I get that Kario and Alania have established a platonic friendship. The way they smile at each other, batid kong komportable sila sa isa’t isa. Ito namang si Bryce ay hindi maunawaan. Nagseselos ba siya kaya ganyan kung makatingin sa dalawa?
Labas na ako roon. Kuryoso man at nais kong malaman, wala rin akong magagawa. Saka mahirap umiskor sa isang Alania Silvestre. Kahit yata iregalo pa ang pinakamahal na diyamante sa buong mundo, pag-aaral pa rin ang tangi niyang uunahin.
Ginto na ang kulay ng hapon nang mapadpad ang Isla Capgahan. Bryce and I were silent at wala man lang kaming napagkuwentuhan. Kahit paano naman kasi ay naging kumportable na ako sa kaniya. Sa maraming pagkakataon na sumakay ako sa kaniyang bangka, ni hindi ko naranasan o nasaksihan iyong bad record niya noon sa guidance.
Nauna sina Alania at Kario kaya sila ang una kong nakita sa dalampasigan ng isla. May ibang narito ngunit hindi ganoon karami. May mga naliligo sa dagat, nanonood ng sunset, at naglalaro ng beach volleyball. Sa unang tingin ay aakalaing walang problema ang mga pumupunta rito dahil sa kani-kanilang ngiti.
“Alas siyete,” ani Bryce habang hawak ang aking kamay. Hinayaan niyang nakalutang sa mababaw na parte ang bangka upang alalayan akong maglakad sa gitna ng mahihinang hampas ng alon. Hindi ako sigurado kung pawis ba ang nararamdaman kong basa sa kaniyang palad dahil maaaring tubig-alat din iyon. Kinakabahan kaya siya? Para saan?
“Oo, kung kaya…”
“Kaya naman,” sabi niya. “Sanay na kasi tayong bumiyahe nang gabi.”
“Salamat.”
Nang marating ang tuyong buhangin ay saka pa lang niya ako binitawan. Aksidente na lamang nagtama ang mga mata namin ni Kario sa hindi kalayuan nang sinubukan kong bumaling sa puwesto nila.
Napansin ko ang biglang paglaho ng kaniyang ngiti habang kinakausap siya ni Alania. Anong problema niya?
“Ikaw lang ba ulit ang isasakay ko mamaya?” tanong pa ni Bryce na siyang pumutol sa saglit na titigan namin ni Kario. Tumango ako nang mabilis bilang sagot.
“O-oo. Ako lang ulit.”
“Paano si… Alania?” Para bang nagdadalawang-isip pa siya kung sasambitin niya ang huling salita. God. Hindi ko na talaga ito maitatanggi. May gusto nga siya sa aking kaibigan.
I cleared my throat. “Gaya ng dating gawi. Kay Kario pa rin.”
“Ayaw ba niya sa’kin?”
Palihim akong napaangat sa dulo ng aking labi. Goodness, Bryce. Kung ako sa’yo, mag-move-on ka na.
“Bakit hindi mo tanungin?”
“Tss.” Napailing siya. “Siguraduhin mo lang na saradong alas siyete kita makikita rito. Babalikan kita.”
Namataan ko ang pag-ikot ng kaniyang mga mata nang simulan na niyang tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo, pabalik sa palutang-lutang niyang bangka. Nagulat pa ako nang bahagya dahil napansin kong mas lumakas ang hampas ng mga alon. Huwag naman sana umulan sa oras na uuwi na kami.
Nanatili ako sa aking kinatayuan. Sinabi ko kasi sa aking sarili na hindi ko lalapitan si Alania kung naroon pa si Kario. Saka lang ako hahakbang kung wala na siya sa paningin ko. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya. Ayaw kong lumapit. Ayaw kong makihalubilo.
Inabot ng mahigit limang minuto bago ko nakita sa gilid ng aking mga mata si Kario. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang sasakyan at pinaandar pabalik ng Isla Agunaya. Nang lingunin ko si Alania ay namataan kong nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. Nakasimangot siya at animo’y sinusumpa ako.
“Anong pinakain sa’yo ng lalaking `yon?” kumpronta niya sa’kin nang malapitan na ang isa’t isa. Nagsimula na rin kaming maglakad papasok sa niyugan na siyang maghahatid sa’min sa kalsada.
“Ako nga ang dapat magtanong niyan, Al.”
“For God’s sake, Samira. Ang dumi ng history ni Bryce. Alam mo naman kung gaano `yon kabrutal sa mas siga pa sa kaniya. Walang araw na hindi `yon napupunta sa guidance office at panay pa suspension ang parusa.”
“Iba na siya ngayon.”
“At talagang pinagtatanggol mo pa? God!” Napa-face palm siya. Gusto ko na nga lang kaltukan dahil totoo namang nagbago na si Bryce.
“Hindi sa ganoon. Kaibigan ko na rin kasi ang turing ko sa kaniya,” depensa ko.
“Tapos kaibigan mo na pala?”
“Al…”
“Concern lang naman ako, okay?” wika niya sa mas mahinahong tono. “Huwag mo sanang masamain lahat ng sinasabi ko.”
“Naiintindihan ko.”
“Okay. Sana sa susunod hindi na tayo magtalo tungkol dito.”
I then kept asking why she was smiling the whole with my ex. Aniya, napagkwentuhan daw nila iyong tungkol sa pagpipitas nila ng lansones at rambutan kaninang umaga. May halo pa ngang tawa ang paglalahad niya dahil ang epic daw ng pagkakatapak ni Kario sa dumi ng kalabaw. May mga sinabi pa siya na pumapasok sa kanan kong tenga at lumalabas sa kabila dahil hindi na ako interesado sa kung ano man ang sunod nilang napag-usapan.
They seemed happy. Kuhang kuha nila ang vibes ng isa’t isa bilang magkaibigan. Iyon ang hindi niya maintindihan sa amin ni Bryce lalo’t mukhang wala siyang balak baguhin ang mindset niya. Gaano lang ba naman kadali magpatawad sa isang tao na saksakan sa rungis ang nakaraan? Kung nakikita lang ang pagbabago nito, tiyak na pagsisisihan niya lahat ng masasamang sinasabi tungkol dito.
Sumakay kami sa tricycle at nagpababa sa tapat ng malaking gate ng ari-ariang Trivino. Nakilala kaagad kami ng guard at wala ng itinanong. Sinabi lang niya na nasa loob ng mansion si Tinio at naghihintay sa amin sa living room. Nagkatinginan na lang kami ni Alania habang naglalakad sa mahabang pathway.
“Kinakabahan ako,” mahina niyang bulong sabay kapit sa kaliwa kong braso. Napalunok ako dahil parehas lang kami ng nararamdaman.
“B-bakit?”
“Para sa’yo. Para sa inyo ni Trio.”
Mahina ko siyang tinampal sa balikat. “Puwede ba? Si Tinio ang pinunta natin dito.”
“Close ba kayo?”
“Hindi naman masyado,” tugon ko. “Sakto lang.”
“Baka sa kaniya ka na na-fall ah? Hmm…”
Kung puwede lang ako tumawa ay baka humagalpak na ako sa aming dinaraanan. Tinio is madly in love with you Alania. Matagal na’t sadyang manhid ka lang. At paano ako mahuhulog sa isang tao kung batid kong si Trio pa rin ang tinitibok nito? Wala man kaming koneksyon gaya ni Tinio, wala pa ring nagbabago.
“Huwag ka ngang ganyan. Si Trio pa rin ang crush ko,” sabi ko.
Humagikhik siya. “Naniniguro lang naman. Baka kasi mamaya gagawin mong rebound `yang half brother niya.”
Napabulong ako sa aking isip. Anong gagawing rebound? Gagamitin pa nga niya kami ni Trio para mapaglapit kayo. Kung hindi lang talaga ako dakilang marupok para sa lalaking gusto ko, baka hindi na ako pumayag.
Besides, walang mawawala kung bibigyan ko ng pagkakataon. Mas masakit na magsisi dahil sa masasayang na oportunidad. And Tinio is right. His plan is kind of once in a blue moon opportunity to lift my hopes up. Balang araw, mapapalitan din ng Trivino ang dala-dala kong apelyido.
Sinalubong kami ng isang katulong mula sa isang bukas na main door. Nagpakilala siya habang suot-suot ang housemaid uniform na pormal sa kulay rosas at puti. Naka-braid ang kaniyang buhok at natatalian ng puting tela. Kasingtangkad namin siya at hindi maitatanggi ang angking kagandahan.
“Ako po si Klare. Klaring na lang po ang itawag niyo sa’kin. Kayo po ba sina Alania Silvestre at Samira Tavera?”
Binalingan ko si Alania. Mukha namang naiintindihan niya kung bakit ako napatingin kaya napakibit-balikat siya. Siguro ay bago pa lang ang katulong na ito. Madalas naman kasi noon si Alania rito para hindi makilala ng mga nandirito.
Ako na mismo ang nagpakilala sa amin. Itinuro ko kung sino si Al sa amin at kung sino si Sam. Para naman siyang namilipit kahit ngiti ang pilit na ipinapakita. Sa itsura niyang `yan ay para bang nangangapa pa siya kung paano makihalubilo sa amin.
Sunod niya kaming ginabayan papasok ng mansion. Sa unang tatlong hakbang ay kusang napaparte ang labi ko. Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha nang ganito? Grand hallway na kaagad ang bumubulaga sa amin. Kulay ginto ang ilaw at beige ang pader na napapalamutian ng mga ancient paintings. May landscape at western art na siguro ay sinadya pa sa isang dayuhang pintor. I am not fond of visual arts but I find this display congruent to elegance.
Napaisip ako kung sino ang magmamana nito. Si Trio kaya o si Tinio? Kaninong anak kaya mapupunta ang lahat ng ito kasama na ang Rancho Trivino? Sinong descendant ang makikinabang sa lahat ng ito? I hope na ma-preserve kung ano ang mga nasimulan na dahil ang taas-taas na ng kanilang estado. Kung bubulusok pa ito sa lalong pagtagal ng panahon, sayang naman.
“Ilang beses na akong nandito pero hindi nakakasawa. Parang first time ko pa rin, Sam…” bulong sa akin ni Al habang naglalakad. Kung may tangi mang ingay na namumutawi ngayon, walang iba `yon kundi ang mga yapak naming tatlo. Nasa unahan namin si Klaring at kung maglakad ay pormal ang tindig. Bawat kilos ay tila ba pinag-aaralan. Tila ba nag-iingat upang makaiwas sa kahit katiting na pagkakamali.
“Ang laki…”
“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon niya. “Ang swerte nga ng magmamana nito. Ang swerte ng mga susunod na henerasyon.”
“Henerasyon ng mga Trivino,” pagtatama ko. Kinilig naman ako sa idinagdag niya.
“Henerasyon mo… niyo ni Trio.”
Ngayon pa lang ay nakikinita ko na ang hinaharap sakaling kami nga ni Trio ang nakatadhana sa isa’t isa. Alam kong pangarap pa lang pero sana hindi naman mananatiling pantasya. Nanaisin ko siguro ng dalawang anak sa kaniya. Dalawang lalaki para maipasa pa sa maraming henerasyon ang apelyidong Trivino.
Maaaring sa salitang Trivino ko na rin kunin ang magiging pangalan nila. Trino para sa panganay, Trivo para sa bunso. Ngunit ang tanong, mangyayari kaya? Magaganap ba kung buwan pa ang kailangan kong tagain para lang makuha ang atensyon niya?
Naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko. Aminadong kinilig ako roon at kaagad ding ginising sa katotohanan. Sa ilan pa kasing mga hakbang ay narating na namin ang living room kung saan naghihintay si Tinio. Namilog na lamang ang mga mata ko nang makitang nakabalot sa arm sling ang kanan niyang braso habang nakaupo sa isang dambuhalang couch.
Naaksidente nga siya. Patunay na rin dito ang mga galos sa kaniyang noo, gilid ng kaliwang kilay, malapit sa leeg, at ultimo sa magkabilang binti. Pahilom na rin naman ang mga `yon dahil malayo na sa pagiging sariwa. Para pa siyang anghel sa kaniyang pananamit dahil plain white ang kaniyang tee shirt habang ang shorts ay kulay gray.
Idagdag pa ang kulay kayumanggi niyang buhok. Bagsak iyon at nasa style ng mga koreano.
Ngumiti siya habang ako ay walang sabi-sabing humakbang patungo sa kaniya. Naiwan naman si Alania sa aking likuran habang kinakausap ni Klaring.
“Anong nangyari sa’yo?” lakas-loob kong tanong lalo’t siya lang naman ang mag-isa rito. Wala si Trio o kahit ang inang si Estefania. Talagang umupo ako sa tabi niya upang makita ang mga sugat niya nang malapitan.
“Na-miss mo naman ako,” sabi niya sa mapang-asar na boses. Inisa-isa kong suriin ang kaniyang mga galos hanggang sa mapadpad ako sa nakasabit niyang braso.
“Na-miss? Hindi ba puwedeng nag-aalala lang? Anong nangyari? Bakit ka napuruhan nang ganito?”
“Nahulog na naman kasi ako,” tugon niya nang hindi kumpleto.
Naguluhan ako. “Nahulog saan?”
Lumingon siya sa direksyon kung saan naiwang nakatayo si Alania. Hindi ito sa’min nakaharap dahil abala pa siya sa usapan nila ni Klaring.
Bumulong siya, “Sa kaniya…”
Napasapo ako sa aking noo. Mukha lang akong nagtataray dito ngunit sa kaloob-looban ko’y ako pa itong kinikilig para sa kanila. Kitang kita sa mga mata ni Tinio kung gaano siya ka-in love kay Alania. Hindi man niya ipaliwanag sa salita ang kasalukuyang nararamdaman, sapat na ang pamumungay at pangungusap ng kaniyang mga mata.
Biglang lumipat sa amin ang tingin ni Alania, dahilan kung bakit umalon ang adam’s apple ni Tinio. At dahil ako itong pinakamalapit sa kaniya, narinig ko ultimo malalalim niyang paghinga. Para siyang inaagawan ng lakas kahit nakatitig pa lang mula rito. Paano pa kaya kung sakaling maging sila? Hanggang saan niya kakayanin ang lahat?
Baka nga higit pa rito ang mararamdaman ko kapag si Trio na ang magpakita. Ilang linggo na mula nang huli kaming mag-usap. Matagal na noong huli kong marinig ang kaniyang boses at sana’y hindi ako magmukhang tanga.
Sana…
“Tang ina…” bulong niya sa pagkahina-hinang boses matapos umiwas ng tingin kay Alania. Umaliwalas ang kaniyang mukha na para bang nakakita ng milagro. “Inang `yan… ang ganda-ganda niya.”
Napahagikhik ako. “Ang puso mo Tinio.”
“Salamat at sinama mo siya.”
“Sinabi mo eh.”
Ngumisi siya. “Dahil diyan, may regalo ka sa’kin. Mayamaya lang pagkatapos niyang umasikaso sa rancho, lalapitan ka rin ng kapatid ko at kakausapin.”