Chapter 15

2224 Words
Hindi ko ikinakahiya ang lola ko dahil lang sa kakayahan nitong hindi karaniwan sa ordinaryong tao. Kahit pa may magsabing dapat na itong itigil, ang tradisyong ito ay mahirap na bitawan. People tell that we summon evils whenever we do rituals and orations. Wala silang muwang sa mga prosesong kailangang pagdaanan para lang maging tagumpay ang aming layunin. Baguhan man ako sa ganitong larangan, hindi na ako bulag sa aking mga nasaksihan dati. Sa dami ng mga nagamot ni Lola, naging inspirasyon iyon upang sumunod ako sa kaniyang yapak. May mga pagkakataon ding humihingi sila ng death potion upang maging proteksyon laban sa mga kaaway. Paniwalaan man iyon ng mga eksperto o hindi, kahit iyong mga hindi maipaliwanag ng siyensa ay totoo. Ilang minuto kong ipinaliwanag ito kay Tinio. Sinabi ko kung bakit ba namin ito ginagawa at bakit magpahanggang ngayon ay ayaw naming tigilan. Sa bawat bigkas, tinitingnan ko nang maigi ang kaniyang reaksyon. Nais kong malaman kung pinepeke ba niya ang pagiging interesado sa lahat ng aking mga sinasabi. “That’s pretty amazing,” wika niya nang huminto na ako. Inayos ko ang aking pagkakaupo sa bench kung saan wala pa ring katao-tao sa paligid. Kapag natunton siya ng iba rito, for sure, pagtitinginan `yan. Baka nga pinagkaguluhan pa kanina no’ng wala pa ako. “Hindi ka talaga natatakot?” paniniguro ko. Mabilis siyang umiling nang nagtataka. “There’s nothing to be scared of.” Ngumisi siya. “Maliban kung nangangagat ka.” Napaangat ako bigla sa aking kamay sabay tampal sa kaniyang braso. Natawa naman siya sa aking turan. “Seryoso ako. Mas okay na kung sasabihin mong natatakot ka kaysa naman malaman ko pa kay Alania.” “Tingin mo nag-uusap pa kami?” Nagkibit-balikat ako. “Malay ko, hindi naman kami masyadong nagkita nitong linggo. Busy.” Sumagot siya, “Wala na kaming koneksyon mula noong huli siyang pumunta sa’min.” “Kaya gusto mong bumisita sa isla namin para makita siya?” He chuckled. “I told you, ikaw ang sadya ko.” “Sus, huwag mo nga akong lokohin, Tinio. Halata naman.” Umiwas siya ng tingin saka tumitig sa kawalan. This time, nawala ang gaan ng kaniyang ekspresyon. Para bang may sumagi sa kaniya na bigla na lang lumamon sa disposisyon niya. “Fine. I miss her,” he said. “I badly need to see her.” “Kailan ba nagsimula `yang damdamin mo sa kaniya?” He answered without looking back, “As far as I remember, that’s when I moved from my home in Manila. Madalas ko lang siya nakikita sa rancho kasama ng tatay niya. Minsan, tumatambay lang sa ilalim ng puno at nagbabasa.” “Kinausap mo agad? Paano ka nahulog sa kaniya?” “It took me months before I had that courage to step out and ask for her name. She’s cute. Akala ko nagagandahan lang ako.” “Then?” “Then little did I know, as I went along the process of knowing her beyond what I actually expected, I fell.” “Anong nagustuhan mo sa kaniya?” “She’s pretty, yeah. But what made me hook the most was her vibe. Iba.” “Paanong vibe? Anong meron sa kaniya na wala sa iba?” “You’ll know once you fell.” Finally, bumaling na siya sa’kin. His lips are now twitching with eyes seemingly drowned by hopes. “Ikaw, matanong kita. Anong nahanap mo kay Trio na wala sa iba? Sa dinami-rami ng lalaki, mayaman man o mahirap, gwapo man o hindi, bakit siya?” Nablangko na naman bigla ang isip ko. I wish I could answer that question the way how my heart found Trio nothing but unique. But I just can’t. Posible bang magkagusto ka nang sobra-sobra sa isang tao at hindi mo maipaliwanag nang maayos? Posible bang mahulog ka nang malabo ang dahilan? Dahil gaya ng sinabi ni Tinio, malaking factor ang physical appearance para magustuhan ang isang tao. Ngunit sa kaso ko, hindi ko lang nagustuhan si Trio dahil sa kaguwapuhang taglay niya. Alam kong may dahilan pa ngunit hindi ko matukoy-tukoy. It’s true that he had been on this earth for not more than three decades. But I felt his soul had been ancient, as if I’d known him not one lifetime, but many. “Hindi ka makasagot,” puna niya sabay iling. “Mahirap ipaliwanag `di ba?” Palihim akong tumango upang sumang-ayon. Nakukuha ko ang punto niya. “Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung bakit nga ba si Alania. Alam kong maraming mas maganda diyan, mas matalino, mas mayaman… pero nag-iisa lang siya.” “B-bakit hindi mo niligawan?” “I’m coward.” “Ano?” pagtataka ko nang natatawa. “Seryoso ka?” Tila ba nadismaya siya sa tanong ko. “Seryoso ako.” “Look, Tinio, alam kong medyo loko-loko ka,” sambit ko saka lumunok. “Pero sa lahi mong `yan, ang hirap marinig na naduduwag ka.” He hissed. “Kaya nga gumagawa na ako ng paraan `di ba? Nandito ka na kaya mas madali na.” “Alam ko. Alam kong gagamitin mo ako para mapaglapit kayo. Pero pa’no kung dumating `yong araw na sumuko ako?” “At bakit ka naman susuko?” I sighed. “Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw talaga ni Trio sa’kin. Wala akong choice kundi mag-move on.” “Masyado pang maaga para sabihin `yan.” “Paano kung gano’n ang mangyari? Paano kung tumigil ako kung kailan malapit na maging success ang plano mo? Idagdag mo pa ang katotohanang hindi interesado si Alania sa kahit na sinong lalaki. Masyado siyang devoted sa pag-aaral para pagbigyan ka.” Sasagot sana siya ngunit tumunog na nang malakas ang bell. Senyales na magsisimula na ang klase ng mga nasa afternoon to evening class. Awtomatiko akong tumayo at nagpaalam sa kaniya. Huli na lang niyang sinabi na magcha-chat daw siya sakaling may sasabihing importante. Sa classroom ay sinalubong kaagad ako ni Imon. Talagang iniwan pa niya ang mga kachikahan niya sa sulok para lang lapitan ako. Hanggang ngayon ba naman kasi ay hindi pa siya nakaka-get over sa mga nangyari last week. Lalo na nang makita niya nang harap-harapan si Tinio. “Girl, nabalitaan mo ba? Nasa campus daw si Tinio Trivino!” pabulong niyang sabi habang inaalis ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat. Nang makaupo ako ay humila siya ng armchair upang tabihan ako nang malapitan. “Nagkita ba kayo?” “Imon,” malamig kong sagot. Tinatamad kong ipinukol ang mga mata sa kaniya dahil nasasawa na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi. “Hindi ako interesado.” “Hindi interesado? May nagsabi ngang nagtatanong siya tungkol sa’yo. Gosh, kainggit.” Kunwari ay wala akong alam sa kaniyang sinasabi. Dinukot ko lang ang ballpen sa bag ko pati ang notebook na sinulatan ko ng mahahalagang notes. “Magre-review ako, mamaya mo na lang ako daldalin.” “Hmp. Okay.” Pagkaalis niya sa aking tabi upang bumalik sa mga kausap niya kanina, aksidente kong nahagip ng tingin si Bryce na ngayo’y nakatingin pala sa’kin. Agad siyang umiwas nang mahuli ko at dumukdok na para bang walang nangyari. Naiinggit nga ako sa kaniya. Ni minsan ay hindi ko nakikitang nagre-review pero akalain mong nakaka-perfect score pa sa exams at recitations. Hindi lang iyon. Ilan sa mga assignments niya ay kinopya lang sa’kin. Maliban na lang sa mga essays at writing assessments kung saan subjective ang approach. Hindi ako nagdadamot dahil malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya. Sa halip kasi na magbayad ako sa araw-araw kong pagsakay sa bangka niya, hindi ko na inaalala ang pamasahe. Akala niya yata ay umiwas na rin ako ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiilang noong palihim siyang sumilip at nagtama na naman ang aming mga mata. Sumimangot siya habang ako ay wala ni kahit na anong inukit na ekspresyon. Nagkunwari akong wala lang ito sa’kin pagkabalik ko ng atensyon sa hawak-hawak kong notebook. Bakit ba siya tingin nang tingin sa akin? Saka lang ako nakapag-focus nang husto nang dumating na ang prof at nagsimula na ang klase. Wala naman masyadong nangyaring hindi maganda dahil nakasagot ako nang maayos sa tests at naging maganda ang daloy ng discussions. Tiniis ko lang ang antok dahil iyon ang `di mapigil-pigilan. Pero hindi na ito gaya noong mga unang araw. Kumpara ngayon ay nakakapag-adjust na ako. Mabilis na sumapit ang alas singko ng hapon. Buong akala namin ay tuloy-tuloy na ang klase ngunit may idaraos palang program sa gymnasium. Orientation daw ito tungkol sa mga issues na kailangang i-address ng campus. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Imon noong ma-excuse siya sa ikalawang subject kanina. Marami kasi siyang organizations na sinalihan. Isa na nga roon ang org para sa mga LGBT na siyang pinaniniwalaang pinakaaktibo sa lahat ng clubs na mayroon ang Capgahan State. “Alania? Bakit nandito ka?” gulat na gulat kong tanong nang tumungo ako sa canteen. Nasa gymnasium na ang mga estudyante ngunit mas pinili kong pumunta rito. Balak ko kasi sana bumili ng makakain bago pumunta roon. At dahil nakita ko ang kaibigan kong nakaharap sa lamesang may patong-patong na folders, lumapit na ako saka umupo sa tapat niya. She smiled. Halata na sa mukha niya ang pagod. Messy bun man ang buhok at halatang minadali ang pagkakaayos, talagang mas gumanda pa siya. “Hindi pa kasi tapos itong trabaho ko,” aniya sabay hawi ng mga papel. “Napag-utusan kasi.” “Nino?” “Sino pa? Eh `di nung terror kong professor. Diyos ko.” Pinaliwanag niyang nag-oorganize siya ng mga submitted papers ayon sa block ng mga nagpasa. Halo-halo iyon at sandamakmak kaya inabot ng limang oras. Dapat nga daw ay bibisitahin niya ako kanina. Hindi lang natuloy dahil mas pinili niyang asikasuhin ito. Halos maiyak-iyak siya dahil pakiramdam niya’y parusa ito. Kinuwestyon niya kasi iyong discussion ng nasabing prof hanggang sa nagdebate sila. Marami sa mga kaklase niya ang napasang-ayon sa kaniya dahil hindi lang basta paglilinaw ang ginawa niya. Nag-cite pa siya ng reference mula sa isang libro upang mapatunayang mali ang sinasabi ng teacher. “Pero okay lang. Malapit ko naman na matapos. Buti na lang panggabi ka dahil may sasabayan ako pag-uwi,” wika niya. Muli siyang nagpatuloy sa pag-iisa-isa ng mga papel upang suriin. “Gusto mo bang tulungan kita?” “Huwag na. Bumalik ka na lang doon sa gym dahil required `yon.” “Wala namang nagsabi na required um-attend do’n.” Umiling siya. “Saka lang sasabihin `yan pagkatapos ng program kaya dapat pumunta ka na.” “Paano ka rito? Mag-isa lang?” Tumango siya. Inilibot ko ang tingin sa canteen at umasa na baka may kakilala siya sa isa sa mga kaunting nakatambay dito. Ngunit wala. Tinapik ko na lamang ang balikat niya bago ako umalis. May mga kasabayan akong naglalakad papunta ng gym. May kalayuan lang dahil malaki-laki ang sakop nitong campus. Nakasalubong ko pa `yong apat na babaeng nakakita sa amin ni Tinio noon sa tapat ng guidance office. Natatandaan ko dahil sa paraan at lagkit ng kanilang tingin. Hindi ko maunawaan kung bakit ba pinoproblema ng ibang tao ang problema ng iba. Ano kung nakausap ko si Tinio? Ano kung kasa-kasama ko lagi si Bryce tuwing uwian? Ito ang dahilan kung bakit natatakot akong isiwalat sa lahat na minana ko na ang kakayahan ni Lola. Mas iiba ang tingin nila kung malaman nilang sorceress ako. Baka nga isipin nilang ginayuma ko sina Tinio at Bryce para lang maging malapit sa’kin. Totoong hindi ko kinakahiya ang pinagmulan ko dahil hindi ako nahihiya— natatakot ako. Natatakot ako sa magiging husga, sa mga masasabi nila. At sa aminin natin o hindi, nakakatakot na ang lipunan ngayon. Hinanap ko ang puwesto ng section namin sa gym. Halos mapuno ang bulwagan dahil sa dami ng estudyante at umuugong ang daldalan sa sobrang ingay. Napabuntonghininga ako nang malamang hindi pa nagsisimula ang program. Siguro, may inaayos pa o `di kaya’y may hinihintay. Wala akong choice nang matagpuang isa na lang ang bakanteng upuan. Nagkataon pang sa dulo at katabi ni Bryce. Ilan pa sa mga babae ay nakatingin sa kaniya dahil gaya nga ng aking sabi, hindi maitatanggi ang kaguwapuhan niya. Siya `yong lowkey heartthrob na hindi mayabang at walang pinangangalandakan. Kumbaga, tahimik. “Nireserba ko `to para sa’yo. Saan ka galing?” tanong niya nang makaupo na ako sa tabi niya. Sa lapit ng aming puwesto ay hindi na maiwasang magtama ang aming braso. “Sa canteen.” “Bakit?” “Para sana bumili,” sagot ko. “Wala kang dala.” “Wala eh. Naubos ko ang oras kakausap kay Alania. Natakot ako na baka ma-late dito kaya bumalik na kaagad.” Nagulat siya at halata iyon sa mas maayos niyang pagbaling sa akin. “Nandito pa siya? `Di ba pang-umaga `yon?” usisa niya, animo’y mas naging interesado. Huwag niyang sabihing may gusto rin siya kay Alania? Lahat na lang. “Oo.” “Saan siya sasakay mamaya?” “Sasabay sa’tin. Okay lang ba?” tanong ko. “Sure,” walang pagdadalawang-isip niyang sabi. Inabangan ko kung ngingiti ba siya o mahahalataan ng tuwa dahil sakali mang mapatunayang may gusto siya kay Alania, baka ideklara ko nang diyosa ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD