandal sa kitchen counter top. Dalawang linggo na lang at pasko na.
Nabaling lang ang kaniyang pansin nang lumabas ang anak na lukmay na lukmay at di manlang sinusuklay ang kulot na kulot na buhok.
Ibinaba niya ang telepono sa ibabaw ng counter top at naglakad palapit sa anak saka kinuha ang suklay na hawak nito.
Inakay niya ito at naupo siya sa isang bar stool saka sinuklay ang anak. “Ayaw mo na ba talaga sa school mo?” tanong ni Valerie.
Agad na humarap si Fara at niyakap siya, “Ang bad nila Mama. Lagi nila akong binubully dahil sa buhok ko tapos wala pa nga akong Papa.”
Hinagod ni Valerie ang likod ng anak saka tinapos ang pagsusuklay rito. “May surprise sayo si Mama ngayong pasko. Basta, magiging good girl ka na sa school.”
“Pag di nila ako inaway,”
“Anak, diba sabi ni Mama, wag na wag kang magsasayang ng oras sa mga taong di naman kawalan sa buhay mo, diba?”
Nang matapos sa paghahanda ay inihatid na niya ang anak sa school.
Nang makapagpaalam sa anak, di muna siya umuwi. Gusto muna siyang mag-isip-isip, huminga. Kahit sampung taon na ang nakakalipas ay parang hindi pa rin siya handang umuwi. Sa tingin niya ay parang di naman niya kakayaning maging handa.
Ipinarada niya ang kaniyang kotse sa isang malapit na mall at naglakad-lakad sa katabing parke. Hindi niya alam kung handa na ba siyang makita ulit si Sevan kung naroon man yon, o anong magiging reaksiyon ng kaniyang ina kung malaman na nagkaanak siya.
“AhH!” buntong-hininga niya habang papunta sa bakanteng bench.
Pero imbes na makaupo at makapag-isip, naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari nang may biglang humigit sa kaniya at nagtatatakbo na sila papunta sa kung saan.
“B..bitawan mo ako!” gigil na sabi ni Valerie dahil sa kaba at takot sa kung sino itong lalaki na bigla na lang humila sa kaniya tapos sa likuran nila ay may grupo ng mga lalaking humahabol.
Mukhang mga kawatan iyong mga lalaking humahabol sa likuran nila.
“Sino ka! Bakit mo ko hinila?”
Di naman sumagot itong lalaki.
“Isa! Ipapapulis ...” di na naituloy ni Valerie ang sasabihin nang hilahin siya ng lalaki papunta sa likod nito at nagsimulang makipagsuntukan sa mga humahabol na lalaki.
“PAkshet!” sigaw ni Valerie na puno ng takot habang nanonood sa kaguluhang nangyayari sa harapan niya.
Sinipat niya ang buong paligid at kita ni Valerie na bakante ang eskinita sa kabila kaya libre siyang makakatakbo at makakatawag sa pulis.
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ni Valerie habang sinisipat kung pwede na siyang tumakbo.
Nang makitang unti-unting natatalo nitong lalaking humila sa kaniya ang mga kalalakihang sumusunod ay bumira na ng takbo si Valerie.
Habang tumatakbo ay kabang-kaba niyang hinugot ang cellphone sa bulsa, “H..Hello...hello...police station—”
Natigil siya sa pagtawag nang maabutan siya niyong lalaking humigit sa kaniya kanina at hinablot ang kaniyang cellphpone.
Tinulak siya nito pasandal sa pader at humahangos na pinatay ang tawag. “What the fck are you doing?”
Nanunuyot ang bibig ni Valerie para makasagot sa lalaki. “T...tumatawag ako sa pulis.”
Nangunot ang noo nitong lalaki na nanlilisik ang mga mata at sinuntok ang pader. “At bakit mo gagawin yon?”
“Ha?”
“Bakit ka tatawag ng pulis?”
“Ah...kasi nagkakagulo?”
“Bobo ka ba?”
Napanganga si Valerie at nag-init na rin ang ulo, “Ako bobo? Ginagawa ko lang ang normal na dapat gawin ng normal na tao pag may gulo. Tumawag sa kinuukulan. Pwes, kung takot ka na tumawag sa dapat tawagan, di ko na problema yon! Akina ang cellphone ko.”
Natawa itong lalaki saka tinapon ang cellphone niya. Napasinghap si Valerie nang panoorin ang paglipad ng kaniyang cellphone at humampas ng malakas sa pader. Wasak-wasak na bumagsak ang cellphone niya sa kulay itim na tubig na dumadaloy sa eskinitang kinatatayuan nila.
“Bakit mo ginawa yon? Gago ka ba? Alam mo ba ang laman ng cellphone na yon?! Andon ang buhay ko!”
Sinakmal siya nitong lalaki sa leeg, “Alam mo ba ang ginawa ko para sayo, ha? Niligtas lang naman kita sa mga kasamahan ko na pinagbabalakan kang pagnakawan at kung mamalasin ka ay baka pagsamantalahan ka pa nila dahil mukha kang mayaman!”
Nawala ang galit sa mga mata ni Valerie nang marinig ang sinabi ng lalaki. Lumuwag na rin ang hawak nito sa leeg niya at di nga naglaon ay napabitaw ito.
Napayuko itong lalaki at kita niya na nagdurugo ang tagiliran nito.
“Hala, dumudugo ang tagiliran mo!”
“Umalis ka na lang...” nanghihinang sabi nitong lalaki habang namamawis ng malala at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya.
Mula sa kinatatayuan ay tiningnan niya ang lalaki. “Ah Valerie!” sapo niya sa noo at mabilis na kinuha ang mga piraso ng kaniyang sirang cellphone saka tumakbo kasunod nitong lalaki.
Mabilis niyang hinigit ang braso nito at isinampay sa balikat niya. “Anong ginagawa mo? Umalis ka na bago pa magising ang mga yon.” Reklamo nitong lalaki.
“Kaya nga tinutulungan na kita na makalayo agad bago pa sila magising,”
“At bakit mo naman gagawin yon?”
“Utang ko ang buhay ko sayo, simple. At saka sa tingin mo bubuhayin ka ng mga yon kung totoo ang sinabi mo na niligtas mo ako,”
“At saan mo naman ako dadalhin?”
“Sa presinto,”
Natigilan iyong lalaki at nanlaki ang mga mata. Sinubukan nitong kumuwala sa hawak niya pero masyado na itong mahina.
“Isusurender kita, gagamutin ka don at pipyensehan kita,” sabi ni Valerie. “Base sa itsura mo, bata ka pa. Sayang ang buhay kung magiging magnanakaw ka lang. Bibigyan kita ng pagkakataon na kumita ng pera sa tamang paraan,”
Natawa itong lalaki at buong lakas siyang tinulak, “At sa tingin mo talaga ay kailangan ko ng pera kaya ako nagnanakaw?”
“Eh di anong kailangan mo? Kaibigan? Kasama? O Salat ka sa pansin?” matapang na sabi ni Valerie habang nakatitig dito sa lalaki.
“Manahimik ka!”
Kinuha na ulit niya ang braso nitong lalaki at inalalayan. “Bitawan mo ako. Wala akong ginagawang masama. Wag mo akong dadalhin sa pulis.”
“Hindi naman kita dadalhin sa pulis, gagamutin lang kita. Hayaan mo na ako dahil ayaw ko ng utang na loob. Pag nagamot na kita, bahala ka na sa buhay mo,” sabi ni Valerie.
Saglit niyang iniwan ang lalaki sa b****a ng eskinita at madaling tumakbo para kunin ang kotse.
Kaso pagbalik niya ay wala na don yong lalaki. “Ang tigas ng ulo.”
Nagmaneho na si Valerie pabalik sa tinutuluyang apartment nang aksidenteng makita iyong lalaki na iika-ikang naglalakad sa intersection malapit lang sa kaniyang unit. Sa likuran nito ay nakasunod nga iyong mga lalaki na kasamahan nito na halatang may masamang balak.
Mabilis niyang kinabig ang manibela at binuksan ang pinto ng passenger’s seat nang tumapat sa lalaki.
Nagkatinginan lang sila at madaling sumakay iyong lalaki saka pinaharurot ni Valerie palayo ang kotse.
Nagpaikot-ikot rin muna sila bago tuluyang tumigil sa garage ng tinutuluyang apartment.
“Baba na,” sabi ni Valerie habang sinasarado ang pinto ng garahe.
“Wala bang magagalit na nag-uwi ka ng lalaki?”
Sumimangot si Valerie at natawa, “Ako? Mamamatay na muna ako.”
“Wala kang asawa? Boyfriend? Kabit?”
“Bumaba ka nalang dahil para saan naman kunwari kung meron eh gagamutin lang naman kita, tapos.”
Iika-ikang sumunod itong lalaki kay Valerie papasok ng apartment, “Mayaman ka pala.”
“Bakit, pagnanakawan mo na ako?” tahasang tanong ni Valerie habang kumukuha ng medicine kit sa kusina.
Umupo itong lalaki sa isang stool bar sa kitchen bar at naghubad. “Mayaman ka, oo, pero mas mayaman nga lang ako.”
“Oh eh di ikaw na,”
“Bakit ganiyan ka? Hindi normal ang inaasal mo sa edad mo. At hindi ka manlang ba naakit sa magandang abs ko?”
Umirap si Valerie at walang pagdadalawang-isip na binuhusan ng alcohol ang sugat nitong lalaki. “ARAY!” sigaw ng lalaki.
Mabilis na dinampian ni Valerie ang sugat ng gasa at binuhusan ng betadine. “Alam mo, lahat ng tao may abs, short for abdomen. Some are muscular, some are flabby. So bakit ako maakit sa meron din ako?”
Iniangat ni Valerie ang suot na t-shirt at ganon na lang ang gulat ng lalaki nang makita kung gaano kaganda ang muscles ng kaniyang tiyan.