Kabanata 17

2360 Words
ALEN POV FLASHBACK Masaya naman kami noon, kahit may tinatago akong lihim na pagtingin kay Dad— kailan man hindi ako nag tanim ng matinding inggit kay Mom. Na para bang nasaayos ang lahat— kahit hindi ako normal. Mawawala din naman 'tong nararamdaman ko kapag lumipas na ang panahon. 'Yun sana ang maging takbo ng kwento ko. Nagkamali ako. Nabago ang lahat nang dumating si Wendel, ang matalik na kaibigan ni Dad at ni Ate Monica. Nang minsang tanungin ko si Ate Monica, tungkol sa kanilang tatlo— si Wendel daw ang pinakamatino sa kanila, walang sinabi kung saang aspeto siya matino pero hindi maganda ang dating niya sa akin. Ang hindi ko alam, siya din pala ang sisira ng pamilyang binuo ng mga magulang ko. Nakatangap ako ng balita na bumago sa takbo ng istorya ng buhay ko. Unang araw, matapos ang klase sa kolehiyo mabilis akong nanakbo pauwi nang makatanggap ko ang text message mula kay Sir Wilbert. Ngunit pagdating ko sa bahay, wala na akong nadatnan maliban sa mga gamit na nagkalat at bakas ng dugo sa hagdan. “Anong nangyari dito...” tanong ko sa sarili ko habang unti-unting nabubuo ang nakakatakot na ideya sa utak ko. Parang lalabas ang puso ko nang mga panahong iyon, nanalangin na sana mali ang hinala ko, na Sana hindi totoo ang mga naiisip ko. Ilang saglit pa, nakatangap ulit ako ng text message na nagpahina sa tuhod ko. Ang isip at katawan ko umulutang habang nananakbo papunta sa hospital. Nagiging blangko na ang lahat at daan na dinaraanan ko, malabo. Hindi ko na alam kung ano bang dapat na maramdaman ko kung sakaling magtugma ang mga hinala ko. Sana hindi iyon totoo. Sana walang nangyaring masama sa kanila. Lalong bumibigat ang mga hakbang ko habang nanakbo ako sa emergency room. Nanghina nalang ako nang makita ko si Dad na nakaupo sa bench malapit sa pinto ng Emergency Room kasama ang kaibigan niya, si Wendel. Hindi 'to maari 'to. Ninenerbyos ang binti ko habang palapit ako sa kanila, “Dad.. anong nangyari..” tanong ko. Lumingon si Dad sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata. Ang kanyang noo may benda at ang kanang braso, may supporter. Hindi siya sumagot, hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko, “DAD ANONG NANGYARI KAY MOM!” imbis na bigyang linaw ang tanong ko, sinabunutan niya ang kanyang buhok at saka yumuko sa harap ko, “Hindi ko alam. Wala ako kasalanan...” Kumapit ako sa braso niya at, “DAD! ANONG HINDI MO ALAM? HINDI BA MAGKASAMA KAYONG DALAWA?!! ANONG NANGYARI KAY MOM!! PAANONG HINDI MO KASALANAN?!” buong lakas kong sigaw, wala akong pake kung nakapako ang tingin nila sa akin. Natigil nalang ako nang namalayan kong lumuluha na ako sa harap ni Dad. Kaasar. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko! Gusto ko nalang sapakin si Dad sa inis pero hindi ko magawa! Hindi iyon itinuro sa akin ni Mom pero ang mga sagot niya sa akin, hindi ko matangap. Hindi niya gustong makita na nagkakaganito ako. Nakakainis talaga. Nabigla nalang ako nang may humawak sa balikat ko, “Allen—” wika ni Wendel. Agad kong tinabig ang kamay niya palayo sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka siya kinuwelyuhan. Pwersahan kong isinandal sa pader, “Ikaw, anong ginagawa mo dito? Hanggang dito ba naman magkasama parin kayo ni Dad?! Wala ka na talagang pinipiling lugar!” sa galit ko, hinigpitan ko pa ang pagkakakwelyo habang nakakapit ang kamay niya sa kamao ko. Ngumisi ako sa kanya, “Kapag hindi ka sumagot, pipingasan ko yang muka mo— may kinalaman ka ba sa nangyari dito ngayon?! Sagot!” “Tumigil ka— Allen— acckk! Nandito ako para damayan si Isko.” nagdilim na ang paningin ko sa sinabi niya. Gusto kong pumatay ng tao. “Allen tumigil ka na.” sigaw sa akin. Pati ba naman si Dad kinakampihan ng gagong 'to?! Lalo ko pang hinigpitan ang kamay ko, lumuwag ang turnilyo ko sa utak sa sinabi ni Wendel, “Damayan? TANGINA KA HINDI PA PATAY SI MOM!” Akmang bibigwasan ko na siya sa muka nang may kumapit ulit sa braso ko. Paglingon ko, “Tumigil na kayo dalawa. Malaking eskandalo na ang ginagawa ninyo.” “Sir Wilbert—” Kinuha niya ang kamao ko at saka umilimg sa akin Wala na akong choice kundi bitawan ang kaibigan ni Dad. Naghahabol ng hininga, kulang pa iyan sa pagiging mapapel niya. “Kumalma ka muna. Hindi makakatulong ang pagpa-panic mo.” Matapos niya sabihin iyon, pakiramdam ko unti-unti na akong dinapuan ng panghihina nang buong katawa. Sa isang iglap, nadrain ang lakas ko at naupo nalang ako sa bench malapit kay Dad. “Tangina...” “Nandoon ako nang mangyari ang aksidente. Nahulog ang Mom mo sa hagdan, napuruhan ang ulo niya. Agad namin siyang dito.” paliwanag ni Wilbert. Nanghina nalang ako at napabitaw sa kaibigan ni Dad. Sa inis ko nasuntok ko ang pader habang nakasandal ang noo. “Don't worry, kaibigan ko ang nag-aasikaso ngayon sa Mom mo. Nakakasigurado ako na makakatangap ng magandang treatment ang Mom mo habang nandito sa hospital.” “Salamat Wilbert. Sorry sa lahat.” bulong ni Dad habang nakayuko. Inabutan lang siya ng supot nito at saka naupo sa bench. “Walang problema Steven. Sa ngayon kailangan mo munang magpahinga, hindi maganda ang kalagayan mo. Wendel, kumain muna kayo, nasa backseat ang ibang binili kong meal. Wendel, kuhain mo muna para makakain kayo.” matapos iyon sabihin ni Wilbert, tahimik na umalis si Wendel. Hindi ko siya inalisan ng matalim na tingon hanggang sa makalayo sa amin. “Gagaling agad siya, hindi ba?” tanong ko ko kay Sir Wilbert. Nayanig ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Sir Wilbert, “You have to prepare your self. Hindi magiging madali ang laban ninyo.” “Ano pong ibig ninyong sabihin?” ang takot sa kaba ko, nag-uumapaw na. Anu mang oras magco-collaps ang tuhod ko. Natigil ang usapan namin nang may doktor na lumabas sa ER. Agad na lumapit si Wilbert. “Doc, ano nang balita sa pasyente?” Tanong ni Sir Wilbert sa doktor, nagkatinginan lang sila. Parang lumundag ang dibdib ko nang magsalita ang doktor. “Pwede ko ba makausap si Mr. Vasques?” Agad na tumayo si Dad nang tawagin siya. Lumapit siya sa doktor at, “Doc, ano pong lagay ng asawa ko? Nasa ayos na po ba siya? Doc, gagaling agad asawa ko hindi ba? May pangbayad po kami, pakiusap hanggat maari po sana suportahan ninyo ng asawa ko hanggang sa makakaya ninyo. Hindi ko kaya— mawala siya...” Hindi maganda ang reaksyon ng doktor at hindi ko gusto iyon, “I'll be straigh forward, hindi maganda ang lagay ng patient. Masama ang head injury na natamo, at ayon sa CT Scan, meron siyang brain hemorage— sa left-side part of brain, may may internal bleeding kaming nakita.” Bawat salitang binabangit niya, pakiramdam ko humihina buong sistema ko. Matapos noon may lumapit ang nurse at may inabot na papel at ballpen kay Dad. Mali itong mga naririnig ko, panaginip lang ito. “No Doc, hindi ko po pipirmahan 'yan. Hindi po iyon totoo hindi po ba? Gagaling pa ang asawa ko.” wika ni Dad habang hawak ang papel. “Sorry Mr. Vasaues, pero maliit na chances ang meron ang asawa ninyo. Kung makasurvive siya, posible na macomatose siya or worst, brain dead. Ang maipapayo ko lang sa inyo, ihanda ang sarili.” “No Doc, please, gawin ninyo ang lahat.” Huminto ang lahat nang may tumawag sa doktor na nurse. “Doc, please— ang asawa ko...” doon na nagpanic si Dad. Lumapit ang Doktor kay Wilber at, “Ikaw na bahala sa kaibigan mo. Maiwan ko na muna kayo.” matapos sabihin iyon ng doktor, iniwan na kami. Habang palayo siya, unti-unti nang gumuguho ang pundasyon ng pamilya namin. * * * Dumating na ang kinatatakutan ko. Ang makita siyang nakahiga si Mom habang may nakatirik na kandila at mga bulaklak sa tabi niya. Masakit man makita si Mom sa ganoong sitwasyon, wala akong ibang pwedeng gawin, hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang mag nangyayari. Ang hindi ko matangap, wala akong ideya kung paano nagsimula lahat, at kung paaano ulit kami magsisimula. Lahat kami dito, puyat— tatlong araw nang hindi maayos ang tulog kasama ang iilang kamag-anak ni Dad at kaibigan ni Mom. Abala lahat at tahimik sa mga nangyari, ni isa walang gustong nagkwento o magsalita. Para akong nasa simenteryo, maramin taong nakapaligid m pero sobrang tahimik. Lahat ng nandito, nakikisimpatya— nabigla. Nasasaktan ako sa mga nangyayari, mabigat ang loob ko at punong puno ako ng sama ng loob na nararamdaman kay Dad at sa kaibigan niya. Pero pinipilit ko parin magpakatatag, hindi gusto ni Mom na nakikita akong umiiyak— lalo ayaw niyang makita na nagtatanim ako ng sama ng loob. Hindi niya magugustuhan iyon. Abala ako sa mga bisita, pag-aabot ng mga makakain at inumin. Habang si Dad, tahimik at balisang-balisa habang umiinom ng beer, wala sa sarili at nakatitig lang sa kabaong na para bang sumisilip sa kabilang mundo. Wala ni isa ang gustong kumausap sa kanya, o magtanong kung ayos lang ba siya. Maski ako, nakakaramdam ng kaba sa tuwing dadaan ako sa harapan niya at mawawala siya sa konsentrasyon na pananahimik niya. Mabuti nalang nandito si Ate Monica para tulungan ako sa pag-aasikaso sa mga bisita. Nabigla kami nang may dumating na pamilyar na tao habang naglalakad palapit kay Dad na may kasamang mga naglalakihang tao sa likod niya. Ang takot ko, nag-uumapaw. Hindi ko inaasahan ang bisita namin ngayon, ang Dad ni Mom, ang lolo ko. “Anong ginagawa mo dito.” seryosong tanong ni Dad habang nakatingin parin sa kabaong. Lalapitan ko sana sila nang bigla akong hilain ni Ate Monica palapit sa kanya. Sumenyas siya na wag lumapit sa kanila. “Babawiin ko na ang anak ko.” seryosong sambit ni Lolo. Hindi ko inaasahan na may kasama siyang mga malalaking, at gusto nilang kunin si Mom! “Umalis na kayo, wala kayong mapapala dito.” hindi parin humaharap si Dad at patuloy lang sa pag-iinom. Unti-unting nababawasan ang mga bisita sa takot na baka madamay sila. Dahil ang mga taong sumugod dito sa burol ni Mom ay mga armado ng baril. Nabigla kami nang ihagis niya ang bote ng alak kung saan. Lahat kami dito sa chapel nakuha ang attensyon nila, “Kung alam kong mangyayari sa kanya 'to sana hindi na namin siya ipinaubaya sa walang kwentang tao.” Lumingon si Dad na may matalim na tingin kay Lolo, “Unang una wala kayong pinaubaya dahil sa simula palang umalis na siya sa puder ninyo!” “Wala na akong pakielam sa mga sasabihin mo, sa ayaw at gusto mo. Kuhain na ang anak ko—” pagkasenyas niya sa mga kasama niya. Sisenyas na sana si Lolo nang bigla nalang tumilapon ang bangko sa harap ni Dad nang sipain niya. Ngayon ko lang nakita si Dad na sobrang magalit. “Wala kang karapatan magsalita sa asawa ko na itinaboy mo muna palayo. Tatay ka lang niya, asawa niya ako.” sigaw niya. Kahit anong tapang ni Dad, natapatan iyon nang tutukan siya ng baril sa noo. Nagtakbuhan ang mga tao dito palabas ng bahay. “Tama ka, asawa ka lang niya. At ako parin ang magdedesisyon kung saan siya mapupunta ang anak ko.” “Tama ka, asawa niya ako at kasal kami. Wala ka nang katapatan sa kanya dahil simula palang, ipagtabuyan mo siya sa tinuturing mong mansyon. Ama kang naturingan pero kung itrato mo ang asawa ko parang isang laruan!” “Hayaan n'yo lang dumaldal ang taong ito. Kuhain n'yo na ang kabaong—” natigil nalang kami nang biglang sapakin ni Dad si Lolo. Agad siyang tumilapon palayo pero nalalayan agad ng mga kasama niya. Lalapit sana sila nang kinuha niya ang barag na monoblock akmang panghampas niya, nasuktok siya ng bodyguard na kasama ni Lolo. “Dad!” pagkasigaw ko, nagtagpo ang mata namin ni Lolo at kita ang galit sa kanya. Hinila ako ni Ate Monica at... “Shhhh! wag ka nang lumapit sa kanila—” “Pero...” Kita sa mata ni Dad ang sobrang inis habang patayo na siya, “Wag mong hintayin na makapatay ako ng hayop na tulad mo! Para saan itong ginagawa mo? Para malinis mga kasalanan mo sa kanya? Pweh! Wag kang maghugas kamay sa harap ng libing ng anak mo, nakakadiri ka!! Habang buhay ka niyang dadalawin hanggang sa siya na mismo ang sumundo sayo!” Tanaw ang matalim na ngisi ni Lolo, “Hindi ko akalaing sayo mangagaling ang mga salitang iyan. Dami ko nang nasasagap na balita tungkol sayo. Alam nating hindi na masaya ang asawa mo sayo, dahil sa kabaklaan mo.” nabigla ako si Dad kay Lolo— “GAGO KA!” susugod na sana si Dad nang nanakbo na kami ni Ate Monica para pigilan si Dad. Kahit papaano nakontrol pa namin ang galit ni Dad kahit nagpupumiglas na siya. “Bitawan n'yo ko! Tangina mong matanda ka! Lumapit ka dito dudurugin ko 'yan ang muka mo! Arrgh!!” natigil kami nang tutukan kami ng baril ng mga kasama niya. “Arrggh mga walang silbi! Sisiguraduhin kong kakain kana ng alikabok matapos nito— magpakasaya kayo na kasama ang anak mo.” hindi pa tapos magsalita si Lolo, dinuraan siya sa muka ni Dad. “Makatapak ulit kayo sa pamamahay ko— pupugutan na kita ng ulo!!” sigaw niya habang nagpupumiglas, hindi ko na kaya ang lakas ni Dad. Mabuti nalang umalis na si Lolo kasama ang mga bodyguard niya. Wala din naman masyadong nabanggit si Mom tungkol kay Lolo— hindi ko akalaing ganoon nalang ang galit niya Dad sa kanya. Nang sumenyas si Ate Monica, nanakbo agad ako para abutan ng tubig si Dad. Nang makainom na, agad niyang ibinato iyon sa malayo at saka nagkabasag basag. Nagmadali na akong kuhain ang dustpan at saka walis para linisin ang mga nagkalat na bubog. “Gosh! Steven! Ano bang nangyari sa inyo? Sa harap pa talaga ng burol ng asawa mo! Wag mong kalimutan na may anak ka pa. Sa tingin mo ba matutuwa ang asawa mo na makita kang ganyan? Ayusin mo ang sarili mo!” inis na sambit ni Ate Monica. Mabuti nalang nagiging kalmado manermon si Ate Monica. Sanay na dapat ako, pero bakit hanggang ngayon mas nasasaktan ako kumpara noon? “Gusto nilang kunin ang asawa ko. Bwisit talaga. Kasalanan niya 'to. Tangina niya. Arrgggh! Wag siyang magpapakita ulit dito, baka mapatay ko siya. Mapapatay ko siya.” nagingitngit na si Dad sa galit. Kasalanan? Wag magpapakita? Sino? Wag niyang sabihin... Natigil si Dad nang marinig ang pamilyar na boses, “Isko...” ang kaibigan ni Dad. Sa reaksyon ni Dad, namumula na siya sa galit. “Wendel...” sambit ni Ate Monica. “Ikaw.” sambit niya habang nagngingitngit sa inis. “Bakit ka nandito—” “Pwede ba tayo mag-usap? tayong dalawa lang.” hindi maganda ang pakiramdam ko sa usapan nilang dalawa. Kaya naisipan kong sundan silang dalawa ng palihim. Halos lumuwa ang mata ko sa mga nasaksihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD