Chapter 19

2180 Words
I found no reason to back out. Bukod doon, wala na ring paraan upang umatras kung magbabago ang isip ko. Aminadong natuwa ako sa mga sinabi ni Tinio lalo’t si Trio na mismo ang kakausap sa akin ngunit tungkol saan? Ano ang aming pag-uusapan? Nang umalis na si Klaring palayo ng living room, naiwan mag-isa si Alania sa kinatatayuan niya. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko kung paano iyon kuminang. Lahat na lang yata ay pumapabor sa kaniya. Maging internal lights ay sumasamba sa kagandahan niya. Saka ako lumipat ng pansin kay Tinio na walang hiya-hiya kung makatingin sa aking kaibigan. He’s just sitting comfortably as if waiting for his bride. Sa unang tingin, hindi mahahalata ang ngiting pilit itinatago ng labi niya. Palagay ko nga ay nagwawala na `yan sa tuwa. Alania began walking toward us. Malaki man ang espasyo sa couch na kinauupuan namin ni Tinio ay napili niyang umupo sa aming tapat. Mahinhin ang kilos niya. Kulang na lang ay suotan ng gown at korona para magmukhang reyna. Siguro kung pinanganak akong lalaki, baka ako na ang kauna-unahang magkakagusto sa kaniya. Seryoso, kahit ano yatang nilalang ay manlalambot na lang. “Hi,” ani Tinio sa boses na malayo sa tonong ginagamit kapag ako ang kinakausap. May bahid iyon ng malalim na respeto at matayog na paghanga. Ngumiti naman si Alania nang tikom ang labi. “Hello, naaksidente ka pala…” Matagal bago makasagot ang marupok na Trivino. Kakalabitin ko na sana dahil napapatagal na ang titig niya. Buti na lang ay natauhan `di katagalan. Para siyang nablangko at nawalan ng ideya sa mga nais sabihin. “Y-yupp! Noong Martes lang,” he said. “Oh, bakit?” mas malumanay na tugon ni Alania. “Nalaglag kasi ako… s-sa puno.” Kamuntikan na akong mapasapo sa aking noo nang marinig ang mga huli niyang salita. Akala ko kasi’y sasabihin din niya kung anong mga nasabi sa’kin kanina. For some unknown reasons, gusto ko na lang siyang i-cheer-up na parang batang nakaharap sa all-time crush niya. Sensitive pa naman si Alania pagdating sa ganito. Mahalata lang niya na may motibo ang isang lalaki, babalaan na kaagad para hindi na umasa. Iyon din ang dahilan kung bakit maraming babae ang lihim na naiinis sa kaniya. `Di ko maunawaan kung bitter dahil na-basted ang mga crush nila sa isang diyosa— o baka mga inggitera lang. With her porcelain skin, perfectly proportioned lips, and heart-shaped face, sino ba namang lalaki ang hindi makakapansin sa kaniya? Inamin ko na noon sa sarili ko na bahagya akong naiinggit sa kung anong mayroon siya pero base sa mga epektong nasasaksihan ko, ipinagpapasalamat ko na lang na bihira lang ang nakapapansin sa’kin. Nandito naman ako lagi para sa kaniya. Sana, sakaling magbago ang isip niya tungkol sa konsepto ng pakikipagrelasyon, si Tinio sana itong pagbigyan. Naningkit ang mga mata niya sa narinig. Sa puntong ito ay nagmukha siyang reporter na umuusig sa ini-interview. “Puno? Paanong nangyari?” “Namali kasi ako ng tapak. Masyado palang marupok ang sanga kaya nabali.” “Kumusta ka naman ngayon?” Lumawak ang ganda ng ngiti ni Tinio, dahilan kung bakit higit niyang naipakita ang interes sa pakikipag-usap kay Alania. Wala namang ideya itong isa sa kung paano na umaalburuto ang kaluluwa ng kaharap. God. Kailan kaya niya mapapansin? “Pagaling na ako. Ilang araw na lang at papayagan na ulit akong magmaneho.” Ako lang yata ang naiilang sa usapan nila lalo’t ako lang din siguro ang aware sa likod ng mga nangyayari. Hindi ito ang una nilang pag-uusap. Hindi ito ang una nilang encounter sa isa’t isa. Una nang sinabi sa akin ni Tinio kung paano siya nilapitan ni Alania para hingian ng tulong. Talagang hindi pa personal na para sa kaniya dahil naroon ang intensyong ipaglapit pa kami ni Trio. Para nga kaming naglolokohan dito. Walang kaalam-alam si Alania na batid ko na ang planong nais simulan sa tulong ni Tinio. Wala ring alam si Trio na may plano ang dalawang ito upang makabuo kami ng koneksyon. Para itong sirko na sa aming apat lang umiikot. Napaisip na lamang ako kung kailan ba ito matatapos. “By the way, nasaan si Trio?” tanong ni Alania na halatang nagpipigil ng ngiti. Kagyat niya akong tinapunan ng tingin ngunit kaagad ding ibinalik kay Tinio. Akala niya yata’y hindi ko alam ang mga plano niya. Goodness. “Nasa rancho pa. Malapit na siguro matapos `yon,” ani Tinio. “I see, ang tagal na rin kasi naming hindi nakikita.” “Yeah, I know. May I ask if you drink?” tila ba pag-iba ni Tinio sa usapan. “Ng alak?” paniniguro niya sabay iling. “Nope.” “Oh, okay… what do you prefer?” Bumaling sa akin si Alania. “Anong sa’yo, Sam?” Sumagot ako, “Kahit ano.” “Juice? Tea? Coffee?” “Juice, siguro…” pag-aalinlangan ko. Gusto ko sanang tanggihan dahil baka maihi lang ako sa kaba pero ayaw ko namang magmukhang maarte o kill joy. Hinarap niya si Tinio. “Same. Juice na rin sa’kin.” May tinawag itong katulong at sa dami ng maaaring utusan ay hindi iyon si Klaring. Saglit lang din namang na-prepara kasama ng dessert pero hindi ginalaw. Nakinig lang ako nang nakinig sa usapan nila, partikular na sa mga kwento ni Tinio tungkol sa mga ininda niya. They’re now casually talking as if they’ve been friends for so long. Lihim na lamang ako napahanga sa kung paano na-handle ni Tinio ang nararamdaman niya. Hindi halata. Magagawa ko rin kaya ito mamaya kay Trio? May bahagyang latay ng inis na namumutawi sa’kin dahil parang na-prank ako nitong lalaking `to. Base sa chat niya kanina ay akala ko kritikal ang kaniyang kondisyon dulot ng aksidente. Somehow nagtugma sila ni Alania dahil kapwa rin nila inaasahan ang pagkakataong ito upang magkita kami ni Trio… Si Trio na ngayo’y nakita kong nakatayo na sa pinto suot ang pastel oversized hoodie at vintage cargo pants. “Oh, there you are!” sigaw ni Tinio sa boses na tila ba mas excited pa sa akin. Lumingon naman si Alania sa kaniyang likod upang makita ang tinutukoy. When our gaze met, that’s when my heart began pounding so hard. Pasikreto ko pang kinurot ang aking hita upang siguruhing hindi ito panaginip. He’s stoic. His lips weren’t moving while his eyes seemed staring at the darkness. Napakatangkad niya. Ilang linggo na ang nakalilipas mula noong huli ko siyang makausap ngunit wala ni isa mang nagbago. Siya pa rin si Trio na nagustuhan ko at patuloy ko pa ring gugustuhin kahit sa malayo. I don’t even know how I managed that. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang palampasin ang mga pagkakataong hinain na noon sa harap ko. Alania has made her way to make it possible pero ako itong nagpumilit na umatras. Ngayon? Nawasak ang lahat ng iyon. Hinding hindi ko na yata maiisip lumayo sa mga puntong magpapalapit sa akin o sa kaniya. Pero siyempre, hindi ito aabot sa paghiling na maging katulong sa mansion na ito. Napakarami ko ng responsibilidad para dumagdag ng bagong alalahanin. Binati siya ni Alania. Lumipat ang atensyon niya at doon pa lang nagsimulang umaliwalas ang ekspresyon. Nagsimula na rin siyang humakbang papunta sa amin at buong akala nami’y uupo sa espasyong nakalaan sa aking tapat. Nanigas ang panga ko nang huminto siya sa aking tabi at yumuko. Palunok-lunok akong tumingala. Nakita ko si Alania na kung makangiti ay dinaig pa ang nanalo sa lotto. “Can we talk?” Naramdaman ko ang pagkislot ni Tinio sa aking gilid. Animo’y pumabor sa kaniya kung ano man ang naiplano para din masolo niya ang aking kaibigan. Pero ano ito? Ano itong nasasaksihan ko ngayon? Kasasabi lang sa akin kanina na si Trio raw mismo ang lalapit at kakausap sa akin ngunit hindi ko inasahang ganito pala ang magiging reaksyon ko! Aanga-anga akong tumango. Walang sabi-sabi saka tumayo. Si Trio na mismo ang nagpaalam sa dalawa hanggang sa mamalayan kong magkatabi na kaming naglalakad palabas. For sure, gusto nang magwala ng dalawang naiwan dahil sa magkaibang rason. Tahimik lamang kami habang humahakbang sa pagmutawi ng abot-langit na katahimikan. Tila nag-slowmo ang paligid kaya kahit ilang minuto lang ang pagdaan namin sa grand hallway, pakiramdam ko’y umabot ng kalahating oras. I’m too stunned to even say a word. Sobrang gwapo niya! Sobrang— Ugh. Paano ko ba siya mailalarawan kung nalamon na niya pati katinuan ko? Bakit ang lakas-lakas ng dating mo, Trio Trivino? Sa pagtapak sa labas, sumilay ang nagbabadyang paalam ng haring araw. Hindi man kita mula rito ang larawan ng dalampasigan, kalat na kalat sa buong paligid ang gintong silahis na lulubog mamaya sa kadiliman. Everything that surrounds now is still and steady. Idagdag pa ang nag-aagawang kulay ng lila at kahel sa langit na pinupunan ng unti-unting pagkalat ng bituin. Malawak ang lupaing nakalahad sa aking harapan. Sa ilan pang mga hakbang ay tuluyan na kaming nakatapak sa damuhang hindi sakop ng mansion. May isang hardinero na nagliligpit ng hose. Alagang alaga ang hardin sa hindi kalayuan kung saan pausbong pa lang ang mga bulaklak. Dito ba kami mag-uusap? Huminto siya, dahilan kung bakit huminto rin ako. Humarap siya sa akin nang ilang pulgada lamang ang layo kaya napaharap din ako. Dito ko tuloy natanto kung gaano ako kaliit. Sa tangkad ba naman kasing `yan, pakiramdam ko’y nagmumukha akong bata. “Kumusta ka?” malalim niyang tanong. Wala akong napansin ni kahit anong bigat base sa natitirang liwanag ng dapit-hapon. “Samira, right?” Kikimi-kime akong tumango. Kung hindi mukhang pusang maamo ay baka nagmumukhang tanga. I can’t help but be self-conscious lalo na sa aking ipinapakita. Will he find me cute and pretty? Nakakatakot ngumiti dahil baka maturn-off siya sa mga sungki ko. “Ayos lang ako… and yes, ako nga si Samira,” mahina ngunit sigurado kong sabi. “Ikaw? Kumusta ka naman?” He rubbed his forearm. Medyo oversized ang suot niya kaya hindi makita ang muscles na mayroon siya. Pero kahit na hindi niya iyon ipakita, aware naman ako dahil nasaksihan ko na `yon minsan. `Di lang siya biniyayaan ng kayamanan at kaguwapuhan. Pati ganda ng katawan ay nakuha na rin niya. “I’m… okay as well.” He sighed. “Busy lang.” Kinuha kong pagkakataon iyon upang mapahaba ang aming usapan. Kailangan dahil lalo pang bumibilis ang t***k ng puso ko. “Busy ka saan?” “Hindi lang sa rancho,” aniya sabay iwas ng tingin. “Minsan sa surfing.” Wala naman sanang lamang pagkain o tubig ang bibig ko pero kung makaubo ay para akong nasamid o nabulunan. Nagulat ako. “Surfer ka pala…” “Yeah, hindi ba sinabi sa’yo ni Alania?” he asked. He then looked intently. Dahil dito ay nawalan ako ng interes upang sagutin ang tanong niya at mag-focus lamang sa pakikipaglaban ng titigan sa kaniya. I have admired everything about him and even after seeing his possible flaws. Sa kaniya ko na rin nakikita ang hinaharap ko. Kung hindi siya, baka hindi na ako mag-aasawa. Is it too early to tell that he’s already my center of anything? Is it too soon to conclude that fate has paved its way to make this happen? Batid kong hindi ako kagandahan, na hindi ako katulad ni Alania para pagkaguluhan. Pero hindi naman kasi marami ang nakalaan sa puso ko. Isa lang ang nakatakda at nasisiguro kong siya iyon. Mamahalin ko pa rin siya kahit hindi siya ipinanganak na Trivino. That’s how destiny works and I’m starting to believe that. “Hey…” untag niya kaya para akong ginising sa reyalidad. Umayos ako ng tindig. Diyos ko, Samira. Tigil-tigilan na nga muna ang pantasya! “Y-yes?” “Si Alania, kumusta? Is she okay?” Nagtaka ako roon. Bakit nabago ang tanong niya? Bakit pinalitan gayong hindi ko pa naman nasasagot `yong kanina? Wala akong choice kundi sagutin ang latest. “Uh, wala ako sa posisyon para sagutin `yan pero base sa nakikita ko, mukhang okay naman siya.” “I hope so… sana okay lang siya,” he whispered. Nakita ko ang tila pagtamlay niya dahil bahagyang bumagsak ang kaniyang balikat. It’s as if he has something in his mind and he’s hesitant enough to tell it. Ano kaya iyon? I cleared my throat. “May dahilan ba para hindi siya maging okay?” “Yeah…” he answered. Nagtaka ako roon. “May dahilan.” “Anong d-dahilan?” Saglit siyang yumuko sa lupa. Hindi ko man usisain kung ano ang ginagawa niya lalo't liban doon, alam kong nag-iisip siya nang malalim. As much as possible, nais kong maging kumportable siya upang magsabi ng kahit ano o `di kaya’y makapagkwento. Kinikilig pa rin naman ako dahil kaharap ko siya pero bakit parang may malalaman akong hindi maganda? Ibang klase na ang kabang nananaig sa akin ngayon. Pinilit kong pahupain ngunit naminsala ang kaniyang isinagot. “I liked her,” mahina at nanginginig niyang bulong. “And now, I think I’m starting to love her… your friend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD