CHAPTER 2: THE ESPER FAMILY

1342 Words
Gabi na nang makarating sila sa bahay. Ipinasok muna ni Loti ang motorsiklo sa loob ng garahe bago sila bumaba at dumiretso sa tahanan. Pagkapasok ni Hiraya sa loob ng sala, agad niyang pinindot ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Tumambad sa kanya ang walang taong lugar. Hinubad muna niya ang helmet at sapatos bago tuluyang pumasok. Maingat niyang inalapag ang mga gamit na bitbit sa side table. Sumunod si Loti sa likod niya na tinanggal din ang helmet ngunit binalibag lang ito sa pinakamalapit na sofa. "Bakit ka ba na-late sa pagsundo sa akin? Saan ka ba nagpunta kanina?" usisa niya nang pareho na silang nasa loob ng bahay. "Do'n." Dumiretso ito sa katabing kusina para kumuha ng maiinom. "Sa bahay ni Joriz," simpleng tugon habang pinapasok ang ulo sa loob ng refrigerator. "Kapag kasama mo talaga ang boyfriend mo, hindi mo ako naaalala!" nagtatampo niyang sabi at umirap. Parang hindi siya narinig ng kausap at tumungga lang ito ng isang bote ng mineral water. "Nakakainis ka talaga, Ate Loti! Sana makauwi na sina Mama at Papa para masermunan ka." Muling tinakpan ng babae ang bote bago nagsalita. "Sorry ka na lang, bunso. Matatagalan pa silang umuwi. Isang linggo sina Mama at Papa sa Boracay. Sa birthday mo raw sila makakauwi." Napanganga siya. "Ha? Ganoon katagal?" "Hayaan na nating magpakasaya sina Mama at Papa. 47th wedding anniversary naman nila. Kailangan nilang maging stress-free," sabi nito na naglakad at nilagpasan lang siya. Dumiretso ito sa hagdan upang umakyat sa sariling kwarto. "Ate!" pigil niya na sumunod sa likod nito. Tumigil ito sa gitnang baitang at nilingon siya. "Alam kong balasubas ka pero huwag mong kakalimutang ikandado ang bintana mo," paalala niya. "Alam mo naman siguro ang mga bali-balitang kumakalat. May house intruder na gumagala sa syudad natin at nagpapalipat-lipat sa iba't ibang Barangay. Linggo-linggo na lang na may bagong biktima. Puro babae pa ang target. Walang pinipiling edad, mapa-bata, matanda, dalaga... basta babae, nire-r**e at pinapatay. Kanina lang narinig ko sa kaklase ko na sa 'tin na raw gumagala ang serial killer," paliwanag niya. "Ano?" Halos magsalubong ang dalawang kilay nito sa pagtataka. "Hindi pa ba nila 'yon nahuhuli?" takang-tanong ni Loti. Imbis na sagutin ang tanong nagbilin na lamang siya. "Basta isara mo nang maigi ang pinto at bintana. Ate, kilala kita. Hindi mo ugaling magkandado." "Hay sus... " Ngunit binale-wala pa rin ni Loti ang sinasabi niya. "Huwag kang masyadong magpaniwala sa mga ganyan. Saka may kapangyarihan ka namang bumalik sa oras. Alalahanin mo ang sarili mo kasi sa 'ting dalawa, ikaw ang lapitin ng kamalasan." Napasimangot siya nang sabihin ng kapatid ang huling linya. As usual, hindi talaga ito papayag na nasa kanya ang huling pang-aasar. "Sige na, aakyat na ako," simpleng sabi nito bago nagpatuloy sa pagpunta sa sariling silid. Sinundan na lang niya ng tingin ang kapatid at hindi na nagsalita. *** Naiwan siya sa sala at nilinis ang naiwan nilang mga gamit. Inimis niya rin ang mga gamit ni Loti na iniwan lang kung saan. Nagwalis siya nang kaunti dahil maalikabok na ang sahig. Kung si Loti ang "Black sheep" sa pamilya, masasabi ni Hiraya sa sarili na siya naman ang "Good Sheep". Sumusunod siya sa alintuntunin ng bahay. Masikap sa pag-aaral at kahit kailan ay hindi naging pasaway. Siya ang kabaliktaran ng kanyang ate. Nahinto siya sa pagwawalis nang lumagapak ang isang picture frame na nakadisplay sa TV rack. Lumapit siya roon at inayos ang larawan. Natigilan siya at tumingin muna sa litrato ng kanyang mga magulang. Isa iyong wedding photo. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Sa totoo lang, humahanga siya sa mga magulang na 47 years nang kasal pero lubos pa rin ang pagmamahalan sa isa't isa. Alam niya ang salaysay ng love story nila. Ang kanyang ina na si Amihan Blessilda ay may Spiritual Gift na pampaswerte. Noong dalagita pa ang ina, hindi raw ito naghirap sa buhay. Walang pagkasawi na naranasan. Ni hindi nadudumihan kahit katiting na alikabok. Ang kanyang ama naman na si Andres ay habulin ng kamalasan. Nang makilala ng kanyang ina ang kanyang ama, naghahanap daw ito ng "adventure". Gusto ng ina na makaramdam ng kamalasan dahil nabo-bored daw ito sa buhay. Kapag naaalala niya ang kwento na iyon, natutuwa siya. In their youth, her parents balance each other. Nakakainggit ang love story nilang puno ng katatawanan. Tumingin siya sa kaliwa at nakita naman ang kanyang larawan kasama ang kanyang Ate Loti at ang nobyo nitong si Joriz. Sa lahat ng lalaking naka-date o nakasama ni Loti, si Joriz lang daw ang pinakamalinis ang utak. Joriz usually acts cold, unattached, and indifferent, but deep inside hides a soft and sensitive man. Loti is the only woman in the world who figure out and reveal his facade. Thanks to her mind-reading spiritual gift. Malungkot na napangiti si Hiraya. Sa dami niyang pasanin, kasabay pa ang responsibilidad niya sa kapangyarihan, nawawala na sa kukote niya ang ibang bagay. Sa kasamaang palad, wala pang nagpapatibok ng kanyang puso. Wala rin namang nagtangkang manligaw sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. "Baka tumanda akong dalaga...." Dumako ang mga mata niya sa itaas na bahagi. Sa pader ng sala ay may malaking portrait ng kaniyang Lola Dalisay. Dalawang taon nang patay ang Lola at may pagkakataong nangungulila siya sa matanda. Kinausap niya sa isip ang butihing Lola habang nakatingin sa larawang nakasabit. "Lola Dalisay, sa pamilya natin, pakiramdam ko ay ako ang may pinakamahirap na Spiritual Gift. May mga pagkakataon na ayaw ko na talaga dahil lagi na lang ako napupunta sa mga delikadong senaryo. Lola, bakit ito ang binigay ni God sa 'kin? Maganda rin ang Spiritual Gift na binigay ng Diyos sa 'yo, Lola Dalisay. Noong bata ka pa, marami ka raw sinagip na buhay dahil kahit anong karamdaman kaya mong pagalingin. Tinawag ka nilang Miracle Lady. Pero syempre, pagdating ng ikalabing-walong taong kaarawan mo, nawala na rin ang kakayahan na iyon. Bakit parang naiinggit ako sa inyo, Lola?" Hindi niya namalayan na unti-unting naluluha ang kanyang mga mata. Naramdaman na lamang niya na may pumatak sa pisngi, saka lamang niya napagtantong umiiyak pala siya. "It's never been a curse, it's always been a blessing. Iyan ang sabi mo sa akin noon, Lola... pero ba't ganoon? Bakit pakiramdam ko, sinumpa ako?" sinabi niya iyon. Nilabas niya ang laman ng isip. "Ah!" Napakislot si Hiraya nang marinig ang isang sigaw. Tinigil niya ang pag-iyak, mabilisang pinunasan ang basang pisngi at mga mata saka nagtatakang napatingin sa hagdanan. "Ano 'yon?" Sa gitna ng pagiging emosyonal ay may narinig siyang sumigaw at kumalabog. Puno ng pagtatakang pumunta siya sa bungad ng hagdan at tumingala sa itaas. Madilim sa pangalawang palapag at hindi niya maaninag kung anong mayroon. "Ate? Bakit?" tanong niya, "May nakita ka na naman bang daga o lumilipad na ipis?! Mas malaki ka d'yan, 'wag kang matakot!" sigaw niya habang humahakbang patungo sa ikalawang palapag. Alam niyang naririnig siya ni Loti mula roon, pero wala itong sinagot sa kanya. "Ate?!" Kinutuban na si Hiraya nang wala pa ring tinugon ang kapatid. Nagmamadaling umakyat siya at nagtungo sa pinto nito. "Ate? Okay ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" Kumatok siya sa pinto pero wala pa ring tugon. "Ate Loti?" ulit niya ng tawag kasabay ng isa pang katok, pero wala pa ring sagot ang babae sa loob. Hindi na siya nakapagtimpi o nakapag-isip, kusang humawak ang kamay niya sa door knob at pinihit iyon. Alam niyang hindi nagkakandado ng pinto ang babae. Binuksan niya nang patulak ang pinto at nagimbal siya sa unang tumambad sa harap niya. Tinakasan ng kulay ang mukha niyang hindi maipinta sa takot. Basag ang bintana ng silid at mukhang sapilitang binuksan. Sumasabay ang kurtina sa ihip ng hanging nagmumula sa labas. Magulo ang paligid na parang may naghalughog. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Ang kanyang Ate Loti ay naabutan niyang nakadapa lang doon, nakatago ang mukha sa mga braso at tila natutulog. Saglit siyang na-estatwa sa pagkakatayo dahil sa pagkabigla. Hindi agad naproseso ng utak niya kung ano ang nangyayari... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD