Napangiwi siya habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. He has a pretty pair of hazel eyes. Matangos din ang ilong nito at matangkad pa. Sa height niyang five feet and six inches ay nagmumukha siyang maliit habang kaharap ito.
"P—pasensya na po Mister pero tao lang ako at talagang nakakatawa ang itsura mo ngayon. Pero hindi ko sinasadyang pagtawanan ka," mahina niyang bigkas.
Pagak itong natawa. "Damn! I can't believe this!"
Lumapit naman ang driver ng motorsiklo sa kanila. Sinamaan ito ng tingin ng lalaki pero parang balewala lang iyon sa driver.
"Sir, yung bayad niyo po," singil nito.
Humugot ang lalaki sa bulsa nito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang abutan ito ng afam ng isang libo. Napasimangot naman ang driver.
"Barya lang Sir. Singkwenta lang naman ang singil ko. Wala po akong sukli diyan. Una po kasi kitang pasahero," kamot ulo nitong sabi.
"Sayo nayan at umalis ka na!" Anito at padabog na inabot sa driver ang pera.
Agad namang umalis ang driver na naliligo din sa putik gaya ng lalaki.
Humugot siya ng hangin bago tipid na ngumiti sa estranghero. "Maiwan na po kita, Sir," aniya at tinalikuran na ito subalit hindi paman siya nakakahakbang ay hinawakan na ng lalaki ang kanyang braso.
Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa pagdikit ng mabahong putik sa balat niya. Ano bayan! Kakaligo niya lang ano? At magtatrabaho pa siya;
"Bakit mo ako hinawakan?" Angal niya at iwinaksi ang kamay nito.
"Because you are not leaving me here," pagalit parin nitong ani.
Napabuga siya ng hangin. Ano bang karapatan nitong manduhan siya gayong ngayon lang sila nagkita? May pagkaarogante din pala ito.
"Excuse me, Sir ha. May trabaho pa ako at malelate na ako kaya kailangan ko ng umalis," pagdadahilan niya.
Muling humugot ng lilibuhing pera ang lalaki at ibinigay iyon sa kanya. Gulat siyang nag-angat ng tingin. Ang dami pa naman at mukhang bago. Tumatagiktik pa. Parang nasa sampung libo yata iyon.
"P—para saan 'to?"
"Babayaran ko ang araw mo. Take me to your house. I need to take a shower because I stink. Baka may makakita sakin dito at pagtawanan ako gaya ng ginawa mo" masungit nitong saad.
"Huh? Hindi ka pwede sa bahay namin!" Agaran niyang tanggi.
Nangunot agad ang noo ng lalaki at parang hindi nagustuhan ang pagtanggi niya. "And why was that?"
"Hay naku Mister. Sino bang siraulo ang magdadala sayo sa sariling pamamahay ko gayong hindi kita kilala?" Mataray niyang asik.
Huminga ito ng malalim bago inilahad ang kamay sa kanya. "I'm Ryder..."
Ibinalik niya sa mga kamay nito ang lilibuhing pera. "Hindi ako interesado sayo. Baka mamaya scammer ka pa at ibenta mo ang organs ko," pairap niyang sabi at muli itong tinalikuran.
Subalit ang makulit na lalaki, muli na naman siyang hinila paharap dito. "Please hindi ako scammer. Look," natataranta nitong ani at ipinakita sa kanya ang maraming ID at pasport nito mismo.
"I just really need your help. Hindi ako pwedeng maglakad na ganito ang itsura ko. It's embarrassing!"
Mataman niyang tiningnan ang mga dokumento na ipinakita ng lalaki sa kanya. Mukhang hindi naman pala ito masamang tao pero hindi parin siya kampante kahit na gwapo ito. Huminga siya ng malalim bago hinarap ang lalaki.
"Sige bayaran mo ang isang araw ko. Three hundred fifty pesos," seryoso niyang ani.
"Iyan lang ang sahod mo sa isang araw?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong.
Tumango naman siya. "Bakit?"
"It's a very low salary," naiiling nitong ani bago siya inabutan ng isang libo. "Wala akong barya. Just take it or you can take all of this," alok nito sa ibinalik niyang pera kanina.
"Itago mo yang ibang pera mo. Baka mapagdiskitahan ka at holdapin ka," aniya bago kinuha ang isang libo at isinilid sa kanyang bulsa. Mabuti nalang iyon at may pambili siya ng balut. "May alam akong lugar na pwede kang maligo," dagdag pa niya.
Mabilis namang tumango ang lalaki. "Okay, take me there immediately."
Sinenyasan niya itong sumunod sa kanya. Binaybay nila ang makitid na daan patungo sa talon. Napapiksi pa siya nang dumikit sa kanya ang lalaki.
"Ano bang ginagawa mo?" Kunot noo niyang tanong.
"The place looks scary."
Marahan niya itong itinulak at inismiran. "Lumayo ka ng konti. Mahahawa ako sa amoy mo."
Hindi nagtagal ay narating na nila ang talon. Bumungad sa kanya ang naggagandahang bulaklak sa paligid. Naglakad siya papunta sa isang malaki at malapad na bato. Sumunod naman sa kanya si Ryder habang abala ang mga mata nito sa pagmamasid sa paligid.
"What are we doing here?"
"Dito ka maliligo," turo niya sa napakalinaw na tubig.
Napakurap-kurap pa ito. "Oh, wala bang shower? Paano kung masilipan ako ng sinuman diyan habang naliligo."
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago humalukipkip. "Walang shower dito dahil unang-una mahirap lang kami at hindi ka pwedeng maligo sa bahay dahil baka magulat ang lola ko. At isa pa, huwag mong hubarin lahat ng damit mo para dika masilipan."
"Then what about the soap and shampoo?"
"Malayo ang tindahan dito kaya maligo ka nalang ng wala nun. Kuskusin mo ng maigi yang katawan mo at magbabad ka sa tubig para mawala yung amoy," suhestyon niya.
Sandali pa siya nitong tiningnan bago napailing. Parang hindi nito nagustuhan ang suhestyon niya pero wala naman itong choice. Kusang hinubad ng lalaki ang bag nitong dala. Isinunod naman nito ang damit na suot.
Hindi niya maiwasang panlakihan ng mata nang makita ang magandang hubog ng katawan ng lalaki. Nakakita na siya ng ganun kay Tyrone at Nicolo kapag naliligo sila sa talon pero hindi niya maipaliwanag kung bakit nag-iinit ang kanyang pisngi habang pinagmamasdan ito. Sunod na inalis ng lalaki ang suot nitong pantalon.
Oh mahabagin!
Nais niyang magsign of the cross nang boxer nalang ang natitira nitong damit. Hindi naman niya sinasadya pero napasilip talaga siya sa gitnang bahagi ng katawan ng lalaki at nakita ang isang bagay na nakaumbok doon. Parang ang laki naman yata! Posible pala yun?
"Stop staring. Naglalaway kana," sarkastiko nitong ani.
Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at nakitang nakatitig pala ito sa kanya. Baka akalain nitong isa siyang manyakis na babae!
"Hindi ako naglalaway no! Ni hindi nga maganda yang katawan mo," pairap niyang sabi.
Naramdaman niya ang paglapit nito dahilan para mapaatras siya. Muntik pa siyang mahulog sa ibaba ng talon kung hindi nito nahawakan ang bewang niya at idinikit siya sa katawan nito.
"All my life, ngayon ko lang narinig na may nagsabi na hindi maganda ang katawan ko," naniningkit ang mga mata nitong ani.
Napanguso naman siya. "H—hindi naman talaga!"
"Really? Pero kanina mo pa tinitingnan?"
Tumalim ang titig niya dito para ipakitang hindi siya apektado. "Paanong hindi ko matingnan kung naghubad ka sa harapan ko. Kailangan ba ako ang mag-adjust at pumikit?"
Umangat ang sulok ng labi nito habang titig na titig sa kanyang mukha. "You're feisty. I like you."
Namilog ang kanyang mga mata. Tama ba ang narinig niya? Gusto siya nito? Ganun kabilis? Pero baka naman hindi iyon ang ibig sabihin ng lalaki. Bago paman siya makapagtanong ay lumusob na ito sa tubig Naiwan naman siyang nakatayo doon habang pinapanood itong lumalangoy. Parang naiinggit tuloy siya at gusto niya ring lumangoy kasama ito.
Huminga siya ng malalim bago naupo sa bato. Hihintayin nalang niya itong umahon para ihatid ito kung saan man ito papunta.
"Wanna join me here?" Nakangiti nitong alok.
Napatitig siya sa mukha nitong malinis na at wala ng putik. Lintik lang! Mas pumogi yata ang afam! Makinis ang kutis nito at may kaputian talaga. Mukha din itong mayaman. Siguro nga ay mayaman nga. Dahil kung makapamigay ito ng pera ay parang nagtatapon lang.
Kapag nagkataon, pagkakaguluhan ito ng mga kababaihan sa lugar nila. Sa kaisipang iyon ay napasimangot niya.
"Hey!" Tawag nito sa kanya nang hindi siya sumagot.
Umiling nalang siya. "Ayoko. Ikaw nalang!" Sigaw niya pabalik.
Ilang sandali pa itong nagbabad sa tubig bago nito naispang umahon. Tumayo na siya para bahagyang lumayo sa basa nitong katawan.
"Saan ako magbibihis?" Tanong nito sa kanya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid bago itinuro ang isang malaking puno. "Doon nalang. Bilisan mo at baka may dumating at makitaan ka."
Dinampot nito ang maduming bag at naglakad na. "This is insane!" Naiiling na sambit ng lalaki bago tumalima.
Ilang sandali pa ay muli na itong bumalik sa kinaroroonan niya habang inaamoy ang sarili. Dinampot niya ang maduming damit ng lalaki at binitbit iyon.
"May kamag-anak ka ba dito o kakilala?" Tanong niya.
Sandali siyang tiningnan ng lalaki pagkuwa'y umiling. "Wala. Wala akong kakilala dito."
Umangat ang isa niyang kilay. "Paano ka napunta dito kung ganun?"
Huminga ito ng malalim bago ngumiti. "Gusto ko lang magbakasyon sa malayong lugar at dito ako napadpad."
Napanguso siya. "Kung ganun ay saan ka tutuloy ngayon?"
"Sa bahay ninyo..."
Pinukol niya ito agad ng masamang tingin. "Nagbibiro ba ako sa paningin mo?"
Ngumiti naman ito sa kanya. Yung klase ng ngiti na halos makalaglag panty na. "Kidding. Anyway, we've been talking for an hour now or more pero hindi ko parin alam ang pangalan mo."
Sandali niya itong tiningnan bago sinagot. "Malia... Malia Rodriguez..."
Inilahad naman nito ang sariling palad. "Ryder Minjarra..."
Nag-aalangan man ay tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki. Sabihin mang exaggerated siya pero nang magdaop ang mga palad nila ay labis ang kabog ng dibdib niya na hindi niya maintindihan. Unang beses na nangyayari iyon sa kanya kaya naguguluhan siya.
"Nice meeting you Malia..."