CHAPTER 3 : HOME INTRUDER

1022 Words
"Ate?" Nag-aalalang tawag niya na lumapit sa babae upang gisingin ito mula sa pagkakatulog. Hinawakan niya ito sa balikat at lalong kinatakot ang mainit na bagay na kanyang nahawakan. Inangat niya ang mga kamay at nakita ang pulang likido... "Ate?!" Ang boses niya'y parang maiiyak. Garalgal. Tila nababaliw na siya sa pagtawag sa kapatid. "Ate Loti!" Ngunit kahit anong pagtawag niya ay wala itong tugon. Pinaharap niya ang kapatid at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang itsura nito. Tumigil ang t***k ng kanyang puso. Para siyang mahihimatay sa nasaksihan. Nakadilat lamang ang mga mata ng kanyang ate, nakaawang ang bibig, may dugong umaagos sa ilong at dibdib. Hindi na nagtataas-baba ang tyan nito sa paghinga. Wala siyang makitang senyales na buhay pa ang kapatid. At sa isang iglap, lahat ng pinagsamahan nila ay parang tubig na umapaw sa kanyang isip. Madalas siyang mainis sa ate niya ngunit mahal na mahal niya ito. She's the only best friend she ever had. "Ate Loti!" Ang kanyang mga mata ay namasa. Sunod-sunod na nagsipatakan ang kanyang mga luha. "A-Anong nangyari? Sino gumawa nito?" Niyakap niya nang mahigpit ang katawan ng babae. "Ate ko!" Sa gitna ng pagdadalamhati, nakaramdam siya ng yabag mula sa likod. Nanlalaki ang mga mata at sunod-sunod ang paghinga na unti-unti siyang lumingon. Isang lalaki ang nakita niya sa likod. Nagtatago ito sa kadiliman at napapalibutan ng kakaibang aura ng kasamaan. Walang pasubali na inangat nito ang kamay na may hawak na itak. Akma nitong ihahampas sa ulo niya ang sandata. "Ah!" Napatili siya kasabay ng pagtayo't pag-iwas. Nang makailag siya at pumunta sa gilid, umangat ang mukha ng lalaki para titigan siya. Ang nakikita lamang niya ay ang nanlilisik na mga mata nito dahil natatakpan ng facemask ang pang-ibabang bahagi ng mukha. "Sino ka?" Nais niyang itanong ngunit hindi gumalaw ang kanyang bibig. Sa halip, natameme siya nang akmang susugod ito muli. "Ah!" Muli siyang napatili at tumakbo patakas. Lumabas siya sa kwarto. "Sinabi ko nang magsara ng pinto at bintana! Binilinan ko na pero hindi siya nakinig! I'm sorry, Ate Loti. But I need to save myself! And in order to save you... Kailangan kong mag-back skip!" aniya sa sarili. Napasigaw siya nang magawa siyang hilahin ng lalaki pabalik. Hinila nito ang ibabang bahagi ng buhok niya at patalikod siyang natumba sa malamig na sahig. Masakit. Naramdaman niyang tumama ang likod sa lapag at pakiwari niya'y magkakaroon siya ng malaking pasa roon. Saglit niya iyong ininda bago bumalik ang paningin niya sa lalaki. Patalikod siyang umurong habang nakaupo sa sahig at nakatutok lamang ang mga mata sa lalaki. Lumalakad itong palapit sa kanya, bitbit ang sandata. Anupa't ang puso niya'y tuluyang nalugmok sa takot. Hindi siya pwedeng mamatay ngayon. Hindi niya pwedeng hayaan na humantong lang sa ganito ang lahat. Kailangan niyang buhayin ang kapatid. "Kailangan kong mag-back-skip!" sabi niya sa isip. Ngunit sa pagtataka niya'y hindi pa rin gumagana ang kanyang kapangyarihan. Nakalapit na ang lalaki sa kanya at inundayan siya ng saksak sa harap. Napatili siya sa gulat at takot. Nakanganga niyang tinanggap ang saksak. Dumako ang mga mata niya sa kamay nitong nababalutan ng dugo. Napansin niya ang peklat nito sa likod ng kaliwang kamay. Hinugot muli nito ang patalim na nakabaon sa kanya at muling itinaas. Akma na naman siya nitong sasaksakin ngunit kusang gumalaw ang mga kamay niya para depensahan ang sarili. Kinuha niya ang mga gamit na nandoon sa ilalim ng mesa at pinagbabato ang lalaki. Hindi na niya inalam kung ano ang mga gamit na pinambato niya. Gulo-gulo na ang kanyang isipan. Ang tanging pokus na lamang ay makaligtas. Na-distract ang lalaki at napaurong. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makatayo at makatakas. Sapo-sapo ang sugat sa may bandang tyan na tumakbo siya sa hallway. Halos magkandarapa at madulas siya sa pagmamadali. Panay rin ang tagas ng dugo niyang kumalat na sa sahig. "Bakit hindi ako nagba-back-skip? Bakit hindi gumagana? Mas kailangan kita ngayon! Please, Spiritual Gift, gumana ka!" pagkausap niya sa sarili ngunit wala pa ring nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit. "Baka naman... hindi gumagana ang kapangyarihan ko kapag pamilya ko ang nasa peligro... Eh, anong silbi ng kapangyarihan ito kung hindi ko maproprotektahan ang mga mahal ko sa buhay?!" Nag-init ang mga mata niya dahil sa naisip. Lumuluhang nakaabot siya sa hagdan. Humawak siya sa rails habang nagmamadaling bumaba. "Pinasok kami ng infamous home intruder! Pinatay niya ang kapatid ko at ang p*nyetang Spiritual Gift ko, ayaw gumana! Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Mamamatay na rin ako! Tulong! Tulungan n'yo kami!" Naghalo na ang pandadalamhati , sakit, takot at pagkainis sa kanyang puso't isipan. First time in her life, she feels the desperation and hopelessness. Nasaan na ang mga taong tinulungan niya? Nasaan na ang karma ng kabutihan? Nagawa niyang iligtas ang buhay ng iba ngunit hindi niya magawang iligtas ang sarili at ang kapatid. "Tulong! Tulungan n'yo kami! Tulungan n'yo ang ate ko!" Umiiyak siyang sumigaw at umasang may makakarinig sa kanya. "Tulong mga kapit-bahay!" pagsusumigaw niya habang bumababa ng baitang. Napakislot siya at napaungol dahil kumirot ang pinsala niya. "Tulong... Ah---" Isang tili na lamang ang nailabas niya nang naabutan siya ng lalaki. Sinabunutan siya nito at inuntog sa rails ng hagdan. Nawalan siya ng lakas na hindi nakakapit. Natumba siya at naramdaman na lamang ang pagkabalibag ng katawan niya pababa. Para siyang ragdoll na nahulog sa mga baitang ng hagdan. Tumama ang ulo niya sa malamig na semento. Wala na siyang maramdaman at unti-unti nang nawawala ang kamalayan. Umiikot ang buong paligid. Umiikot ang buong mundo ngunit naaaninag pa rin niya ang anino ng demonyong pumatay sa kanyang kapatid. Ang lahat ng memorya niya na kasama ang kapatid, at mga magulang ay dumaloy sa kanyang isipan na parang agos ng ilog. Ang mga memorya ng pagliligtas niya sa mga tao ay umapaw sa kanyang utak. Masakit... Kumikirot... Parang binibiyak ang ulo niya sa dalawa... Ilang saglit pa. Hindi na niya maramdaman ang buong paligid at nabalot na ang kanyang diwa ng dilim. Pakiramdam niya'y siya ay nahuhulog sa malalim na bangin. Ang tanging nausal lamang niya ay ang pangalan ng kanyang kapatid. "Ate Loti..." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD