Chapter 23

2166 Words
Inuudyok ko ang aking dila upang magsalita. Gulat na gulat ako— hindi makapaniwala. Bakit pumunta siya rito nang walang pasabi? Paano niya nalaman ang eksakto kong tirahan? Nakatingala ako sa kaniyang tindig. Nakapamulsa ang isa niyang kamay sa pambaba nitong tortilla brown wool trouser. Binagayan ito ng pang-itaas niyang short sleeved polo na malapit sa kulay ng mapusyaw na abo. Pormal ang pagkakahawi ng kaniyang buhok. Balanse at normal naman ang ukit ng kaniyang labi na para bang hindi pa niya unang beses pumunta rito. Anong sasabihin ko? Paano ko siya iwe-welcome dito? He’s here to ask for a certain potion at sigurado ako dahil isa iyon sa mga pinarating niya sa aming usapan. Nais niyang tumulong ako gamit ang kakayahang hindi nagagawa ng ordinaryong tao. Sa ibang salita, lumalabas na nais niyang mandaya upang magtagumpay sa puso ni Alania. “Good morning,” bati niya gamit ang bruskong boses. Sinlamig iyon ng hanging umaaliw-iw sa umagang pinupunan na ng sinag ng araw. Pinilit ko namang ayusin ang aking postura habang nakatayo rito sa gitna ng pintuan. Pasimple ang sunod-sunod na paghinga nang malalim dahil sumusobra na sa bilis ang t***k ng puso. Halo-halo ang aking nararamdaman mula sa pananabik, hinanakit, at paghanga. Sa aking paningin, siya si Trio Trivino na matagal ko nang lihim na gusto ngunit si Alania pala ang sikretong natitipuhan. Binaling ko sa ibang tanawin ang aking mga mata, partikular na sa mga puno ng niyog na matatagpuan sa paligid ng aming bakuran. Gumagawa na lamang ako ng paraan para kahit paano’y makahugot ng lakas ng loob. “M-magandang umaga rin,” may utal kong tugon. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil kaagad ko ring sinundan. “Pasok ka, ipakikilala kita kay Lola.” “Thanks,” aniya sabay yuko nang bahagya. Sa tangkad ba naman kasi ay halos magtama na ang kaniyang ulo sa tuktok ng pinto. Pinaupo ko siya sa isang mahabang bangko kung saan dito naghihintay ang mga komukunsulta kay Lola. Samantala, si Lola naman ay nasa kusina. Naghahanda pa lang siya ng umagahan dahil kaaalis lang ng tatlo niyang pasyente. Hindi ko alam kung pamilyar na ba siya sa itsura ni Trio gayong nasabi niya noon na hindi siya madalas makisalamuha sa mga Trivino. Mas safe na siguro kung mag-i-insist akong ipakilala sila sa isa’t isa para kahit paano’y pormal. “Uh, sandali lang ha, puntahan ko lang si Lola,” mahina kong sabi sa kaniya sabay liko patungong kusina. Naabutan ko si Lola na ngayo’y naghihiwa ng mga sangkap sa lamesa pero hindi muna ako lumapit. Sa halip ay pumasok ako sa banyo. Kabado kong isinara ang pinto nito saka tiningnan ang repleksyon ng sarili sa munting salamin na nakasabit sa dingding. Pabulong akong nagmura nang mapansin kung gaano kasabog ang aking itsura. Magulo ang buhok kong hindi natatali, na para bang isang bruha na isang dekadang hindi nagsuklay. Namamaga rin ang talukap ng aking mga mata. Malayong malayo ang itsurang ito sa ayos ko sa tuwing pumupunta kami sa ari-arian ng mga Trivino! Pinasadahan ko rin ng pansin ang aking suot. Sa sobrang luwag at komportable ay nagmukha naman akong manang. Bagay na bagay ito sa mga stereotype ng lipunan patungkol sa mga mangkukulam. Kung hindi lang ako kilala ni Trio, baka nangilabot na siya’t natakot pagkakita sa’kin. Wala na akong magagawa sa aking suot dahil nakita na niya. Bumawi na lamang ako sa pagkakaayos ng aking buhok para maging presentable. Madali lang naman itong suyurin gamit ang aking mga daliri. Buti na lang ay may pantaling nakasabit malapit sa pinto at iyon ang aking ginamit para sa ayos na ponytail. Sa loob lamang ng higit isang minuto ay lumabas na ako. Kasalukuyan pa ring naghihiwa ng mga putahe si Lola nang ako ay lumapit. “Lola,” tawag ko upang ipaalam ang aking presensya. Tumango siya nang tuloy-tuloy lang sa ginagawa. “Ano `yon?” Lumunok ako bago pa magsalita. “May bisita po tayo.” “Sige, pakisabing maghintay kamo ng kalahating oras.” “Kalahating oras?” paniniguro ko nang bahagyang namimilog ang mga mata. Ang tagal naman yata? “Aba’y kailangan ko ring magpahinga. Kung hindi makapaghintay, ikaw na lang muna ang magresolba niyan.” “Pero—” Ibinaba niya ang binitawang kutsilyo sabay tingin sa akin nang masama. Senyales iyon na ayaw niyang makipagtalo dahil pinal na kung ano ang kaniyang desisyon. “S-sige po.” Walang sabi-sabi siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. Kabado akong humarap sa pinto pabalik ng sala at nagsimulang humakbang papunta roon. s**t. Ano bang alam ko sa mga solusyon sa problema ni Trio? Sa yaman niyang iyan, maaari naman siyang bumisita sa mas magaling kay Lola. Huminto ako nang makakita ng pagkakataon upang sumilip nang patago kay Trio. Nagtago ako sa likod ng aparador kung saan makikita mula sa gilid ang kaniyang side view. Bahagya siyang nakayuko habang nakadaop ang magkabilang palad. Kapwa ito nakapatong sa kaniyang mga hita. Sa panlabas pa lang na anyo, mahahalatang galing siya sa isang maharlikang pamilya. At sa tayog ng estado nila, palaisipan pa rin sa’kin kung paano nila ginagasta ang mga oras sa isang araw. Panay lang ba sila higa? Nagagawa pa ba nilang umasikaso nang matagal sa trabaho? Sa lagay nilang `yan, hinding hindi na nila kailangan pang magtapos gaya naming mga mahihirap. Hindi ako nagtagal sa pagsilip dito. Nagpakita rin ako at umupo sa kaniyang tapat. Nilalakasan ko na lamang ang aking loob upang magtagal ang pagtutok ng aking mga mata. Intimidating siya. Pakiramdam ko’y isa nang malaking kasalanan kung may magawa akong pagkakamali. “Busy pa raw si Lola. Mga kalahating oras pa ang hihintayin bago siya magpakita.” “Ayos lang. Ikaw naman ang pinunta ko rito,” sagot niya nang hindi nagbabago ang posisyon. Kung hindi lang kami nag-usap noong linggo ng hapon, baka kinilig na ako nang grabe sa mga salitang iyan. Mapapangiti pa ako nang wala sa oras, na para habang dinaig ko ang mga ikinasal. Ngunit sa bawat bigkas niya no’n, kakaibang kirot sa puso ko ang walang habas kung mamutawi. Pinagsasaksak ako nito at pinamumukhang hindi ako mismo ang kaniyang kailangan—kundi ang aking kakayahan. “Ako? H-hindi pa ako mahusay at hasa sa sorcery para pagkatiwalaan.” Umiling siya bilang `di pagsang-ayon sa aking sinabi. “Kung hindi ka mahusay, bakit iba ang sinabi ni Tinio?” Nagpanting ang pandinig ko. May kung anong lumatay sa aking ugat at `di mawari kung intriga lamang ba o may halong inis. Si Tinio? Si Tinio ang nagsabi sa kaniya kung saan ako matatagpuan at kung ano ang magagawa kong serbisyo? Bakit? “A-anong sinabi niya?” Nagkibit-balikat siya. “Marami ka raw kayang gawin. Hindi lang panggagamot. Pati na potion.” Hindi ko batid kung anong tinutukoy niyang sinasabi ni Tinio. Ni hindi ko pa nasubukang gumawa ng ibang potion maliban sa itim na sumpa. Unang beses ko ay si Mang Nestor. Bukod doon ay wala na. “Ano pa?” He replied, “Sinabi niyang may kinalaman ang kakayahan mo para mapansin siya ni Alania. Which is true because I see an improvement.” “I-improvement?” Humagikhik siya ngunit hindi sa masayang paraan. Hagikhik iyon ng isang sarkastiko— may halong pait. “Noong hindi ka pa niya kilala, ni hindi man lang siya kinakausap ni Alania. I know how eager he is but eagerness isn’t enough to catch her attention. Ako lang minsan ang nakakausap no’n kapag nagagawi sa’min. But when you came, that course of his life began changing.” Napakasinungaling ni Tinio. Talagang sinabi niya rito sa half-brother niya na sa’kin siya humingi ng tulong para mapansin ni Alania. Mali! Maling mali iyon dahil wala akong ginamit na ano para lang makapag-usap sila. Magkasangga ang dalawang iyon sa planong mapaglapit kami sa isa’t isa at iyon ang lingid sa kaalaman niya! Ano naman kayang rason ni Tinio para magsinungaling nang ganito? Kung nirerekomenda niya ako kay Trio na gutom din sa pansin ni Alania, ano ang maipapaliwanag niya? Bakit kailangan niyang sabihin na tinulungan kong gayumahin ang kaibigan ko? Wala siyang kaalam-alam na mortal niyang karibal si Trio. Ewan ko kung parte pa ba ito ng kaniyang plano. “Ang daya nga,” wika niya sabay panlalamig sa timpla ng kaniyang ekspresyon. “You offered to help him out.” Natulala ako roon nang walang ideya sa mga isasagot. Nagpatuloy siya sa mas mapanuyang tono. “Eh ako? Humingi rin ako ng tulong pero bakit pinag-isipan mo pa?” Napapamura na lang ako sa haba ng buhok ni Alania. At sa sobrang ganda niya, parang mga asong nagkakanda-loko-loko itong mga lalaki sa kaniya. Nagsinungaling si Tinio sa hindi malamang rason. Ito namang si Trio ay naglaan pa ng panahon para puntahan ako rito. Kung tutuusin, kapwa sila walang magagawa gayong choice talaga ni Al na hindi mag-boyfriend hangga’t hindi pa nagtatapos. Pero wala sa kahit na sino ang willing maghintay nang matagal! Kapwa takot maagawan at maunahan! “H-hindi sa gano’n, Trio—” “Mas boto ka sa kapatid ko kaysa sa’kin? Anong espesyal sa kaniya? Anong lamang niya?” Palutong nang palutong ang mga mura ko sa aking isip. Nanggigigil na ako sa mga nangyayari. Naguguluhan kung paano ba ito masosolusyonan lalo’t nabubuo na rin ang dismaya ni Trio sa’kin. Paano ko sasabihing hindi totoo ang mga nalaman niya kay Tinio? Natatakot naman kasi akong magsalita dahil baka mas lalo lang ito makasira. Kung maaari ko lang sabihin ang lahat, baka kanina ko pa inaming mas boto ako kay Tinio para kay Alania upang maging kami ni Trio sa huli. Kung willing lang din akong mandaya, baka humingi na ako kay Lola ng love potion para manggayuma. Pero hindi ako `yon. Hinding hindi ko ito magagawa gaya ng naging paalala ni Alania. Ayaw kong mandaya sa pag-ibig dahil mas gusto ko ng totoong uri ng pagmamahal. Mula sa pagkakasalikop, kapwa niya ipinatong ang kaniyang mga palad sa magkabilang side ng inuupuang bangko. Napansin ko ang pagtiim ng kaniyang tingin— `yong paraan na para bang ako pa ang may nagawang mali. Dito pa lang ay nahihinuha ko na ang namumuo niyang inis. Malinaw ang kaniyang ipinapakita. Kulang na lang ay tumayo at mag-walk-out. “Wala akong sasabihin,” sagot ko nang iiling-iling. Suminghal siya. “See? Bias ka.” “Hindi ako bias, Trio.” “Kung hindi ka bias, tutulungan mo ako.” “Paano kita tutulungan kung hindi ko kaya?” “Sinasabi mo `yan kahit alam mong kaya mo. Bakit hindi mo na lang amining ayaw mo sa’kin para sa kaibigan mo?” Mas malalang pagkadismaya at inis ang napansin ko base sa tono ng kaniyang pananalita. Mas malapit na ito sa galit at poot na para bang hindi na niya magagawang magpatawad. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kung hindi dahil kay Tinio, hindi na ito lalala nang ganito. “Trio…” “No. You don’t have to explain.” Sa pagkakatong ito ay tumayo na siya. Suminghap siya nang pagkalalim-lalim saka bumuga nang malakas. “It’s just too unfair but I don’t want to lose like this. Ako na mismo ang magsasabi kay Alania tungkol diyan sa gayumang ginamit mo sa kaniya. Wala na akong pakialam kung may masisira akong pagkakaibigan.” Akma ko na siyang pipigilan ngunit bumalikwas siya at tuloy-tuloy na naglakad palabas. Lumiko siya sa kung saan dumaan kanina habang ako’y naiwang laglag ang panga. Para akong sinampal nang pagkalakas-lakas. Kung gagawin niya ang huli niyang mga sinabi sa’kin, masisira lang kami ni Alania sa dahilang hindi naman talaga nangyari! Hindi ako nagpatinag. Tumungo ako sa kuwarto upang kunin ang aking cellphone. Patakbo akong lumabas nang mapulot ito saka humahangos na tinahak ang daan paakyat ng talampas. Kailangan ko munang malaman ang dahilan ni Tinio tungkol dito. Siya ang may pasimuno kaya sa kaniya rin dapat magmumula ang sagot. Nang marating ang patag na tuktok ng talampas, sa ilalim ay nakita ko ang malinaw at malawak na imahe ng dagat. Sa dalampasigan, kitang kita si Trio na amba ang pagsakay sa nag-aabang na bangka. Sa ilang sandali pa ay sunod-sunod na tumunog ang notification ng hawak kong cellphone. Isa-isa kong binasa ang mga ito at karamiha’y mga mensahe mula kay Tinio. Tinio: Sam! Tinio: Please! Tinio: We need to talk! Tinio: May biglaang plano. May kailangan kang malaman! Tinio: Hurry! Magtitipa pa lamang sana ako ngunit nag-ring na ito. Maluha-luha ko itong sinagot at pabulyaw na bumungad ng salita. “Diyos ko, Tinio! Anong ginawa mo?” Inayos ko ang pagkakadikit ng cellphone sa aking tenga. Isang patak ng luha ang kumawala sa aking mata dahil sa lalong pagbigat ng aking dibdib. “Hey, Sam. You need to calm down.” “Tinio naman…” “I’m sorry.” Pinakinggan ko ang sunod niyang mga sinabi habang minamasdan sa dagat ang bangkang sinasakyan ni Trio. Hindi ko alam kung paano pa ito masosolusyunan gayong balak na niyang sabihin kay Alania ang mga nalalaman. Magkakaayos pa kaya kami gayong kasinungalingan ang nananaig?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD