15

1152 Words
MALAKAS ang halakhak ni Maxine. Kung hindi man nakikipagsabayan ay mas nangingibabaw pa ang halakhak niya sa iba pang naroroon Minsan, siya pa ang mismong nagbabato ng joke sa ibang babaeng kasama nila sa bridal shower na iyon. Pero ampaw ang kalooban niya. Hangang-hanga nga siya sa kanyang sarili sapagkat hindi niya akalain na magagawa niyang magkunwari nang ganito. Napaka-plastic mo, girl. Ooops, not that term. Best actress. Yes, wagi kang best actress, tuya niya sa sarili. “Akala ko ba, pag bridal shower mayroon ding lalaki? Dapat ganu’n, di ba? Bakit ang stag party ng groom to be, may babaeng nasa malaking regalo? Unfair naman kapag walang lalaki dito,” pa-kengkoy pang sabi niya. “Huwag na. Seloso si Xanderr. Baka pag-awayan pa namin,” sabi ni Agatha. “Agatha, alin ba dito ang kasukat ni Xanderr?” sabi ng babae na exagerrated ang reaction habang nakatingin sa customized chocolate goodies. It was a huge plate of different sizes, colors and shapes of a man’s symbol. “Ito ba? Parang kulay at size ng foreigner?” malanding sabi ng isa. Itinapat nito sa bibig ang isa at kunwa ay didilaan. “Agatha, ang swerte mo naman kapag ganito. Ang sarap sigurong dumila ng ganito. ” “Grabe ka,” para namang mahinhin na sabi ni Agatha. “Uy, ano na, sige na, tayo-tayo lang. Hindi namin ibibisto na nag-kiss and tell ka,” buyo ng isa. Sandali siyang natigilan. Hindi niya alam kung epekto lang ng nainom niya pero parang gusto niyang pag-untugin ang nasa harapan niya. How dare this people to talk about Xanderr’s manhood? Ang babastos! Bumaling ang tingin niya kay Agatha. Huwag na huwag itong magkakamali ng sagot. Of course, kung nakita na iyon ni Agatha, siya din naman. Iyon nga lang, mga bata pa sila noon at inosente. But then, judging how Xanderr was when he was young, well, he was definitely gifted on that department. “Wait! Hindi mo pa binubuksan ang regalo ko sa iyo, Agatha,” maarteng sabi ni Devi. Laking-US din ito at naging kabarkada doon ni Agatha. Kanina lang niya iyon nakilala. At ewan niya, bagaman mukha namang natural dito ang pagiging maarte ay naaalibadbaran pa rin siya. O puwede rin namang extension na lang iyon ng inis niya kay Agatha. “Bukas mo na, Agatha. Dali!” excited na sabi ng isa pa na magiging bridesmaid naman nito. “Oo nga. Ang liit ng kahon. Baka T-back panty na naman!” kantiyaw ng isa. “Baka crotchless! Masaya iyon, hindi na kailangang magbaba ng panty. Ibubuka na lang ang legs,” sabi naman ng isa pa, halatang lasing na sa alak na kanina pa nila iniinom. “Sorry, guys. Walang nakahula nang tama,” sabi naman ng mismong nagregalo. “I’m puzzled,” wika ni Agatha at winasak na ang katiting na gift wrapper. Lahat sila ay nagtaka nang makita ang laman ng kahon. Isang maliit na plastic card iyon, animo credit card. Nagtama ang tingin nina Agatha at Devi. Sa itsura ng dalawa, halatang ang mga ito lamang ang nagkakaintindihan. Hindi niya alam kung para saan ang naging biglang kabog ng dibdib ni Maxine. Hindi pa niya matukoy kung ano ang kahulugan niyon pero iba agad ang naging kutob niya. “Ay! Galante!” tili bigla ng isa. “Alam ko ang ganyang card. Susi sa hotel. Niregaluhan mo ng honeymoon night sina Agatha at Xanderr?” baling nito kay Devi. Tila inis na binalingan ito ni Devi. “Secret.” Napangiwi ang babae. Dumampot ito ng finger foods at doon ibinaling ang pansin. Biglang-bigla ay parang nag-iba ang ambience sa paligid. Nawala ang kapilyahan sa ekspresyon ni Agatha. Kahit na nagpatuloy ang biruan, mararamdaman na pilit na pilit na lamang iyon. “I gotta go,” anang isang babae. “It’s already late.” Naging hudyat iyon upang magsunuran pa ang iba. Silang tatlo nina Devi at Agatha ang naiwan palibhasa ay susunduin naman talaga sila ni Xanderr. Tumabi pa si Devi kay Agatha at saka siya tiningnan. Marunong naman siyang makahalata kaya tumayo siya at tinungo ang CR. Nagngingitngit na binuksan niya ang kanyang telepono at tinawagan si Xanderr. “How’s the party?” excited na tanong nito sa kanya. “Sunduin mo na ako. Nag-uwian na ang iba. Tatlo na lang kami dito,” aniya. “Si Agatha?” “Of course, nandito pa. Di ba, usapan natin susunduin mo kami? Iyong Devi, kilala mo rin ba? Nag-uusap pa sila.” “Devi? Devi,” anito na tila iniisip pa kung sino iyon. “Ah, naikuwento siya sa akin dati. Kaibigan niya sa LA. So, nakarating pala siya?” “Yeah, straight from the airport,” matabang na sabi niya. “Punta ka na dito. Naa-out of place na ako.” Narinig niya ang pagtawa ni Xanderr. Alam niya, binale-wala lang nito ang huling sinabi niya. “Maxine?” tawag sa kanya ni Agatha. “Gagamit din ako ng CR.” “Just a moment,” mabilis na sagot niya at itinago muna ang telepono bago lumabas doon. “Tinatawagan ko si Xanderr, busy ang line, eh,” anito nang makita siya. “Magpasundo na tayo, okay lang?” “Okay lang,” tugon niya. “How about Devi?” At nang igala niya ang tingin ay napansin niyang wala ang babae. “Lumabas na. Hindi na raw siya magpapahatid.” “I see,” matabang lang na sabi niya. “Excuse ha. Namimigat na kasi ang puson ko.” At ito naman ang pumasok sa CR. Bumalik siya sa pinakasala ng hotel suite at doon hinintay si Agatha. Nakakalat pa roon ang iba’t ibang regalong tinanggap nito. Pero ang higit na nakatawag ng kanyang pansin ay ang regalo ni Devi. Nakasuksok iyon sa outer pocket ng bag ni Agatha na nakababa lang doon sa sofa. Tumutok bigla ang kanyang mata sa nakapinid na pinto ng CR. Sa palagay niya ay hindi pa naman lalabas doon si Agatha kaya inabot niya ang plastic card na nakaintriga sa kanya kanina pa. Alam niya, pakikialam ang ginagawa niya pero mas malakas ang hatak ng kuryusidad. At nakumpirma niya, susi nga sa isang primera klaseng hotel ang naturang card. High-tech kaysa pangkariwang susi sapagkat may magnetic strip iyon na parang sa credit card. Iyon ang sina-swipe sa pinto ng isang hotel room para bumukas. Lalo siyang nagtaka. Ibinalik na niya agad sa bag ni Agatha ang naturang card. Tinakpan din niya ang platter ng chocolate goodies na naaalibadbaran siya tuwing mahahagip ng tingin niya. Nang bumukas ang pinto ng CR ay nagkunwang namamapak pa siya ng mga tirang finger foods doon. Sa itsura naman ni Agatha ay wala sa kanya ang pansin nito. Hawak nito ang cellphone na palagi namang nakakuwintas dito at sa hinuha niya ay si Xanderr ang kausap. “Talaga on the way ka na? Sige, maghihintay na lang kami dito,” narinig pa niyang wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD