Chapter 7

1589 Words
Di magawang makapagsalita ni Valerie, bumuhos na ang kaniyang luha ng malala. “Ms. Kli, tinatanong kita,” “S—Sir, di ko po alam ang nangyayari niyan,” hagya nang masabi ni Valerie ang mga salita. “Ay mahirap naman yang sinasabi mo dahil kita rito na mukhang gustong-gusto mo nga ginagawa mo. Ikaw itong nakaibabaw at gumagawa. Sinusubukan kong gawan ng rason para matulungan ka kung may ginawa si Mr. Leyron sayong pagpipilit pero ang hirap..” “S—Sir...” “Sorry Ms. Kli pero kahit ikaw ang nakataas sa exam, si Mr. Trevilla ang ipapadala namin. Mahirap isugal kasi school natin ang dadalhin niyo sa pag-alis.” “Alam po ba ni Sevan?” “Siya ang nagbigay sakin nito dahil gusto niyang mapaalis si Mr. Leyron. Mapapaalis namin siya pero kailangan mo rin harapin ang consequences mo. Wag ka mag-alala, walang ibang nakakaalam, tayo lang. You can leave now.” Tulalang lumabas si Valerie ng dean’s office at tahimik lang silang mag-ina habang nasa biyahe. Pagdating sa bahay ay dumiretso ang kaniyang ina sa kwarto nito at para siyang dinurog nang marinig itong humagulgol. “Ma, sorry po...” hagulgol ni Valerie. Rinig niyang nagwala na ang ina sa kwarto kasabay ng masasakit nitong pagiyak. Puno ng galit at sama ng loob, lumabas si Valerie bitbit ang susi ng kotse nila at nagbiyahe. Walang ibang ginawa si Valerie kundi umiyak ng umiyak habang nagmamaneho. Pumreno siya ng malakas pagdating sa tapat ng isang lumang bakod at bumaba. Walang pagdadalawang-isip siyang pumasok sa bahay. Sawali lamang ang pinto kaya mabilis mapasok. Kaso, walang katao-tao sa bahay. Madilim at walang buhay na ilaw maliban sa kwarto ni Sevan. Mula sa kinatatayuan niya ay rinig niya ang mahihinang hangos. Nangingingig ang mga paa niyang humakbang palapit sa kwarto. Paghawi sa kurtina na nagsisilbing tabon ng kwarto ay malalim na singhap ang kumuwala sa kaniya nang tumambad si Sevan na nakikipag s*x pero hindi sa kung sino na di niya kilala. “Tita Chi?” laguslos na ang luha ni Valerie at mabilis na tumakbo sa labas para sumuka. Pagkasuka ay mabilis siyang naglakad papunta sa kotse. “Val!” pigil sa kaniya ni Sevan nang buksan niya ang pinto ng kotse. “Hayop ka!” sigaw ni Valerie at binigyan ng malakas na sampal si Sevan. Pagkasampal ay sumuka na naman siya. “Ang bababoy niyo!” “Wag dito, Val. Maaawa ka naman sa tita mo,” Nangunot ang noo ni Valerie at binigyan na naman ng isang malakas na sampal si Sevan. “At bakit? Nahiya ba kayo sakin? Kakasuka kayo!” “Val...” sumamo ni Sevan, sinubukan pa nito na hawakan siya. “Wag mo kong hahawakan! Kakadiri ka!” hinagpis ni Valerie. “Gusto kong ipagsigawan yang kabababuyan niyo pero...sayang pa sa oras. Fck you!” “Wag ka magmalinis Val. Ikaw ang unang nanggago sakin!” Napanganga si Valerie. Tumingin ng masama si Valerie sa tita nito na umiiyak rin sa may pinto bago galit na sumakay sa kotse. Pero bumaba ulit siya at sinampal ulit si Sevan. “Sabihin mo, ikaw ba ang nagbalak ng lahat ng tungkol kay Mr. Leyron?” “Anong pinagsasasabi mo?” “Kung gagawa ka lang ng kabobohan, sana ginalingan mo na! Gago! Kitang-kita ka sa repleksiyon ng wine glass na nanonood at nagvivideo samin. Kung ganon mo talaga kagustong pumunta sa US sana nagsabi ka nalang dahil barya lang naman sakin yon kung gugustuhin kong pumunta!” gigil na gigil na duro ni Valerie saka sumampal na naman kay Sevan. “Bobo!” Sumakay na ulit siya ng sasakyan at pinaharurot ito palayo. Di niya alam kung saan pupunta kaya kahit hiyang-hiya ay nagtungo siya sa bahay nina Quin. Pagbukas ni Quin ng pinto ay ngumiti pa siya at bumulong, “Pwedeng patulog muna?” Mugtong-mugto na ang kaniyang mga mata at putlang-putla. “Anong nangyari?” Di naman na nakasagot si Valerie dahil nawalan na siya ng malay. Nagising na lang siya ay nasa ospital na siya. “Vali!!” hagulgol ni Quin. “Alam ba ni Mama?” tanong agad ni Valerie nang biglang bumangon sa pagkakahiga. “Malamang hindi! Takot ko nalang,” Nakahinga ng maluwag si Valerie at bumalik sa pagkakahiga. “Sorry.” “Vali, ano ba kasing nangyayari?” “Saka na lang, pwede bang humiram ng cellphone?” Iniabot naman ni Quin ang cellphone nito bago nagsalita, “Vali, buntis ka. Si Sevan ba ang ama?” Tumulo na lang ang luha ni Valerie at nagdial sa cellphone. Sumagot naman agad ang tinawagan niya. Nanginginig ang kamay niyang iniangat ang cellphone sa kaniyang tenga at bumulong, “Pa... kailangan ko po ng tulong mo.” “Vali, sabihin mo lang ang kailangan mo,” sabi ni Quin, pati ito ay nanginginig ang mga labi pero pinipilit na maging matatag. “Luluwas ako at sa kabila ko bubuhayin ang bata,” “Sasamahan kita,” “Quin, hindi na,” “Magboboard pa tayo di ba? Ganon na rin yon. Di ka namin pababayaan ni Robert, pangako yon,” Humagulgol na ng sobra si Valerie, “Winasak niya ako, Quin.” “Vali, you’ll be fine. You will be fine,” “Hinding-hindi na ako magmamahal, Quin.” Nang makalabas sa ospital ay buong lakas na bumalik si Valerie sa kanilang bahay para kunin ang kaniyang mga gamit. Walang katao-tao sa bahay. Magulo ang buong bahay kaya nilinis niya muna. Pagtapos na maglinis ay naglagay na siya ng mga gamit sa maleta at nag-iwan ng sulat sa mesa katabi ng sofa. Buong buhay niya ay tuwing magkakaroon ng problema, di talaga sila nag-uusap ng kaniyang ina. Pinalilipas lang nila ang oras. “Ready?” tanong ni Quin na nag-iintay sa kaniya sa labas ng kanilang bahay. Tumango lang si Valerie habang diretso pa rin sa pagluha. “Tahan na, please? Papangit na ang inaanak ko.” “Ang lungkot lang Quin na...kahit kelan di ako naging sapat kay Mama na isang pagkakamali ko lang...kayang-kaya niya akong bitawan at balewalain,” “Vali...” “Ha! Tara na!” buntong-hininga ni Valerie saka sumakay ng sasakyan, saglit pang ninamnam ang lugar niyang kinalakhan habang pinapahid ang mga luha. *** Mabilis na lumipas ang panahon. Naging mahirap ang proseso pero lahat naman ay kinaya ni Valerie sa tulong nina Quin at ng kaniyang ama. Kahit bigo na pumasa sa board exam ay kabi-kabila pa rin ang nakuhang trabaho ni Valerie at hindi niya kinakailangang umalis ng bahay kaya naman maayos niyang napagsabay ang pagtatrabaho at pagiging ina. “FARA! Bangon na at late na!” sigaw ni Valerie habang nagluluto ng umagahan. “Ma...pwede po bang di pumasok, may sakit ako,” *umubo ang bata* “Ah may ubo. Sige, tara sa doctor at magpapareseta tayo ng gamot. Ipapacheck ko na rin ang dugo mo baka kung ano na yan. Tuwing may exam inuubo ka, nako, malala na anak yan!” “MA!” “Ako pa uutakan mo, Fara! Balik sa kwarto at maligo nang makapasok!” “AYAW!” “PAPALUIN KITA!” Ganito ang araw-araw na scenario ng buhay nina Valerie at ng kaniyang anak simula nang mag-aral ito. Sampong taon na rin ang lumipas, grade-5 na ang anak niya na si Fara. Natigil lang ang paghahabulan nilang mag-ina nang biglang pumasok si Quin na malaki na ang kabuntisan. “Valiii!” sigaw nito. “Wag ngayon, Quin. Di mo na ako mapipigilang swetuhin itong inaanak mo!” “Hindi Vali, iba to. Si Tita Chi, tumawag,” kinakabahang sabi ni Quin. Agad na sumeryoso ang mukha ni Valerie, “Fara, pumunta ka na sa kwarto at maligo.” “Ma...” “ISA!” Tumakbo na si Fara papunta sa kwarto nito at naupo naman si Quin at Valerie sa sofa. “Anong meron?” seryosong tanong ni Valerie. “May sakit ang Mama mo,” Napatayo si Valerie sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kusina. “Eh ano daw?” “Vali...ten years na. Ikaw lang ang anak ni Tita,” “Quin, sa loob ng sampong taon, hindi manlang ako kinamusta ni Mama kahit isang beses. Inisip ko na lang na yon na yon,” “May cancer ang Tita Chi mo at walang mag-aalaga sa Mama mo, kailangan ka nila,” Napangisi si Valerie, “May cancer? Di pa natuluyan.” “VALI!” “Bakit? Anong masama sa sinabi ko? Di ba kung namatay na lang siya eh di sana hindi na siya maghihirap? Diba yon naman ang ginagawa ng cancer sa katawan? Nagpapahirap.” “Vali, baka nalilimutan mo na may nagawa ka kaya sumama rin ang loob nila sayo, kaya tiniis ka rin. Kahit ako nga na kaibigan mo, inis pa rin na tinago mo sakin ang tungkol sainyo ni Sevan kahit lagi kitang tinatanong. Tapos nabuntis ka pa,” “Umalis ka na Quin dahil ayaw kong mag-aaway tayo dahil lang sa mga taong pinagwalang-halaga ako ng mahabang panahon,” Tumayo si Quin at bumuntong-hininga, “Aalis na kami ni Robert bukas papuntang US. Nakakuha siya ng trabaho don, bukod don ay matagal na akong iniintay nina Mommy na sumunod sa kanila. Sa tingin ko naman ay sapat na ang panahon na sinamahan kita. Kaya mo na siguro ito, Vali. Kung uuwi ka raw ay pinahanda na nila ang dating bahay niyo ng Mama mo. Nakatira ngayon ang Mama mo sa bahay ng lola mo simula nang pumanaw. See you when I see you, Vali.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD