Ang akala ko, magiging pabor sa akin ang tagpong ito. Inasahan kong ito na ang magiging simula ng kwentong kay tagal kong hinihintay. Nilihim man sa loob ng mahabang panahon, kahit ang tagal na mula noong sumibol ang nararamdaman ko sa kaniya ay wala pa ring nagbago. Ako pa rin ang nag-iisang Samira na lagpas-langit ang paghanga sa isang Trio Trivino.
Ngunit ano itong narinig ko? Bakit lumihis ang direksyong inaasam ko?
He pressed his lips together. Tumingala siya sa langit na ngayo’y nilalatagan na ng dilim. Ang ginintuang silahis ng araw ay pinapatay na kasabay ng unti-unti kong pagdurog.
Hindi na nanginginig ang mga tuhod ko’t daliri sa kaba. Maging labi ko ay hindi makontrol sa lalong pag-igting ng lungkot. Mabigla man ako sa aking nalaman, wala akong karapatan upang kuwestyonin iyon. Si Alania ang babaeng gusto niya. Ang kaibigan ko… si Alania.
Muli siyang yumuko sa akin mula sa pagkakatingala. Damang dama ko ang mas lumakas na kabog ng dibdib ko at para akong binubugbog. Walang galit na nananaig sa akin kundi dismaya sa higit kong `di inakala. Pakiramdam ko ay para akong pinulot sa lupa at ipinatapon sa kawalan.
“Nagulat ba kita?” pag-iral niya sa tagal ng aming pananahimik. Naninigas man ay pinilit kong umiling.
“H-hindi. B-bakit naman ako magugulat?” mahina at malumanay kong tugon. Mukha mang okay lang sa’kin ang lahat base sa tono ng boses pero sa kaloob-looba’y pinagbabasag na ang mga laman ko.
`Di niya alam na may gusto ako sa kaniya kaya niya ito nasasabi nang direkta sa akin. Iyon ang nasisiguro ko. Iyon ang alam ko.
He chuckled mockingly. “Sabihin mo lang sa’kin kung nagmumukha akong tanga. Tangang tanga na kasi ako dahil sa kaniya.”
Kung puwede lang tumalikod at tumakbo palayo, dapat ay kanina ko pa nagawa. Kung maaari lang umiyak nang umiyak kahit sa harapan niya, baka ngayo’y mugto na at namamaga ang aking mga mata. Higit pa yata akong sinampal ng katotohanan. Mas masakit kaysa mga napagdaanan ko sa buhay na miminsan lang umayon sa akin.
Pero sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? Sino ako para hangaan niya kahit katiting? Wala akong dapat ikagulat gayong si Alania ang babaeng iyon. Hindi na dapat ako mawiwindang kahit noong mga segundong nasabi niya iyon. Madaling unawain kung bakit nangyayari ito. Higit pa sa maganda si Alania.
Humugot ako ng lakas ng loob bago magtanong sa kaniya. Huminga ako nang malalim saka pinaghawak ang magkabila kong palad.
“Bakit ka magiging problema ng kaibigan ko? Sinabi mong may dahilan siya para hindi maging okay. Ito ba ang tinutukoy mo?”
He took a deep breath as his broad shoulders twitched. He answered, “Actually, we’ve talked about it... once. Pasimple kong tinanong kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang sinasagot sa mga manliligaw niya. Sinabi niyang wala siyang interes hanggang sa makapagtapos. Ayaw niya…”
Nagtutunog-bigo siya sa bawat salitang sinasabi. May lamig man ang paraan ng kaniyang tingin, taliwas na taliwas pa rin ang ipinapakita ng kaniyang labi. Ngayong alam naman pala niya na walang balak si Alania sa ganitong bagay, hindi na ako mahihirapan pang magpaliwang sa kaniya. Alania’s too tough to hold her principles. Pag-aaral bago landi. Diploma bago landi.
Patuya akong suminghal nang tahimik. Ano kaya ang gagawin niya kung malaman niyang may gusto ako sa kaniya? Talagang sa akin pa niya nasasabi ang bagay na ito. Sa dinami-rami ng maaari niyang pagkwentuhan, ako pang higit na sa dalawang taon ang damdaming ito.
“Iyan din sana ang sasabihin ko kung hindi mo pa alam,” wika ko nang nangangapa na sa mga susunod na minuto. Gustong gusto ko na umuwi at umiyak sa unan. “Hintayin mo na lang siya makapagtapos.”
“Damn it,” malalim niyang bigkas na nagpabigla sa akin. Iwinasiwas niya ang kamay niya na para bang may sinasaktan sa hangin. “Ang tagal-tagal pa no’n. Three years? Paano kung sagutin na niya sa mga panahong `yon ang half brother ko?”
Nalaglag ang panga ko. Kunwari ay nangati lang ang pisngi ko ngunit sign iyon na hindi ako napakali sa aking narinig. What the… alam niyang may gusto si Tinio kay Alania?
Sarkastiko akong bumuga ng hangin. Kapwa napabitaw ang pagkakasalikop ng magkabila kong kamay saka lumingon sa lamp post na hindi kalayuan sa amin. Buhay nga naman. Sino ang pipiliin ni Alania kung sabay manligaw ang dalawang Trivino?
At hindi lang mga Trivino ang maghahabol sa kaniya. Isama pa si Bryce at `yong mga kalalakihan sa campus. Sige, may posibilidad din na mahulog si Kario sa kaniya. Imposibleng hindi. Imposible.
Pumasok na lang sa isip ko kung gaano kalakas ang genes ng mga Silvestre. Tiyak iyon dahil may kaguwapuhan si Tito Alfred noong kabataan pa lang nito. Iyong nanay niya ay minsan nang sumabak sa mga beauty contests. Nasa lahi na talaga nila ang kagandahang panlabas at isa `yon sa mga kinaiinggitan sa kanila.
Sasabihin ko ba ito mamaya kay Alania pagkauwi namin? Ipaaalam ko ba o pananatilihing lihim? But she’s looking forward to this. Ilang beses na siyang naglaan ng oras upang kami ni Trio ang mapaglapit at sigurado akong ikalulungkot niya ang balitang ito.
“Tinio told me about this. He’s planning to court her,” he said.
“T-talaga? Sinabi niya sa’yo?” Umawang ang labi ko upang magkunwaring gulat. Kailangan upang hindi niya mahalatang may nalalaman ako tungkol dito.
“Yeah. Nagsisimula na siya.”
“Nagsisimula?”
He faked a laugh. “Kita mo ang nangyari sa kaniya? Sinadya niyang mahulog sa puno para bisitahin ni Alania.”
Iyon ang totoo kong ikinagulat. Namumutawi man ang kirot mula sa mga nalaman ay nadadaig na rin ako ng mga hindi ko alam sa mga ginagawa ni Tinio. Maybe I should ask him about this. Baka gawa-gawa lang itong naririnig ko.
“Nakumpirma mo?”
“I saw him that very day. Alam niyang marupok na ang sangang tatapakan niya sa itaas pero hinakbangan pa rin niya. Tumatawa pa nga noong napilayan.”
Hindi ako makapaniwala sa handang gawin ng mga lalaking ito para lang mapansin ni Alania. Kahit iyong pinakadelikado at nakamamatay ay handang handa pasukin. At kung totoo ngang sinadya ito ni Tinio, bakit sa paraang higit na mapanganib? Ito lang ba ang nakikita niyang paraan? Wala na ba?
Kailangan ko talaga siyang kausapin tungkol dito. Magtunog-bitter man ako kung sasabihin kong mas gusto ko siya para kay Alania, handa akong tumulong hanggang sa mawalan ng pag-asa si Trio. And there’s nothing wrong with this bias. Besides, pagtulong din ang intensyon ni Tinio sa akin upang mapaglapit kami ng kapatid niya.
Wala na akong tinugon sa kaniyang sinabi. Pipiliin kong hindi magsalita kung wala siyang itatanong. Sa dami ng alam ko, isang maling sabi lang ay maaari nang masira ang lahat. Nakatatakot magpahayag lalo sa sitwasyong gaya nito. Nasasaktan ako. Sobra.
“That’s why I need you,” bigkas niya na kaagad umagaw sa aking pansin. Suminghap ako nang pagkalakas-lakas.
“Huh?”
“I need you. I need your sorcery.”
Tumakbo ang kay lamig na nagkakarerahang hangin. Sumabay ito sa nasirang ritmo ng pulso ko— isang pagyurak sa natitira kong katinuan. Sa pagkakataong ito ay nasaksihan ko kung gaano katatag ang determinasyon sa kaniyang mga mata. Sigurado na siya. Sarado at sigurado.
“H-hindi ko alam a-ang tinutukoy mo—” Hindi ko na natapos ito dahil sa bigla niyang pagsabat.
“Someone told me about your practices. You’re a sorceress, right?”
“Oo pero—”
“Then I’ll be your customer. Do what I want and I’ll pay more than what’s asked.”
Umatras ako nang isang beses. Humakbang siya upang ibalik ang lapit ng aming distansya.
“N-naguguluhan ka lang, Trio. Pag-isipan mo ang mga sinasabi mo.”
“Pag-isipan? No. I’ve been sure about this. If sorcery is the only way to make her love me like I do, then let me. Do this for me, Samira. Do this for us.”
Inangat ko ang aking kamay upang kusutin ang aking mga mata. Bumibigat na ang talukap ko ngunit pinipilit ko pa ring pigilin ang luha ko. Ibig sabihin, ito pala ang dahilan kung bakit sinundo niya ako sa loob at dinala rito. Wala sa plano niya ang kilalanin ako. Para kay Alania ang lahat ng ito pati na ng hindi mapapantayang paghanga sa kaniya.
Ayaw kong isipin na pinaglalaruan ako ng tadhana lalo’t hindi naman ito ang unang beses na nasaktan ako. Ngunit sa kabila nito, `di ko maiwasang kuwestyunin kung bakit hindi ako. Bakit kay Alania pa na siyang walang balak makipagrelasyon kahit sa pinakamayamang nabubuhay? Ako itong handa na sa pagtanggap ng pag-ibig pero ako pa itong binibigo.
Ako na lang ang mahalin mo, Trio. Pakiusap, ako na lang.
“Pag-iisipan ko,” wika ko. “Pag-iisipan ko muna.”
“Bakit kailangang pag-isipan? It’s your job to fulfill what we crave—”
This time, ako naman itong pumutol sa mga sinasabi niya. Lakas-loob akong nagsalita sa mapait na boses.
“Kaibigan ko ang gagayumahin mo. Gustuhin ko mang tumulong ay `di rin magiging madali, Trio...”
Huminahon siya base sa pagbagsak ng kaniyang balikat. He then sighed as if he finally got my point.
“Okay, I understand. I’m sorry.”
Tumango-tango ako saka nagpasya nang tumalikod. Tinatawag pa niya ako habang naglalakad ako ngunit hindi na ako humarap pa. Sa puntong ito ay hindi ako sa loob ng mansion dumiretso kundi sa bakante’t madilim na espasyo— sa lugar kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Kailangan kong iiyak ang lahat ng ito bago pa may makakita sa’kin. Iiyak ako at wala ng makapipigil.
**
“Oh my God! Magkwento ka dali!” excited na sigaw ni Alania nang tuluyan na kaming nakaalis sa lugar ng mga Trivino. Lumagpas na ang alas siyete ng gabi kaya kinailangan na naming magmadali. Napatagal kasi ang kwentuhan nila ni Tinio. Akala naman niya’y lagpas dalawang oras akong nakipag-usap kay Trio kahit ang totoo’y umiyak lang ako nang umiyak sa ilalim ng madilim na Acacia.
Mapanakit ang mga tagpong iyon kahit ako lang ang mag-isa. Tanging liwanag lang ng buwan ang nakaharap ko habang dinadama ang sakit na hindi ko inasahang darating. Nais ko sanang sabihin sa kaniya kung ano ang totoo at kung ano ba talaga ang nangyari. Ngunit sa takot na baka mapalala ko ang mga sitwasyon, hinintay kong mahimasmasan hanggang sa maging handa na ulit.
Papasok na kami ng niyugan. Ilang lakad na lang ay mararating na namin ang dalampasigan kung saan maaaring kanina pa naghihintay sina Bryce at Kario. Madilim man at walang masyadong makita sa daan, naging tulong ang flashlight ng dala-dala kong cellphone.
“Wala akong dapat ikwento, Al,” tinatamad kong sabi nang diretso lang ang tingin. “Normal na usap lang ang nangyari.”
“Normal? Ni hindi ka nga diyan makasalita. Bakit? Speechless ka sa lala ng kilig?”
Itinanggi ko iyon. “Hindi ako kinikilig.”
“Huwag nga ako, Samira.”
As we walk, she then told how she spent her time talking to Tinio. Tungkol daw sa mga tourist spots sa Pilipinas ang napagkwentuhan nila na siya niyang na-enjoy dahil goal niyang libutin ang Pilipinas. And yes, Tinio has visited those places. Sa dami raw ng pera nito ay walang wala lang ang bigat ng budget sa travel.
Iyon pa rin ang mga sinasabi niya nang marating na namin ang dalampasigan. Naghiwalay na kami ng landas at kaniya-kaniyang bumalik sa mga naghihintay na bangkero.
Napairap ako nang marinig ang malakas na hagikhik ni Alania. Umalingawngaw pa ang boses ni Kario na tumatawag sa kaniya.
“Lagpas na ng alas siyete,” salubong sa akin ni Bryce habang may hawak na flashlight. Dahil dito ay pinatay ko na ang ilaw ng aking cellphone.
“Pasensya na.”
“Napasarap ba ang kwentuhan niyo ng mga Trivino?”
“Ewan,” monotono kong sagot. Akma na sana akong sasakay sa bangka ngunit hinawakan niya ang aking kamay. Sa higpit nito ay halatang nais niya akong pigilan. “Oh, bakit?”
“Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya sabay hila sa akin. Nagpatianod ako at muntik pang mapasandal sa kaniya.
“Bryce…”
“Okay ka pa kanina. Ngayon hindi na.”
“Okay lang ako.”
“Base sa mukha mo at boses, alam kong hindi. Umiyak ka ba?”
Bumaling ako sa gilid upang iwasan ang pag-iintrigang ito. Habang si Alania at Kario ay nagtatawanan sa kanilang bangka, kami rito ay hindi malaman kung nag-aaway ba o hindi. Ni hindi man lang lumingon sa amin ang dalawa nang kapwa na sila makasakay. Umalis sila nang hindi nagpapaalam.
“Tumingin ka nga sa’kin Samira.”
Tumaas ang boses ko, “Ano ba Bryce? Tigil-tigilan mo nga ako—”
“Bakit ka umiyak?”
“Hindi ako umiyak!”
“Huwag mong lokohin ang sarili mo.”
“H-hindi nga s-sabi…”
Nabasag na lang bigla ang boses ko. Sa biglang pagbalik ng mga sinabi ni Trio kanina, napaupo na lamang ako sa buhangin at `di napigilang bumagsak ang walang katapusang luha.