Kabanata 16

2002 Words
ALLEN POV FLASHBACK Akala ko magiging maayos ang lahat. Simula nang may matuklasan ako kay Dad at sa kaibigan niyang si Wendel, natili tikom ang bibig ko sa mga nangyari noong oras na iyon. At lalo kong hinigpitan ang pananahimik ko nang mmakauwi na si Mom mula sa probinsya. Alam kong may nararadaman siyang pagbabago sa buong bahay simula nang araw na dumating siya at habang lumilipas ang panahon, nagkakalamat na ang mga lihim na tinatago namin. Isang gabi sa isang linggo, hanggang sa naging madalas ang pag-uwi ni Dad ng lasing. Madalas dumidiretso siya sa bahay na na para bang pagod na pagod at wala sa sarili. Minsan pa'y nag-iinom siya mag-isa at bigla nalang magagalit sa sarili. Sa takot ko, hindi ko siya kinikibo. Minsan binabati ko lang si Dad bago at pagkatapos kumain, matapos noon- hindi na ako nagtatakang magbigay ng bagay na pwedeng pag-usapan, lalo na kung tungkol sa kanilang dalawa. Marahil nga sira na ako, alam ko magiging kahihinatnan ng paglilihim ko kay Mom. Pakiramdam ko may pumipigil sa akin, na magsalita- hindi ko alam kung sa takot ko kay Dad, o sa takot ma mawala si Dad sa amin ni Mom. Itong nararamdaman ko, hindi pa matatag at matibay. Magkamali ako ng galaw, alam kong guguho ang pundasyon na ilang taon kong palihim na pagtingin kay Dad. Hindi ako natatakot para sa akin, natatakot ako para sa aming lahat. Siguro nga hindi pa ako handa, o wala pang karanasan. Wala pa akong lakas ng loob para manindigan, at wala pa along matatag na kapit para pumasok sa malalim na relasyon nilang tatlo. Madalas ang kahihinantnan ng ganitong pagtingin, kabiguan. Tulad ng mga nababasa ko sa libro. Habang tumatagal, rumurupok na ang mga tao sa paligid ko. Sa tuwing uuwi ako galing sa laro ng basketball- nadadatnan ko silang nagtatalo sa kwarto ni Dad. Sigawan na para bang wala silang pano patulugin mga kapitbahay. Kahit ganoon, pinilit kong manahimik at hindi makisawsaw sa usapan nila. Wala akong ideya kung paano nagsimula, at wala akong planong alamin kung ano ang dahilan ng pag-aaway nila. Natatakot ako. * * * Gabi na nang makauwi ako galing school, agad kong silang hinanap. Umaasa na wala akong maririrnig na anu mang bagay na pwede nilang pagtalunan. "Mom, Dad, nandito na po ako." "Sa kusina!" sigaw ni Mom. Naabutan ko siya doon na may pinapakuluan habang naghihiwa ng gulay. Binitawan niya agad iyon at saka lumapit sa akin at niyakap ako, "Kamusta na enrollment? Napili mo naba ang kurso na gusto mong kuhain?" tanong niya sa akin na may kasamang pait mg ngiti. Bigla akong nakaramdam ng matinding kunsensya. Nakakatakot ang ganitng pakiramdam. Pinilit kong ngumiti, "Yes Mom, medyo madaming tao, mahaba din ang pila since first day ng enrollment." masaya kong sambit sa kanya. Pagkakalas niya sa yakap, inabot ko sa kanya ang envelop ng schedule ng pasok ko. Nabigla siya nang makita ang laman ng envelop, "Anak sigurado kana ba talaga dito?" tanong ni Mom, tumango ako sa kanya. Siguro, hindi iyon ang inaasahan niyang kurso na kukunin ko. Tinapik ni Mom ang braso ko at, "Allen, wala namang problema kung anong kurso ang gusto mo kunin basta masaya ka sa ginagawa mo- masaya narin ako. Siguraduhin mo lang na mag-aaral ka ng mabuti. Regalo mo na sa akin iyon." Kahit papano gumaaan ang nararamdaman ko, "Thanks Mom.." saka niya ginulo ang buhok ko. Habang natatanaw ko ang ngiti sa labi niya sa sata para sa akin, lalong bumibigat ang kunsensya ko. Pambihira. Inayos ko ang sarili ko at saka bumalik si Mom sa paghihiwa ng gulay, "Oo nga po pala, akala ko po ba kasama mo si Dad ngayon? Hindi po ba mag go-grocery?" Bigla nalang natigilan si Mom sa paghihiwa at mang mga oras na iyon, natahimik ang paligid naming dalawa. "Mom- may... problema po ba?" Kasabay ng mabigat niyang bugtong hininga ang pilit niyang ngiti, "Ahh, nako wala 'to anak. Pagod lang ako. Siguro nagpapahinga ngayon ang Dad mo-" Lumapit ako kay Mom, ngayon ko lang napansin nagmumugto na ang mata niya, "Nag-away na nan po ba kayo ni Dad?" nilayo niya ang tingin sa akin. "Hindi anak-" umiwas siya ng tingin sa akin at saka pumunta sa ref na para bang may kukunin. "Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis, matapos noon ibaba mo agad mga damit mo dito para malabhan ko bukas." Hindi na ako bata para hindi ko mapansin ang pagpunas ng namumuong luha sa mata. Pinumasan niya gamit ng kanyang braso. Matapang si Mom, pero sa kapag tahimik siya- doon na lumalabas ng gaano siya kahina. Isa narin iyon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon binabagabag ako ng konsensya ko. Hindi ko kayang makita si Mom na nasasaktan. Paniguradong magkakagulo kung dsdabihin ko da kanya, at ayokong masira ang pamilya namin. Kita sa kanya ang mapait na ngiti nang lapitan ako at tapikin ang buhok ko, "Anak, wag ka nang masyadong mag-isip ng iba. Magpahinga kana doon sa kwarto mo, anong oras na din." Matapos noon, marahan niya akong itinulak palabas ng kusina. Hands up, "Okay- okay Mom, sabi mo po. Aakyat na po ako sa kwato, magbibihis ako. Ako na bahala sa hugasan." sambit ko kay Mom. Doon ko lang nasilayan ang matamis niyang ngiti. "Salamat Anak." masayang sambit ni Mom. Gaya ng sabi ni Mom, umakyat ako ng kwarto ko para magbihis. Medyo amoy pawis na rin ako. Pagkatapos ko magpalit, naisipan kong silipin si Dad sa kanyang kwarto pero- Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina. "Mom- si Dad wala po sa kwarto n'ya?" Kita din kay Mon ang pagtataka, "Kanina nandiyan lang siya. Baka lumabas habang nagluluto ako-" Kinuha ko ang tsinelas ko at, "Labas po muna ako Mom. Hanapin ko lang po si Dad, may tatanong po ako sa kanya." "Anong oras-" "Ayos lang Mom. Wag ka po mag-alala sa akin, marami akong tropa sa kanto. Hindi ako masyado lalayo." pagmamalaki ko sabay flex ng braso ko. Palabas na sana ako nang biglang may nag doorbell. "Si Dad na po ata iyon?" agad na hinubad ni Mom ang apron niya at saka siya nagmadaling lumapit sa pinto. "Teka lang, ako lang magbubukas ng pinto. Baka kung sino-" pagbukas ni Mom ng pinto, iba ang inaasahan niyang nakitang bisita. "Magandang gabi po." matapos noon, nagbow siya kay Mom. Mukang pamilyar ang muka niya, may halong intsik tulad sa kaibigan ni Dad. Masayang binati ni Mom ang tao sa tapat ng pinto, "Wilbert? Ikaw na bayan?" "Opo ako nga po. Pasensya na po kung biglaan po ako pumunta dito." "Ano ba ayos lang. Pumasok ka na muna at baka mahamugan ka d'yan." Hinila niya ang bisita niya papasok sa loob ng bahay. Mukang magkakilala sila ni Mom ng ganon ka tagal. Wala akong tiwala sa lalakong ito, may hindi ako magandang pakiramdam sa kanya o wala lang talaga akong tiwala sa mga taong pumapasok dito- kahit gaano ko pa kakilala. Ewan. "Maraming salamat po." pagpasok niya ng bahay, nagtagpo ang mata naming dalawa, "Siya na po ba si Allen?" tanong niya kay Mom. "Ahh oo, siya na nga. Allen, siya si Kuya Wilber mo. Kaibigan ng Dad mo- Batchmate ko din noong 1st year ako. Oo" paliwanag ni Mom. Kaya pala kumportable si Mom sa taong 'to. May pagkakahawig sila ni Wendel, para silang magkapatid. "Nga pala, mamaya na tayo nag kwentuhan. Maupo ka muna d'yan sa sofa, sakto ang dating mo at kakaluto lang ng hapunan. D'yan ka muna, babalik ako." masayang sambit ni Mom habang nananakbo sa kusina. "Salamat po." "Ano ba 'yan, wag mo na ako i-po. Masyadong pormal, dalawang taon lang naman ang agwat nating dalawa. Wag ka mag-alala, darating na si Steven anu mang oras." sigaw pa ni Mom. Nagbow siya at, "Maraming salamat po sa inyo." rinig sa kanya ang pagiging hapones. Nang maupo na siya, napansin kong may stethoscope na nakaipit sa zipper ng bag niya. Mukang isa siyang doktor. May pagkakahawig silang dalawa ni Wilbert pero sa dating- mukang mas disente at malakas ang dating ng isnag 'to. Anong ginagawa ng isang doktor dito ng biglaan? sa ganitong oras? Hindi mawala sa isip ko na may kinalaman ito sa kanila ng kaibigan niya at ni Dad. Nang makapunta na si Mom sa kusina, agad kong tinanong ang bisita niya, "Pasensya na po, nakocurious ako. Mukang may kamuka ka, kaibigan din ni Dad-" "You mean Wendel? He's my little brother." sagot niya, para bang hindi pa siya kumportableng makipag-usap. Kailangan may malaman ako sa kanya, o sa kapatid niya. Malakas ang pakiramdam ko, hindi siya pupunta dito ng walang dahilan. "At Isa ka pong doktor." pag-uusisa ko pa sa kanya. Mukang nakaramdam na siya sa prisensya ko. "Ahh, yes nakalimutan kong magpakilala sayo ng maayos. Wilbert Ohms, Urologist." pakilala niya habang nakangitim "Bakit pakiramdam ko nasa interrogation room ako." sabay tawa niya. Hindi ako kumibo, pinakiramdaman ko lang siya at tintignan ng seryoso. "Sorry, medyo matanong po ako." Huminga siya ng malalim, "No worries, sanay na din naman ako. To be straight, kailangan ko na ng makita ang kapatid ko kaya ako nagpunta dito." para sa kapatid niya? Para saan? "Masyado na siyang nalalapit kay Steven, at hindi na nagiging maganda ang resulta..." Ibig ba sabihin tama ang pakiramdam ko? Nang may iba pang nangyayari sa dalawa ni Dad maliban sa nakita ko sa kanila? Ang akala ko, lasing lang si Dad ng panahong iyon kaya may nangyari sa kanilang dalawa- Natigilan nang sitahin niya ako. "Base sa reaksyon mo, mukang may nalalaman kana tungkol sa kanilang dalawa." seryoso niyang sambit habang nakatingin sa akin ng seryoso. Shit, nahuli niya ako, "Ano po bang problema? May kailangan po ba dapat akong malaman?" lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magtanong ako sa kanya. Lalo pa akong kinabahan nang tumingin siya ng seryoso sa akin at. "Should i trust you?" tanong niya sa akin. "Di ba dapat ako magsasabi n'yan?" seryoso k9ng sambit sa kanya. Bigla nalang siyang humagikgik. "I didn't know na lumaki ang anak ni Steven na matalino." sambit niya. "Kung may gusto ka pang malaman tungkol sa kanilang dalawa, why don't you consider to visit my office." matapos niya sabihin igon, inabutan niya ako ng business card. Tumayo siya sa upuan at saka inayos ang sarili. Sakto naman dumating si Mom may dalang tray laman juice pitcher at baso. "Wilbert, aalis kana ba agad? Dito ka na magdinner, parating narin naman si Steven." "Maraming salamat po sa pagjost sa akin, pero kailangan ko na pong bumalik sa clinic- may emergency." wika ni Doc Wilbert sabay bow niya kay Mom, "Salamat po sa oras, ganoon din po kay Allen. Matalino siyang kausap, marami akong natutunan sa kanya sa kwentuhan namin. Hindi ba Allen?" "Y-yeah.." "Ganoon ba. Sa susunod dumalaw ka ulit, ipaghahanda na kita ng masarap na dinner." "Maraming salamat." sabay bow niya. Hinawakan siya sa braso ni Mom at saka kinausap. "Wag ka na magbow, lalo akong tumataanda n'yan. Sayang naman, hindi pa tayo nakakapag-usap ng matagal. Hindi mo pa naabutan si Steven." malungkot na sambit ni Mom. Hindi umuwi si Dad at nagsisimula na ako magduda. Biglang ginulo ni Mom ang buhok ko, "Pasensya kana sa anak ko ah, hindi siya sanay na may bisita kami kaya ganyan siya kausisa.." Argh, nai-special mention pa ni Mom. Natawa lang si Wilbert. "No worries, may susunod pa pong araw pa po para makausap si Steven. Available po ako anytime, tawagan n'yo lang po ako." sabay kamot ng batok. Ginagamit niya kay Mom ang ngiti niya, pambihira. "Kay bait mo talagang Wilbert." parang pabebe pa si Mom. Jusko po. "Mukang may pag-uusapan pa kayong dalawa ni Allen. Maiwan ko na kayo, amoy sunog na ang niluluto ko." mabuti nalang umalis na si Mom pabalik sa loob ng kusina. Kaming dalawa nalang naiwan. Kasunod noon ang pagbago ng ekspresyon ng muka niya. "Kapag nakita mo siya, sabihin mo agad sa akin. Ayoko na may iba pang taong mapahamak sa katangahan niya." sseryosong sambit niya sabay talikod sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita sa kanya, namanhid ang binti ko sa nerbyos at nakakapit lang ako sa pader na sinasandalan ko ngayon. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko sa prisensya niya o sa bagay na napag-usapan naming dalawa. Bago pa siya umalis, may palaisipan pa siyang iniwan sa akin, "Tapos na akong makipag maglaro sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD