Umaasa pa rin ba siya na magbabago ang kanyang ina? Mayroon pa kayang pag-ibig sa puso ng taong nagluwal sa kanya? Sa pagkakatanda ni Kenjie, inabuso rin ng kanyang great-granduncle ang kanyang ina noong bata pa ito. Hindi nagawang makatakas ng kanyang ina sa abusong natikman at paglaki nito'y dala-dala ang pasanin. Naging babaeng bayaran ang ina. Nagpatuloy ang sekswal na pang-aabuso rito sa kamay ng iba't ibang lalaki. Aksidente ring nabuntis ito habang nakikipagtalik sa tatlong binata. Hindi nito sigurado kung sino ang ama, ngunit madalas nitong sabihin na ang pinakagwapo sa kanila ang tunay na nakabuntis sa kanya. Bumabaliktad ang tiyan ni Kenjie. Natuptop niya ang bibig dahil nais niyang maduwal. Hindi niya alam kung bakit ngunit sobrang nahihirapan ang kanyang kalooban. Tinitigan

