Chapter 6: Threat

1660 Words
"T—talaga? Nakita mo na ba siya?" Kinakabahan niyang tanong na akala mo siya talaga ang tinutukoy nito. Tipid na ngumiti si Ryder bago tumango. "Yeah." Mas napukaw ang kanyang atensyon sa sinabi nito. "Maganda ba siya?" Muling tumango si Ryder. "Sobrang ganda." Kakaiba ang ningning ng mga mata ni Ryder habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Taga-dito ba siya?" "Yup. I met her here." "Kilala ko ba?" "Ipapakilala ko siya sayo sa susunod." Bahagya siyang nakaramdam ng panlulumo. Ipapakilala sa kanya? Ibig sabihin hindi siya. May kinikita kaya itong ibang babae? Sa kaisipang iyon ay mas lalong bumigat ang loob niya. Pagkatapos niyang mag-agahan ay agad na siyang nag-ayos para pumasok sa trabaho. Pagkalabas niya ng bahay, nakita niya si Ryder na nakasandal sa kotse na ginamit nito kahapon. "Aalis ka ba?" Tanong niya nang matapat sa kinatatayuan nito. "Yup. Ihahatid kita." Napakurap-kurap siya bago umiling siya. "Hindi na. Malapit lang naman ang farm." "No, I insist. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw," kaswal nitong sagot. Napatingin siya sa kubo na tinutuluyan nito. "Tapos ka ng mag-arrange ng mga bagong gamit mo?" Tumango ang lalaki bago nito binuksan ang pinto ng sasakyan at inilahad sa kanya. "Get in." Hindi na siya nagmatigas pa at sumakay na sa sasakyan. Nakapagpaalam narin naman siya sa kanyang lola bago siya lumabas ng bahay. "Ganun parin ba ang oras ng out mo mamaya?" Napalingon siya kay Ryder na nasa daan nakatutok ang mga mata. Kahit ang side profile ng lalaki ay napaka-perpekto talaga. Ang swerte ng babaeng sinasabi nitong nagugustuhan nito. "Hindi ako sigurado. Bakit mo naitanong?" "Susunduin kita. Baka guluhin ka na naman ng lalaking iyon gaya kahapon." Nagpakawala siya ng hangin bago umiling. "Hindi mo na ako kailangang sunduin. Baka nakakaistorbo na ako sayo." Sa sinabi niyang iyon ay nilingon siya ni Ryder. "Hindi ka magiging istorbo sakin, Malia. Kahit araw-araw pa kitang susunduin ay ayos lang." Agad siyang napanguso at nag-iwas ng tingin. "Araw-araw talaga eh hindi ko nga alam baka bukas makalawa uuwi kana ng Maynila." "I can stay here if you want." "At bakit naman nakadepende sakin ang pananatili mo dito?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Sandali siya niting tinitigan bago inilipat ang atensyon sa daan. "You will know soon. Hindi pa sa ngayon." Sumimangot siya sa naging sagot nito. Bakit may pasuspense pa ito gayong pwede naman siya nitong sagutin. "Huwag ka ng bumaba," aniya sa lalaki nang makarating sila sa farm. "Are you mad?" Mabilis siyang umiling. "Hindi. Pasok na ako." Huminga ito ng malalim bago tumango. "Take care. Susunduin kita mamaya." "Hindi na. Baka pupuntahan mo pa iyong babaeng nagugustuhan mo." Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. "Susunduin parin kita," anito bago pinaandar ang makina ng sasakyan at kinindatan pa siya. Hinintay niya munang makaalis si Ryder bago siya pumasok sa farm. Pagpihit niya paharap ay halos mapatalon siya sa gulat nang makita niya si James. Makulimlim ang titig nito sa kanya at mukhang galit. Akmang lalampasan na niya ang lalaki nang hatakin nito ang kanyang braso at dinala siya sa loob. Wala pang masyadong tao doon dahil maaga pa naman. Nang tingnan niyang muli ang mukha ng binata ay tila nag-aapoy na ito sa galit. "Ano bang problema mo?" Asik niya at pilit na inaalis ang kamay nitong mahigpit ang hawak sa braso niya. "Talaga bang boyfriend mo ang lalaking iyon?" Naniningkit ang mga mata nitong tanong. Napahugot siya ng hangin. "Sinabi ko na nga sayo kahapon, hindi ba?" "At ako? Paano naman ako?" Nangunot ang kanyang noo. "Anong paano ikaw? Sa pagkakaalala ko wala naman tayong kahit na anong koneksyon James!" "Matagal na akong nagpaparamdam sayo. Hinahayaan lang kita sa hindi mo pagpansin sakin dahil wala rin naman akong nakikitang lalaking pinapansin mo. Pero ang makita ka ngayong may kasamang iba? Hindi ako mapalagay Malia! Mababaliw ako tuwing naiisip kong karelasyon mo ang lalaking iyon! Nagseselos ako!" Gigil nitong sambit. Tila napatid na nito ang pasensya niya. "Lilinawin ko lang James ha, wala kang karapatang magalit dahil unang-una, sinabi ko na sayo na wala akong gusto sayo. At mas lalong hindi rin kita pinaasa para umasta ka ng ganyan!" "At sinong gusto mo? Iyong lalaking iyon?" Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Pwede ba James, tumigil ka na. Walang patutunguhan itong pag-uusap natin," malamig niyang turan. "Ito ang tandaan mo Malia. Hinding-hindi ako makakapayag na mapunta ka sa lalaking iyon matapos kong maghintay ng matagal! Sisiguraduhin kong may kalalagyan ang lalaking iyan sakin! Makikita mo!" Puno ng galit nitong asik bago siya tinalikuran at naglakad palayo. Napasuklay siya ng buhok gamit ang kanyang kamay. Akala pa naman niya noon mabait itong si James, hindi pala. Makitid pala ang utak ng lalaki. At talagang binantaan pa siya. Napailing nalang siya pero aminin man niya, nakaramdam siya ng takot. Paano nalang kung totohanin ng lalaki ang mga sinabi nito? "Huy!" Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita si Becca. Agad siyang napangiti sa kaibigan at iwinaksi sa isipan niya ang naging pag-uusap nila ni James kani-kanina lang. "Bakit nakatayo ka lang dito?" Nagtatakang tanong ni Becca. Napatikhim siya. "Ah, hinihintay talaga kitang dumating." Agad na lumawak ang ngisi sa labi ng dalaga. "Talaga? Mabuti naman. Balita sa buong barangay na may asawa ka na daw na poging afam? Gaano iyon katotoo?" Bahagya siyang natawa. Hindi nga siya nagkamali ng hinuha. Sigurado siyang si Aling Merly ang nagpakalat ng tsismis tungkol sa kanya. Ngayon ay hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya ang kumakalat na balita o ikakagalit niya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi totoo iyon, no." "Eh sino ba iyong kasama mo daw kahapon na namimili ng gamit pangbahay? Sabi pa sobrang gwapo daw. Parang Hollywood actor," usisa ni Becca. Napailing nalang siya. "Nangungupahan iyon sa amin. Hindi ko iyon asawa no!" "Talaga? Ano kayang magiging reaksyon ni James ngayong nabalita ng may asawa kana?" Napalingon siya kay Becca bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Nagkausap na kami. Nagalit siya sakin at pinagbantaan niya ako," pagtatapat niya. Nanlaki ang mga mata ni Becca sa sinabi niya. "Pinagbantaan? Aba't gago iyon ah! Anong karapatan niyang magalit sayo gayong hindi mo naman siya pinaasa?" Nakapamewang nitong ani. Napailing siya. "Hindi ko alam. Sinusubukan kong intindihin siya pero hindi naman pwedeng sundin ko ang gusto niya dahil lang masasaktan siya. Kung sakali man na may asawa na ako, hindi naman siguro mali iyon diba? Wala ba akong karapatan na magkagusto sa iba porket gusto niya ako?" Huminga ng malalim ang kaibigan niya. "Tsk. Hindi ko aakalain na aabot sa ganyan si James. Akala ko pa naman matinong lalaki iyan. Magalang eh at palabigay ng ulam. Yun pala may itinatagong ugali na hindi maganda!" "Hayaan mo na. Baka naman nasabi niya lang din iyon dahil sa namamayaning emosyon sa puso niya," naiiling niyang bigkas. "Pero dapat mag-ingat ka parin, Malia. Iba minsan ang nagagawa ng sobrang pagmamahal," paalala ni Becca. Hanggang sa uwian ay nanatili sa isipan niya ang mga sinabi ni James. Dahil nga sa labis na pag-iisip ay bumunggo siya sa isang matigas na bagay. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang si Ryder iyon. Kunot noo siya nitong pinagmamasdan. "Anong nangyari sayo? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Napakurap-kurap siya bago pilit na ngumiti. "Ah, wala. May iniisip lang ako." "Ganun ba kalalim para hindi mo mapansin ang nasa paligid mo? You could've met an accident, Malia," may bahid ng pag-aalala nitong bigkas habang sinisipat siya ng tingin. Tumigil ang mga mata nito sa partikular na parte ng kanyang katawan at unti-unting nagsalubong ang makapal nitong kilay. "What happened to your arm? Bakit may pasa ka?" Mabilis siyang napatingin sa parteng sinasabi ni Ryder. Totoo ngang may pasa siya sa parteng iyon. Naalala niya kanina na mahigpit ang hawak mi James sa braso niya. Sigurado siyang doon niya iyon nakuha sa lalaki. "W—wala to," aniya at naglakad na papunta sa sasakyan ni Ryder. "Hindi pwedeng wala lang iyan Malia. Sino bang gumawa niyan sayo? Yung lalaki ba kahapon? How dare him! I will fúcking make sure he'll pay for that!" Galit nitong asik. Bakas ang galit sa mga mata nito nang tingnan niya ang lalaki. Huminga siya ng malalim. Ayaw niya ng gulo lalo na't dayuhan lang ito sa bayan nila. "Huwag mo ng alalahanin ito, Ryder—" "Are you kidding me? Hahayaan mo nalang siya na gawin iyan sayo? That's absurd Malia. Let's go to the hospital and get a medical certificate. Idemanda natin ang gagong iyon!" Anito sabay hila sa kanya papunta sa sasakyan. Mabilis niyang pinigilan ang binata. "Huwag na kasi. Hindi na rin naman ito mauulit." "Hindi na talaga dahil ipapakulong ko siya!" Iniharang niya ang sarili niya sa harapan ni Ryder. "Hayaan na natin si James. Sa susunod na gawin niya ulit to sakin, saka na natin siya idemanda. Huwag muna ngayon." Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Ryder at nakapamewang na humarap sa kanya. Bakas ang frustration sa mga mata ng lalaki. "I can't believe you. Ganyan ka ba talaga kabait?" "Kakilala ko ang tao, Ryder. Hindi naman siya dating ganyan. Baka nadala lang ng emosyon niya." Muli na namang bumuntong hininga ang lalaki. "Okay. If you say so then hindi na kita pipilitin but the next time he'll do that again, hindi mo na ako mapipigilan pa, Malia..." Lumipas ang dalawang linggo magmula ng magkausap sila ni James. Sa awa ng Diyos ay wala namang ginawang masama ang lalaki sa kanya at kay Ryder kaya nakahinga siya ng maluwag. Kinabukasan pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na pumasok ulit sa farm si James at hindi niya alam kung bakit. "Nabalitaan mo ba ang tungkol kay James?" Tanong ni Becca habang kumakain sila ng tanghalian. Umiling siya. "Hindi. Bakit ano bang meron?" "Bali-balita kasi sa buong barangay na sumama siya sa tiyuhin niyang rebelde sa bundok. Kung ako sayo, mag-ingat ka Malia. Baka mamaya naghahanap lang ng tiyempo iyon at balikan ka..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD