17

1359 Words
HALOS ORAS NG tanghalian nang dumating sila sa Claveria. Bago kumuha ng uupahang cottage ay inuna na nilang kumain muna. Nang mabusog ay saka sila namili sa naghilerang resort doon. “Maghihiwalay pa ba tayo ng kuwarto?” kaswal na sabi sa kanya ni Edmund. “Di, mapapamahal naman tayo?” kaswal ding sagot niya. Napatango lang si Edmund. Ito ang nakipag-usap sa receptionist at inihatid sila sa cottage. Nang maiwan sila roon, lalong lumutang ang pagkailang na pilit na iniignora ni Charity kanina pa. Naiinis na siya sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam niya. Gusto naman niya si Edmund. In fact, pakiramdam nga niya ay mas malalim pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya sa binata. Pero hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit bigla na lamang siyang na-conscious sa bawat kilos niya buhat nang tapatin siya ni Edmund sa hangarin nito sa kanya. “Gusto mong magpahinga muna?” banayad na tanong sa kanya nito. “Matindi pa ang sikat ng araw. Baka masunog ang mga balat natin kung lulusong na tayo.” “Iisa lang ang kama,” she said. At pakiramdam niya, mukha siyang tanga sa sinabing iyon. “I don’t see a problem. Malaki naman iyan. Kasyang-kasya tayo.” Napalunok siya. “Charity,” ani Edmund at hinatak siya nang banayad palapit dito. “I don’t know what’s bothering you. Pero napansin kong nag-iba ka. Parang mayroon kang malalim na iniisip. May problema ka na?” Umiling siya. “Come on, Chattie.” Pumihit ito paharap sa kanya at hinaplos ang mukha niya. “Ilang araw na tayong magkasama. Ngayon lang kita nakitang ganyan. Care to tell me?” Umiling uli siya. “Okay,” wika na lang ng binata. “Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero importante sa akin na malaman, hindi ka ba napilitan lang na sumama sa akin ngayon?” “No,” sagot niya agad. “Sorry, Edmund.” “Sorry for what?” tanong nito na tila nag-alala. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. “I know I’m different lately. Pasensya ka na doon.” “It’s all right. Naiintindihan ko naman na may sudden change of mood talaga kayong mga babae. I’m sure, mayamaya lang, babalik na din iyong Charity na nakasanayan ko.” Banayad nitong tinapik ang pisngi niya at pagkuwa ay biglang yumuko at kinintalan siya ng halik sa sulok ng kanyang bibig. Napakurap siya dito. “Galit ka?” he asked. Umiling siya. Napangiti ito. “Iling na naman. Ang tipid mo namang magsalita ngayon?” malambing na sabi nito at kinawit ang kanyang batok. “I’ll give you more reason not to talk.” Minsan pa ay yumuko ito at hinalikan ang kanyang mga labi. Kakaiba iyon sa mga naunang paghalik nito. Kaagad niyang naramdaman ang pagdiin ng mga labi nito sa kanya. At segundo lang, nadama din niya ang pangangahas nitong palalimin pa ang halik. Sandali lang siyang nag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. Mas namayani sa sistema niya ang totoong nararamdaman niya kay Edmund. Tinanggap niya ang halik nito. Napakapit siya sa balikat ni Edmund. Bawat galaw ng labi nito sa kanya ay nagdudulot ng kakaibang sensasyong mabilis na gumagapang sa kanyang gulugod. Parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya at kailangan niya ang suporta nito. Humigpit din ang hawak ni Edmund sa kanya. Ramdam niya kung paano nito tila ligisin ang kanyang katawan upang lalo pang mapadaiti sa sarili nito. Napaungol siya. Sa bawat segundong magdaan ay dama niya ang lalo pang pagtaas ng intensidad ng halik na iyon. It was one wonderful kiss that she felt for the first time. Hindi niya nilalayong ikumpara iyon sa mga naunang halik na natikman niya pero hindi niya maiwasang gawin dahil lubhang napakalayo ng pagkakaiba. “I have to stop,” tila hirap na wika ni Edmund. Dinama nito ng daliri ang mga labi niyang bahagyang namaga at saka siya niyakap. Nagtataka man ay gumanti na lamang din siya ng yakap. Bagaman tapos na ang halik, pakiramdam niya ay wala pa ring sapat na lakas ang mga binti niya upang makatayo siyang mag-isa. Nang inakay siya ni Edmund patungo sa kama ay nagpaubaya lang siya. “Mamahinga na muna tayo,” anito at inihiga siya. Bumangon ito at sandaling nagtungo sa banyo. Nang bumalik ito, napansin niyang bagong hilamos pa ito. Hinubad nito ang suot na sapatos at saka sumampa sa kama. Naupo ito roon na nakasandal sa headboard ang likod. “I don’t wanna rush you, Chattie. Sapat na sa akin ang tiwalang ibinigay mo para sumama sa akin. Ayokong sirain iyon.” Tinitigan niya ito at napangiti. “Alam mo ba kung bakit wala akong kibo kanina?” “Bakit?” Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan niya. Hindi niya alam kung anong mahika mayroon ang halik na pinagsaluhan niya para bigla na lang ay bumalik sa dati ang pakiramdam niya. Tila bulang naglaho ang anumang insecurity na ngumangatngat sa sistema niya kani-kanina lang. Ngayon ay alam na rin niya kung paano bibigyang paliwanag iyon. “Naguguluhan kasi ako sa sarili ko, eh,” aniya at bumangon upang gumaya ng upo dito. “Sabi mo you don’t wanna rush things. Eh, tingnan mo naman? Nandito tayo sa kuwarto na ito at magkatabi pa tayo dito sa kama. Paglabas natin dito, wala namang maniniwala na nagkuwentuhan lang tayo.” “Iniisip mo ba iyong sasabihin ng ibang tao?” tanong nito. Umiling siya. “Ang iniisip ko ay kung ano ba ang nararamdaman ko.” “And what is that?” Luminga siya dito at tumitig. “I’m thinking about us. Naniniwala naman ako sa iyo na gusto mong magsimula uli. I’m glad na ako ang gusto mong makasama sa panibagong buhay mo.” Tila nalambungan ng pag-aalala ang mga mata nito. “Nag-aalala ka ba na baka hindi ko pa rin nakakalimutan ang mag-ina ko?” “Hindi naman sa ganoon.” “Charity, I have to admit. Pareho silang espesyal sa buhay ko. I don’t think I would be able to forget them. At saka hindi ko rin naman sila gustong kalimutan. They had been a part of my life. They made me happy. Pero nakaraan na sila.” Hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinagkan. Ikaw ang ngayon. Ikaw ang gusto kong maging ngayon ko at bukas. I told you, I’m beginning to love you. And I know it won’t be hard for me to love you more.” Namasa ang mga mata niya. “Edmund, I also feel something special for you. Kaya lang, hindi ba parang ang bilis-bilis naman? Parang nakakatakot.” Ngumiti ito. “Kung gusto mong maghintay ako, gagawin ko. Tell me, Charity, gaano katagal ba akong maghihintay? I have no life for more than a year. Hindi ko na kukuwentahin kung madaragdagan pa iyon ng ilang linggo o buwan.” Nanulis ang nguso niya. “Nangongonsensya ka naman yata, eh.” Pumihit ito paharap sa kanya at kinintalan siya ng halik sa mga labi. “I’m not. Saka hindi na kita aapurahin na sagutin ako kung ganito namang nakaka-kiss din ako,” he teased at hinaplos pa ang kanyang baba. Pabirong tinabig niya ang kamay nito. “That’s one more thing. Kung hindi naman kita sasagutin, di para naman tayong tanga? We do kiss tapos hindi pala tayo?” Tinitigan siya ni Edmund at saka ito ngumiti nang maluwang. “Saan ka namomroblema, darling? It’s so easy. Let’s make this relationship clear. Period.” Napangiwi siya. “Kasi…” Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya. “I love you with all my honest intentions, Charity. At hindi iyan basta salita lang. Papatunayan ko iyan sa iyo. Forget all your worries, darling.” Napalunok siya. “Hindi ba ako mukhang easy-to-get?” “Wala akong iniisip na ganyan. Just say yes and we’ll move to another step of this relationship.” “Yes…?” “Say it again.” She breathed. “Yes. I love you, Edmund. This is so sudden but I really feel that I do love you.” Matamis ang ngiting gumuhit sa mga labi nito. “I love you too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD