bc

Tierra del Sol Series: Zion Keith

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
HE
single mother
blue collar
drama
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Zion Keith Montemayor stands the epitome of wealth, charm, and recklessness. With a heart as guarded as his family's fortune, he's notorious for his wild antics and relentless pursuit of pleasure. But when fate intertwines his path with that of Kalista Solene Benitez, a simple farm girl trying to make ends meet, Keith finds himself drawn to her authenticity and resilience.As their worlds collide, will Keith's facade crumble in the face of true love, or will the allure of his old ways prove to wrong to resist? Tierra Del Sol Series: Zion Keith Montemayor ~~°^°~~ Have you ever thought that someone who lived a luxurious life will sacrifice everything just to be with you? Kalista Solene Benitez, didn't expect that Zion Keith Montemayor was able to leave his comfortable life just because he is in love with her. They were once the happiest even if they only have small amount of money to spent for their daily living. But. . . things drifted apart as well as their love story. How did Zion ended up being engaged to another woman? If he truly loves her? Will destiny make a way for them to continue their interrupted love story or Kalista will accept that their love story was over?

chap-preview
Free preview
Panimula
"Kali, bilis-bilisan mo naman diyan! Napakaraming customer sa labas! Kaybagal mong kumilos. Kanina pa nagagalit si Grace, dahil 'yong ilang bisita hindi pa nahahayinan!" Galit na sigaw ni Joanna sa kaniya habang abala rin sa pagre-refill ng mga juice na ibaba sa dining hall. Mas binilisan niya pa ang paglalagay ng mga plato sa malaking oval wood tray na kaniyang bubuhatin pababa sa dining hall. "Oo, patapos na ito. Saglit na lang." Aniya saka inilagay ang huling plato saka binuhat ang malaking oval tray at isinandal sa kaniyang balikat. Napangiwi siya dahil sobrang bigat. Pero sanay na naman siya. Ito ang naging trabaho niya nang halos limang taon. Waitress sa Costa Imperio, isa sa pinakamalaking hotel sa Tierra del Sol. Maingat siyang naglakad sa hagdan pababa sa dining hall. Dahil kapag natumba at natapon ang kaniyang bitbit ay charge sa kaniya lahat ng iyon. Sa mahal ng pagkain dito sa Costa, ay baka kulang pa ang isang buwan niyang sahod sa pambayad pa lamang sa mga pagkain na dala-dala niya. Nang makarating sa dining hall ay bumungad sa kaniya ang iilang mga tao. Fifty pax iyon at halos mga alta ang naroroon. Celebrasyon iyon ni Alejandro Montemayor, ang may-ari ng Montemayor Shorelines, at halos hekta-hektaryang lupain sa Tierra del Sol. Ang ama ng lalaking minsan niyang minahal. Basag siyang ngumiti nang makita itong nakaupo sa stage. Magarbo ang disenyo ng dining hall. Kulay white at gold ang tema nito. Nakasuot ng formal ang mga bisita. Kung hindi niya lamang kailangan ng pera ay hindi na sana siya magpupumilit na sumama sa grupo ng banquete. Dahil alam niyang magdudulot lamang iyon ng pagbubukas ng sugat ng nakaraan sa kaniyang puso kapag nakita niya si Keith. Zion Keith Montemayor, was her first love, the one that got away ika ng iba. Ibinaba niya sa stand ang oval tray na kaniyang bitbit. Saka isa-isang kinuha ang platong nilalaman noon at sinerve sa mga bisita sa bawat table. Hindi niya pa nakikita si Keith pero sana ay hindi na talaga magpakita ang binata. Ngunit talaga atang hindi siya pinapakinggan ng tadhana. Nakita niya ang pagpasok ni Keith habang nakasuot ng alam niyang mamahaling tuxedo habang may naka-angkla sa braso nitong isang magandang babae, sopistikada, at elegante. Kabaliktaran niya. Tiningnan niya ang suot niyang uniform nila. Maayos naman ang kaniyang uniporme dahil isa iyon sa mga pangunahing kailangan nilang i-maintain dahil humaharap sila sa mga mayayamang guest sa hotel. Nang mapadako sa kaniyang sapatos ay saka lamang siya hilaw na ngumiti. May kalumaan na iyon, ang dating orihinal na puting kulay nito ay naging cream na marahil sa katagalan. Muli niyang sinulyapan si Keith at ang kasama nito. Ineksamina niya ang babae mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mamahaling gown na napapaligiran ng sparkle beads ngunit hindi naman iyon masakit sa mata. Hapit iyon at nadedepina nito ang kagandahan ng hubog ng katawan ng babae. "Thank you for joining us today. Some of you may been busy with their schedules but you still managed to have time with us," nakangiting wika ni Don Alejandro. Tumikhim muna ito bago muling nagsalita. "And now I have an announcement to make. My son Zion Keith Montemayor, will gonna be married soon!" Tumatawang anunsyo pa nito na halatang galak na galak sa tinuran. Nagpalakpakan ang mga bisita kasabay noon ang pagtaas ni Keith at ng kaniyang fiancè sa unahan. They were all smiles. Masaya ang lahat sa kanilang relasyon. Hindi katulad noong sila pa. "You heard that right? I'm going to marry Tosca Fortalejo. We're planning the details and I'm excited to be his husband! Kung puwede lamang na pakasalan ko na siya ngayon ay gagawin ko. But, I want my girl to have the best wedding ever in the world," masiglang sabi ni Keith pagkuwa'y hinalikan nito ang babaeng si Tosca sa labi. Mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao. Habang siya ay parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib. Hindi niya namalayan ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi. "I guess I made the right decision. You're happier now than when you are with me. I'm happy to know that. . . you already found your true happiness, My Keith."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook