Chapter 5: Boyfriend

1613 Words
Pareho sila ni James na napalingon sa nagmamay-ari ng boses na walang iba kundi si Ryder. Nakaramdam siya ng pagkagulat nang makita ang lalaki. "B—bakit ka nandito?" "Sinusundo kita," seryoso at walang kangiti-ngiti nitong tugon. Napakurap-kurap naman siya. "Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" Huminga ng malalim si Ryder bago siya marahang hinila papalapit sa pwesto nito dahilan para mabitawan siya ni James ng tuluyan. "Nagtanong ako sa mga nadadaanan ko," kaswal nitong sagot. "Sino siya Malia?" Napalingon siya kay James na titig na titig kay Ryder. Nang lingunin niya ang huli ay nakipagsukatan na rin ito ng tingin kay James. Napatikhim siya. "Ah, ano—" "I'm her boyfriend," biglang sagot ni Ryder at inakbayan siya. Marahas siyang napalingon sa lalaki at pinanlakihan ito ng mata subalit isang matamis na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. "B—boyfriend?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni James. "Yes. Kaya gusto ko sanang makipag-usap sayo. Lalaki sa lalaki. Layuan mo na ang girlfriend ko, pare. Maghanap ka nalang ng iba," diretsahan pang sagot ni Ryder. Nagpalipat-lipat lang siya ng tingin sa dalawa dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nagulat siya sa inasta ni James kanina at mas lalo naman sa pinagsasabi ni Ryder ngayon. "Totoo ba ang sinasabi niya, Malia?" Tanong ni James. Kitang-kita niya na nagpipigil na ng emosyon ang lalaki. Nang lingunin niya si Ryder ay mataman naman itong nakatitig sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. Ilang segundo siyang nag-isip ng isasagot. Mukhang mas pabor naman sa kanya ang pinapalabas nito. Baka ito na ang solusyon para hindi na siya kulitin pa ni James. "Ah, o—oo James. B—boyfriend ko siya," pagsisinungaling niya. Napalunok ang lalaki. "Sigurado ka ba? Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyan Malia." "T—taga Maynila siya at ngayon lang siya nagpunta dito," pagdadahilan pa niya. Ilang sandali pa siya nitong pinagmasdan bago tumango saka walang salitang umalis. Pinanood nilang dalawa ni Ryder si James hanggang sa mawala na ito sa paningin nila. Maya maya pa'y inalis na ni Ryder ang braso nito sa balikat niya. "Palagi bang namimilit ang lalaking iyon sayo?" Nakabusangot ang mukha na tanong ni Ryder. Marahan naman siyang umiling. "Hindi. Ngayon lang siya umakto ng ganun. Hindi ko rin alam kung bakit." Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Ryder. "Mag-ingat ka sa kanya Malia. I don't like the way he stares at you." "B—bakit?" Kinakabahan niyang tanong. "Basta," tipid nitong sagot bago inilinga ang tingin sa paligid. "Tara na." Napakurap-kurap siya bago tumango. Magkasabay silang naglakad ni Ryder paalis ng farm. Nagulat pa siya ng makitang may naghihintay sa kanilang sasakyan. Napatingin siya kay Ryder na kaswal na binuksan ang pinto ng kotse at inilahad sa kanya. "Sayo ba ang sasakyan 'to?" Nagtataka niyang tanong. Umiling si Ryder. "Hiniram ko." "K—kanino?" "Basta." Mataman niyang tinitigan si Ryder. Nang mapansin nito ang reaksyon niya ay nilapitan siya ng lalaki na may masuyong titig. "Wag kang mag-alala, hindi ko ninakaw yan. I rented this para hindi na tayo mahirapang mag-commute. Ang lola mo ang nagsuhestyon niyan," paliwanag pa nito. Tumango nalang siya bago sumampa sa pick-up. Agad naman iyong pinaandar ni Ryder at binaybay ang daan papuntang bayan. Humito sila sa maliit na mall para mamili ng bagong unan at kumot. "Anong kulay ang maganda?" Tanong ni Ryder sa kanya habang tumitingin-tingin sila sa mga display. "Ikaw nalang ang pumili. Ikaw naman ang gagamit ng mga yan." "But your idea is relevant too." Napalingon siya kay Ryder. Nang makita niyang seryoso ang lalaki sa mga pinagsasabi nito ay napagpasyahan niyang pagbigyan ang binata. "Iyong kulay blue ang maganda," suhestyon niya. Tumango si Ryder at kinuha ang unan at kumot na itinuro niya bago sila lumipat sa ibang bahagi ng mall. Akmang pipihit sila nang makasalubong nila ang isa sa kabaryo niyang tsismosa na si Aling Merly. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Ryder bago malawak na ngumisi. "Aba Malia, hindi mo nasabi na nakapag-asawa ka na pala ng afam! Mayaman na pala kayo!" "P—po? Hindi ko po siya asawa!" Agaran niyang tanggi na mukhang hindi naman siya nito pinakikinggan. "Hello, Sir? Where you from?" Pag-iingles nito sa matigas na paraan. "London," kaswal na sagot ni Ryder na parang sinasakyan ang kaharap nila. Lihim niyang siniko at inilingan ang lalaki. "Pasensya na po pero kailangan na po naming umalis," aniya kay Aling Merly sabay hila kay Ryder palayo. "Who was that?" Tanong nito nang makalayo na sila. "Wala. Wag mo ng pansinin iyon. Bilhin mo na ang dapat mong bilhin para hindi tayo masyadong gabihin sa daan," pag-iiba niya ng usapan. Tumango naman si Ryder. Nilingon pa niya si Aling Merly at nakitang sinundan talaga sila nito at sumilip-silip kung ano ang ginagawa nila. Napailing nalang siya. Sigurado siyang pagkauwi nito ay ibabalita siya ng ginang sa buong barangay nila na may asawa na siyang afam. "May problema ba?" Untag ni Ryder. Tipid siyang ngumiti bago umiling. "Wala. Halika na," aya niya sa lalaki. Matapos nilang makapamili sa mga kagamitan ni Ryder ay nag-aya itong magmeryenda muna sila kaya naman dinala niya ang lalaki sa isang snackhouse na nagtitinda ng waffles at buko halo-halo. "First time mo bang makatikim ng buko halo-halo?" Marahang tumango si Ryder. Napakunot naman ang kanyang noo. "Bakit? Wala bang ganito sa lugar ninyo?" "There is. But I'm not fun of eating sweets kaya hindi pa ako nakatikim ng ganito," paliwanag ni Ryder. Napangiti siya sa naging sagot nito. "Pwes ngayon ang araw na dapat subukan mo'to. Masarap to promise," masigla niyang ani. Unti-unti ring napangiti si Ryder. "If you say so then okay. Susubukan ko." Pinanood niya ang reaksyon nito habang tinitikman nito ang halo-halo. Ilang sandali pa'y napatango-tango na ang lalaki at mukhang nagustuhan nito ang lasa. "You're right. Masarap nga." Malawak siyang napangiti. "Diba. Sabi ko sayo eh," aniya bago inatupag ang kanyang pagkain at hindi na namalayan ang pagtitig ni Ryder sa kanya. Pagkatapos nilang kumain, inaya na niya si Ryder na umuwi. Napatingin pa siya sa mga pinamili nito na nasa likod ng pick-up. Daig pa nila ang bagong mag-asawa na namimili ng gamit para sa bagong bahay nila. Gabi na ng makarating sila sa bahay. Tinulungan niya si Ryder na dalhin ang mga pinamili nito sa kubo kahit pa tumanggi ito. "Thank you for tonight, Malia," anito matapos nilang madiskarga ang mga gamit. "You're welcome, Ryder." "Sige na. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mga yan." Napasulyap siya sa mga gamit nitong nasa labas pa ng kubo. "Sigurado ka?" "Yup. You should rest now. Galing ka pa sa trabaho kanina," tugon nito. Tumango siya at ilang sandali pa'y tinalikuran na si Ryder. Matapos niyang kumain ng hapunan, dumiretso na siya sa kanyang silid para magpahinga. Siguro dahil sa pagod na nararamdaman niya, mabilis lang siyang dinalaw ng antok. Maaga siyang nagising kinabukasan. Agad siyang nag-ayos ng sarili bago lumabas ng silid. Nasa salas palang siya, naamoy na niya ang mabangong aroma ng barako na kape. Mabilis siyang nagtungo sa kusina at nakitang si Ryder ang naroon. Nang makita siya ng lalaki ay agad siya nitong nginitian. "Good morning, Malia." "M—morning. Si Lola?" Tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong kusina subalit hindi niya ito nakita. "Nasa labas siya. Nagdidilig ng halaman," sagot ni Ryder. "Ganun ba? Sige, puntahan ko muna siya," aniya at akmang tatalikod na subalit maagap siyang napigilan no Ryder. "Wait up. Nagluto ako ng breakfast. It's my thanksgiving sa pagsama mo sakin kahapon sa bayan." Ilamg sandali siyang napatitig kay Ryder bago tumango. "S—sige, salamat." Asikasong-asikaso siya ni Ryder habang nag-aagahan sila. Pero imbes na maasiwa ay ginanahan siyang kumain. Sino ba namang hindi kung may pogi kang taga-asikaso at kulang nalang subuan siya. "Hindi ba magagalit ang girlfriend mo na ganito ka ka-maalaga sa ibang babae?" Bigla niyang naitanong. Natigil si Ryder sa pagsubo sabay lingon sa gawi niya. "Wala akong girlfriend." Pinukol niya ito ng nagdududang tingin. "Nagsisinungaling ka lang eh." "I'm not lying." "Sa itsura mong yan wala kang girlfriend?" Hindi makapaniwala niyang sambit. Huminga ng malalim si Ryder bago ibinaba ang hawak nitong kubyertos. "I used to have pero niloko niya ako kaya hiniwalayan ko na," malungkot nitong turan. Tiningnan niya ng maigi si Ryder. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito kahit na sobrang seryoso ng lalaki. May babae pa bang manloko sa lalaking ganito kagwapo. At kahit na hindi pa niya ito lubos na kilala, sigurado siyang may kaya ito sa buhay. "You don't believe me?" Untag nito. Napakurap-kurap siya bago tumango. "Why?" "Dahil hindi naman kita lubos na kilala. Hindi ko alam kung nagsasabi ka ba sakin ng totoo o gawa-gawa mo lang ang mga ikinukwento mo," pagtatapat niya. Napatango-tango ito. "Do you want to know the reason why I am here?" Tumitig lang siya kay Ryder habang hinihintay ang sagot sa tanong nito. Mukhang naiintindihan naman siya ng lalaki kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "The night I found out my girlfriend cheated on me, parang hindi ako makahinga. I suddenly felt like I wanna break free from her. Buong buhay ko sa kanya umikot ang mundo ko because the two of us were promised to marry each other when the right time comes but then that incident happened. I flew away from Manila to clear my mind and now, napagtanto ko na kung bakit nangyari sa amin ang lahat ng iyon," mahaba nitong salaysay habang hindi siya nilulubayan ng tingin. "A—ano sa tingin mo ang rason?" Puno ng kuryosidad niyang tanong. "Dahil hindi ako para sa kanya… at may ibang babaeng nakalaan para sa akin Malia..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD