9

1285 Words
“NAWAWALA si Charity,” balita ni Eve kay Maxine. “Nawawalang paano? Linawin mo. Nakakanerbyos ka naman,” sabi niya. Pumunta siya sa Romantic Events para dalhin doon ang album at portrait ng kasal na kinober nila noong isang linggo. “Namundok. Noon pang kasal ni Faith namomroblema ang taong iyon.” “Lalaki?” “Yes. Magbabakasyon na daw muna siya. But I have a strong feeling, pagbalik niyon, mag-aasawa na.” Ngumiti siya. “Marunong ka rin palang manghula,” tudyo niya. “Hindi naman. Nagkataon lang na malakas ang kutob ko pagdating sa mga wedding girls.” “Talaga, ha? Eh, sa amin ni Julianne, sino sa palagay mo ang mauuna?” Tinitigan siya ni Eve. “Ikaw.” Lumuwang pa ang ngiti niya. “Kung sakali, ngayon ka pa lang magkakamali ng kutob.” “We’ll see,” sagot lang nito. “Oo nga pala, sa Sabado, sa bahay ka na mag-dinner. Tinawagan ko na ang iba pang wedding girls. Get-together natin iyon.” “Bakit?” “Anong bakit? Di ba’t dati naman natin iyong ginagawa? Saka treat ko na rin iyon sa inyo. Maganda ang pasok ng negosyo natin nitong last quarter.” “Okay. Basta may lengua estofado, ha? Paborito ko iyon.” “As you wish.” ***** “MAX, may lakad ka ba sa Sabado?” tanong sa kanya ni Xanderr. “Bakit?” sagot niya na patanong din. Kilala niya ang linyang iyon ng binata. Tatanungin muna siya kung may lakad siya upang kapag sinabi niyang wala, kapag inaya siya nito ay hindi na siya makatanggi pa. Palihim siyang naabuntung-hininga. Bakit ba kasi basang-basa niya ang mga kilos nito. “Basta. May lakad ka ba?” Sabi na nga ba niya, eh. Pipilitin muna siyang pasagutin ni Xanderr bago nito sabihin sa kanya ang pakay nito. “Inaaya ako ni Eve na mag-dinner sa bahay nila. Treat niya iyon sa mga wedding girls dahil marami kaming naging project this last quarter.” “Huwag ka nang sumama. Sa amin ka na lang sumama.” “Sinong amin? Sinong kasama mo?” “Ang mommy ko saka ang mommy mo. I think si daddy mo kasama na din kasi in-invite siya ni Mommy. Nasa barko si Daddy, dapat nga sana kasama din siya, eh.” “Saan nga ang lakad?” inip na tanong niya. “Mamamanhikan na kami kina Agatha.” Hindi siya agad nakapag-react. Pakiramdam niya, nawalan ng kilos maging ang maliliit na himaymay ng laman niya. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Alam naman niyang may balak na itong mapakasal. O sinadya niyang iwaglit sa isip ang posibilidad na iyon dahil niya iyon matanggap. “Sa amin ka na sumama. Minsan lang naman ito,” aya pa nito sa kanya na may kahalong lambing. Sa wari ay walang nahalata sa pagkatigagal niya. “N-nakakahiya naman kay Eve. Nag-confirm na ako sa kanya. Alam mo namang kapag nakatango na ako, hindi ko na iyon binabawi.” “Ikaw naman, parang wala tayong pinagsamahan. Ikaw pa nga ang balak ni Agatha na kuning maid of honor nang ikuwento ko sa kanya kung gaano tayo ka-close.” Napangiti siya nang mapakla. “Ako ang maid of honor? Ni hindi nga kami nagkakakilala pa.” “Magkakakilala rin kayo. And I’m sure, magkakasundo din kayo.” I don’t think so, sagot niya na hindi naman isinatinig. “W-wala pa kayong isang buwan, di ba? Are you sure, magpapakasal ka na?” sa halip ay sagot niya dito. “Sabi ko nga sa iyo, eh. In a week or two, aayain ko na siyang magpakasal. We love each other. Sigurado na kami sa isa’t isa. Hindi ba’t iyon naman ang pinakaimportante?” “Sinabi mo, eh,” pabuntong-hiningang sagot niya. “Sumama ka sa Sabado, ha?” “Xanderr…” “I won’t take no for an answer,” wika nito. Hindi na lang siya kumibo. Sa loob-loob niya, magkasakit sana siya sa Sabado. ***** NAGKASAKIT nga siya. Biyernes pa lang ay nagising si Maxine na masakit ang buong katawan. Kahit ang anit niya ay mahapdi nang magsuklay siya. Ni hindi niya nagawang lumabas man ng silid. Painot lang na nilinis niya ang kanyang sarili at muling bumalik sa kama. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya na nagkasakit nga siya. Hindi naman niya iyon sinadya. Nagkataon lang marahil na habang nagpapalit siya ng gulong kahapon ay saka biglang bumuhos ang ulan. Nasa open area pa naman siya kaya wala siyang masilungan. Isa pa, patapos na rin naman ang pagpapalit niya ng gulong kaya talagang nagpakabasa na siya. Pagod na pagod pa naman siya ng mga sandaling iyon.  Nang pauwi siya, nagsimula na siyang magbahing nang sunod-sunod. Naligo siya agad kagaya ng nakasanayan niyang maligo basta nabasa ng ulan. Nakabihis na siya nang maramdaman ang p*******t ng ulo. Sa halip na kumain, natulog na lang siya. Nang magising siya ngayon na masama ang pakiramdam niya, hindi na rin siya nagtaka. “Ano ang nangyayari sa iyo?” may pag-aalalang tanong sa kanya ng mommy niya nang puntahan siya nito. “Parang may trangkaso ako.” “Kaya mo bang magbihis mag-isa? Dadalhin kita sa ospital.” “Huwag na. Dalhan mo na lang ako dito ng breakfast, please?” “Okay. Anong almusal ang gusto mo?” “Kahit ano. Basta may kasamang fresh milk.” “Dadagdagan ko, ha. Hindi ka naghapunan kagabi. Akala ko naman pagod ka lang kaya hindi mo na ginalaw yung itinira kong ulam sa iyo.” Daddy niya ang may dala ng tray ng pagkain ng iakyat iyon. “Hija, may gamot na rin diyan. Pagkakain mo, inumin mo para huwag nang lumala iyang trangkaso mo,” anito. “Ano, susubuan pa kita?” Umiling siya. “Ako na lang. Daddy, para naman akong bata niyang para subuan pa. Bakit kayo pa ang nagdala? Hindi ba’t may pasok kayo ngayon?” “Gusto muna kitang silipin dito. Are you sure, hindi ka magpapadala sa ospital? Ako na magdadala sa iyo doon.” “Lagnat-laki lang siguro ito, Dad,” pabirong sagot niya pero napangiwi nang magsimulang sumubo. Pati panga niya ay masakit kapag ibinubuka niya. “Kulang ka lang siguro sa love life, anak,” tudyo naman nito. “Puwede ba, Dad? May sakit na nga ako, nang-iinis ka pa.” “Nakakainis ba iyon?” nakangiting sabi nito. “Hija, siyempre, nasasabik din kami ng mommy mo na magkaroon ng apo.” “Yeah, I know.” “Do you have any plan of doing something about it?” “Bigyan kayo ng apo?” ngisi niya. “Maxine, you know how much we love you. Mapabuti ka man op mapasama, we will still love you. Kaya lang, mas maganda kung mapabuti ka, di ba?” makahulugang sabi nito. “Yes, dad. Pero pasensya ka na. Right now, hindi pa kita mapagbibigyan.” “Mamamanhikan na pala si Xanderr bukas. Pati nga ako ay isinasama ni Rebbie. Naaalangan naman ako dahil hindi ako ang mismong tatay. Kaso tumawag din si Pare. Ako man lang daw ay makasama sa okasyong iyon dahil nga nasa barko pa siya.” Parang mas lalagnatin pa siya sa narinig. “Ikaw kaya, kailan naman may mamamanhikan dito sa atin?” Narinig na lang niyang tanong nito uli sa kanya. “Hay, naku! Dad, ang masasabi ko lang not in the near future.” “Pero hindi naman siguro imposible, anak?” may pag-asam sa tinig nito. Hindi niya kayang biguin ang mga magulang. Kahit nas a mga oras na iyon wala siyang kabalak-balak. Ngayon pa bang ikakasal na sa iba ang tanging lalaki na mahal niya? “I guess so.” sagot na lang niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD