CHAPTER 21: TEARS OF REGRET

1592 Words

Dear Aya, Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo. Ikaw ang patunay na may mabubuting tao pa rin sa mundo. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Sabi mo, totoong may Diyos at pinadala ka niya para sa akin. Simula nang sabihin mo iyon, araw-araw na akong nagdadasal sa Kanya. Araw-araw ko ring dinadalangin ang paggaling mo kahit hindi ko alam kung anong sakit mo. Kapag malaki na ako at malaya na, pwede ba akong manligaw at--- Natigilan si Kenjie sa pagsusulat. Napagtanto niya kung ano ang sinasabi niya sa sinusulat. Naiinis na naglagay siya ng malaking ekis sa buong papel at kinusot iyon saka tinapon sa basurahang nasa gilid. Tumama iyon sa gilid ng basurahan at tumalsik sa sahig. Natatamad na tinitigan lamang niya ang basura at hindi iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD