Seven

2814 Words
Hindi ako pinatulog ng mga salitang iyon. Para saan ba ang tanong niya? Dahil ba nakalimutan ko na namang basahin ang school rules? Ang dating sa akin ng pagkakasabi niya ay parang paulit ulit ko 'yung nagawa at talagang naapektuhan siya. Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng merienda. Nasa unit namin sina Maika at Felice, nagpaplano para sa gagawin naming performance. Natigilan ako sa pagkuha ng mga baso nang maalala ang ikaapat na ranggo at si Phillip. Hindi ko alam kung bakit iniisip kong may mali sa kanilang dalawa. Bakit ba kasi kailangang sa gabi pa sila mag-usap? Patago pa. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Matapos kong ilapag ang mga sandwich at juice sa lamesa sa salas kung saan naroon sila Nash ay kaagad akong pumunta sa aking kuwarto. Nang maalala ko kung saan ko iyon inilagay ay mabilis pa sa alas-kuwatro kong binuksan ang stand table sa tabi ng kama para basahin iyon. Ngayon ay hawak ko na ang itim na papel, naka-rolyo at tinatalian ng kulay pulang laso. TOKUYU UNIVERSITY'S SCHOOL RULES AND REGULATIONS As a Tokuyu Student Obey, that's why you are here. Obey the ranks and follow their path. Obey the rules and fight to grow. As an unranked student, you should not treat yourself higher than the ranks; being rude to ranks is prohibited, nor to spy on them. You're not at their level, so talking to them in a friendly manner and talking to them like they are some sort of a commoner is disrespectful, even talking to them in private. Their possessions are their private property. Stepping, holding, and owning one of the ranks' property or possession is an act of hypocrisy. This will result in a punishment ruled by the ranks. As a Tokuyu Rank Command, that's why you are ranked. Command and be a leader, rule and train. Be a role model. As a rank student; you should feel higher than anyone else; being sorry is prohibited. You should not feel sorry for everything that you've done. You are perfect. That's the reason why you should think twice before doing a deed. You should punish a student who disobeyed a rule; no one's an exception, but you should not kill a student who does not cause anything bad to you. The cloak is your veil, revealing your identity and taking off the cloak in front of anyone is a declaration of your unauthority. It's prohibited. This will result in a punishment ruled by the Agents. As a Tokuyu Rank/Student Having any intimate relationship with a ranker is prohibited, as well with a co-ranker, even for an unranked student. Any romantic relationship or things related to such have no place in this university. Any do's that will give distraction to a rank is prohibited. A punishment will wait for you. Ngayon alam ko na kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Si Ysabelle at Phillip, hindi sila puwedeng magkaroon ng relasiyon,dahil ang mga ranggo ay bawal magmahal. Talagang pinapahanga ako ng eskuwelahang ito. "Frezz!" si Nash. Mabilis kong nirolyo ang rules at ipinatong sa kama 'tsaka ko binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang mukha ni Nash. Hindi ako nito sinagot at basta na lang hinila palabas. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang makita ang building na kinakatayuan naming apat. Hindi ko pa nga talaga nalilibot ang bawat sulok ng unibersidad na ito. Sa harapan namin ay naroon ang tinatawag na stock building. Tatlong floors iyon. Dito kumukuha ng pagkain, gamit, damit at kung anu-ano pa para maging supply ng mga estudyante sa university. Mukhang mall sa loob kung ilalarawan. Espesiyal ang trato sa amin dahil kami ang tinatawag na investments ng mga Tokuyu. Kaya ang mga bagay na kagaya nito ay hindi ipinagkakait. "Good afternoon, students. Maaari ko bang malaman kung ano ang kailangan ninyo?" Mula sa entrance ay may lumapit sa aming babae, pormal ang pananamit. Nakahilera rin ang ilan sa mga tokuyu guards sa entrance, may mga nakakalat din sa loob. "Costumes po," si Nash ang sumagot. Sandali kaming kaswal na tinitigan ng babae. "Sumunod kayo." Talagang nakakamangha. May mga manikin, escalator at elevator na tipikal na nakikita sa malls. Pumasok kami sa loob ng isang boutique at umupo sa sofa na naroroon. "Magtatawag ako ng mag-a-assist sa inyo." Tinalikuran niya kami para pumasok sa loob ng isang kuwarto. Ilang segundo lang ay lumabas na roon ang isang babae suot ang pulang uniporme, pormal kagaya ng babae kanina. Matagal niya kaming tinignan, tila nanunuri. "Sino ang mga kasali?" Dumako ang paningin ko sa pangalan na nakalagay sa gilid ng kaniyang uniporme. Donna Ponce. Pamilyar sa akin ang apelyido niya. Tinuro ako ni Felice at ang kaniyang sarili. Nagtagal ang paningin niya sa aking mukha. Alam kong hindi lang ako ang nabigla. Kakaiba ang binigay niyang tingin sa akin munit kaagad niya rin na inalis para balingan sina Felice na nanahimik na rin, ramdam ang kakaibang aura. "What exactly do you need?" Tila binalewala lang ni Donna Ponce ang naisip. "A ballet and a clown costume," si Felice ang sumagot nang maramdamang marahil na wala akong balak makipag-usap sa kaharap. Tumango ang babae. "'Yung costume for professionals ay nasa kaliwang bahagi ng building, first floor. The other one, nasa second floor. Limited lang ang tao sa second floor dahil naroon ang mga jewelries... kaya ang susukatan lang ang puwedeng umakyat." Nagkatinginan kaming apat. Tinanguhan ko sila. Naunang maglakad ang babae. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa sumakay kami sa escalator. Sinadya kong magpahuli nang makita ang isang dress sa boutique. Kulay asul ito. Kasing kulay ng damit ni Glinnea sa picture noong bata pa siya. Ang laman ng picture na inakala kong ako. Wala sa sariling nilapitan ko iyon. Marahan kong dinampi ang palad sa transparent glass na naghihiwalay sa amin ng damit. Pinagmasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Suot ko ngayon ang damit na gamit nang araw na mapadpad ako rito. Checkered long sleeves polo, pantalon, rubber shoes at siyempre ang itim kong sombrero. "This way student." Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ng babae sa likuran ko. Tumango ako matapos tinignan ulit ang bestida at muling sumunod sa kaniya. Hinatid niya ako sa isang boutique na naglalaman ng mga gamit pang circus. Nang tumigil ako sa pag-aaral, nabagot ako kaya naghanap ako ng thrill sa buhay. Namasukan ako bilang isang clown. Sa palagay ko nama'y sapat na ang kakayahan ko para iyon ang i-perform. "What color do you prefer?" Sinadya kong ipako ang paningin sa kaniya. "Kahit ano." Nakita ko kung paano siyang humugot ng hangin mula sa dibdib. Tinalikuran niya ako at inabala ang sarili sa pagpili. Taka kong pinagmasdan ang pamilyar na matabang lalaki. Palakad lakad ito sa isang boutique na katapat ng boutique na kinaroroonan ko. Boutique ng mga gamit sa alchemy. Greg Martin Herrera. "Here," pinakita niya sa akin ang hawak na pink at blue na suit-type clown costume. "This green thing will be your wig." Matagal akong napaisip. "May maskara ba kayong babagayan niyan?" "Mask? How about face paint?" Umiling ako. "I prefer mask." Bahagya siyang natigilan, bago pumunta sa mga maskara. Matapos kong mamili ng susuotin ay lumabas na ako ng boutique dala ang mga gagamitin. Muli kaming napadaan sa boutique na kinalalagyan ng dress. "Kanina mo pa tinitignan iyan. Bakit hindi mo na lang kunin?" Biglang nagsalita si Donna Ponce mula sa gilid ko. Sabay kaming napahinto. "Maganda, pero hindi ako nagsusuot ng ganiyan." Nagtagal ang paningin ko sa espasiyong may makipot na daan. Bakal ang pintuan ng kuwartong iyon. Itatanong ko na sana kung ano ang laman nang silid nang mauna na si Donna. "That room... keeps the guns, bullets, arrows and swords." Nadatnan ko ang tatlo na nakatayo na tapat ng escalator. Mukhang kanina pang naghihintay. "Ms. Ponce, salamat po sa pag-assist mauna na po kami." Tumango si Nash. Ganoon na rin ang ginawa naming tatlo. Sabay-sabay kaming lumabas sa building matapos kong sulyapan si Donna na nakipagtitigan din sa akin. Donna. Donna Ponce. "Frezz, ako na magdadala niyan." Kinuha ni Nash sa akin ang tatlong paper bag na ibinigay ko naman kaagad. Biyernes ngayon kaya isa lang ang klase ko. Panghapon bandang alasingko hanggang alasais ng gabi. Kanina pang pumasok si Nash kahit wala siyang klase. Hinatid niya na rin kasi sila Maika at Felice. Nagpaiwan ako sa dorm dahil natulog pa ako, napagod sa practice para sa pag-aalay. Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw na ang building ng eskuwelahan. Tinahak ko nang mabilis ang hallway. "Ouch! Ano ba? Why aren't you looking? Nabangga mo ako!" Dinuro ako nang babaeng tumilapon nang mabangga ko, hindi sinasadya. Nang duruin niya ako ay roon ko lang nakita ang kabuuan niya. Pamilyar. France Mestacio, ang nabunot ng ikalimang ranggo na si Dash. "Nagmamadali ako. Pasensiya na." Aalis na sana ako, pero kaagad niyang nahila ang damit ko kaya napaatras ako pabalik. "Hindi mo ba ako narinig? Nagmamadali ako." Ngumisi siya, pinagkrus ang braso. "The rumors are true. Mayabang ka ngang talaga." Dumami ang mga tao na nanonood sa amin. Medyo madilim na kaya hindi ko gaano makita ang mga mukha nila. Marami na ring lumalabas sa mga classrooms, dismissal na. "Is that the former rank?" Narinig ko pang bulong ng isa sa mga estudyanteng nakikinood. Umarko ang kilay ni France. "Former rank? Bakit parang hindi naman?" Nagtaka ako, bagama't hindi ko ipinahalata. Sa lahat ng nakausap ko ay siya lang ang hindi natakot. Karamihan ay takot, ni hindi makatingin dahil sa mga hinala. Napapikit ako sa inis, kinalma ang sarili. Akmang hahakbang muli. "Aray! Ano ba?!" Hinila niya ako pabalik gamit ang pagsabunot sa buhok ko. Talagang masakit. Anak ng. Ano bang babae ito? "France Mestacio? Really? Hindi ba siya natatakot sa dating pangalawang ranggo?" Nagpatuloy ang bulungan ng mga estudyante. Tumawa siya. "Masakit ba?" "Masiyadong mapurol ang utak mo." Hindi ko mapigilang hindi mainis. "Kung hindi ka marunong tumanggap ng pasensiya, aalis na ako." Tinulak ko siya, sa sobrang lakas ay tumilapon na naman siya. Hindi ko inaasahan na ganoon kalakas ang magiging resulta. "How dare you!" Mabilis siyang tumayo. Sa isang iglap ay hawak niya na naman ang buhok ko. Hindi ako nakikipaglaban sa babae! Bakit ba hindi ako nitro lubayan?! Gusto kong mag-teleport, pero hindi iyon uubra dahil hawak niya ang buhok ko puwedeng maisama ko pa siya. Sana pala ay kanina ko pang ginawa. Napapapikit na lang ako sa tuwing hihilain niya ang buhok ko. Pakiramdam ko'y matatanggal na ang anit ko. "Bitawan mo ako!" Kahit na ganoon ay hindi ako gumanti sa kaniya at itinuon ang atensiyon sa pagkalas ng kamay niya mula sa buhok ko. Talagang hindi ko maalis iyon. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa buhok ko kaya mas lalo akong napaingit sa sakit. "Bakit hindi siya lumalaban?" Isa sa mga estudyante ang nagtanong. Sa nangyayari ngayon, siguradong mabibisto ako. "I know who you are..." Hinila niya ang buhok ko para mailapit ang labi sa aking tenga. "'Yung friend mo kasi masiyadong malakas magsalita. Narinig ko tuloy. Who's he again? Oh... I remember na. He's Nash, right?" Natigilan ako. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Isa siyang peculiar in hearing. Sa canteen, narinig niya ba ang lahat? "Ano kayang mararamdaman nila kapag nalaman nilang... peke ka?" Doon ako kumuha nang pagkakataon para bumuwelo at sipain ang sikmura niya dahilan para tumilapon siya sa ikatlong pagkakataon. Handa na akong umalis, pero sumigaw siya. "So you really don't care?!" Dumoble ang baas ng inis sa boses niya. Nanatili siyang nakaupo sa sahig ng hallway, nakahawak sa sikmura niya, magulo na rin ang buhok na tumatakip na sa mukha niya. Tahimik ko siyang tinignan. "Kung ipagkalat ko na kaya ngayon? Hindi mo pa rin ba ako pipigilan?" Kunot-noo akong nagpigil ng inis, hinila ang kuwelyo ni France. "Don't touch her!" Mula sa likod ko ay may nagsalita. Pamilyar din sa akin. Jeremy Tuazon. Ang lalaking nabunot ng Dean. "France?!" Nilapitan niya si France at tinulungang tumayo matapos tabigin ang kamay ko. "Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!" Halos pumutok ang ugat niya sa leeg nang sigawan niya ko. Talagang broadcasted pa. Hindi ko siya sinagot, hahakbang na sana ako para umalis, pero marahas niya akong hinila pabalik. Ayos. Pang-ilan na ito. "Ano bang ginagawa ng magsiyota na iyan? Hindi ba nila nakikita? That's Hennie for Pete's sake!" Kahit ako ay nagtaka. Hindi rin natatakot sa akin ang Jeremy na ito. Umiling ako. "Nag-sorry ako siya itong walang paawat." Lumapit siya sa akin at kuwinelyuhan ako. "Huwag mo kaming angasan. You impostor!" Mas mariin ang pagkakahawak niya sa akin, talagang nasasakal ako. Bakit ba kasi hindi na lang nila isigaw magkasintahan para mas sweet? "Pasensiya, pero para sabihin ko sa'yo hindi ako impostor. Pakisabi kasi sa girlfriend mong maarte matutong tumanggap ng patawad," sarkastiko kong sinabi. Mas kumunot pa ang noo niya. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ko kaya akala ko'y bibitawan niya na ako, pero laking gulat ko nang itaas niya ang kamao niya para salubungin ako ng suntok. Gustuhin ko mang umiwas sana, pero naging mabilis ang pangyayari. Tila nakadikit ang sapatos ko sa sahig at hindi kaagad ako nakagalaw nang mga sandaling iyon. "Oh my god!" "That's a girl, moron!" Isa sa mga lalaking estudyante. "Tawagin niyo na ang mga ranggo!" Tuluyan na akong tumilapon sa sahig nang tumama ang kamao niya sa pisngi ko. Nakangiwi kong hinawakan ang nasaktang parte at ang labi kong dumudugo. Hindi ito ang unang beses na nasapak ako ng lalaki, pero hindi naman ganito kalakas. Natanaw ko pa si France na nakangisi sa akin. Lumapit muli si Jeremy. Hinawakan nito ang aking kuwelyo 'tsaka ako sinapak sa ikalawang pagkakataon. Hindi lang isang beses, dalawang magkasunod. "He's crazy!" "Why isn't she fighting?!" "Pigilan niyo!" Sarkastiko akong napadura sa sahig. "Hindi ko alam na kaya mong sikmuraing manapak ng babae." Mas nag-alab ang galit sa mga mata niya nang marinig ang sinabi ko. Wala pang isang segundo ay lumipad na ulit ang kamao niya sa pisngi ko. Napahalik na ako sa marmol na sahig ng hallway dahil mas malakas ito kumpara sa tatlong nauna. "That's what you get when you try me. Impostor." Natawa ako. Pinilit kong tumayo kahit na mahirap talaga. Awang ang labi niya akong pinanood. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Nakakatayo ka pa talaga?!" Napaingit ako sa sakit nang sipain niya ako. "Tumawag na kayo ng guard!" Hindi ko na kinaya, gusto kong mahimatay, pero mas pinili ko ang tumayo. Bakas ang pagkamangha sa mukha ng magkasintahan. "Sapakin mo ulit ako..." Nanghihina kong sinabi. "Are you crazy?!" Maarte na sinabi ni France. "Pero bago mo ako sapakin hayaan mo munang makaganti ako." Sa isang iglap ay lumipat ako sa likuran niya at sinipa siya. "F-ck!" Napamura si Jeremy nang tumilapon siya. Mabilis namang napaatras si France. Napangisi ako. "Gago ka talaga!" Nakuha pa nitong sumigaw. Tinapakan ko nang mariin ang kamay ni Jeremy, napahiyaw naman siya sa sakit. Nang makatayo ito ay mabilis akong tumalon para sipain ang mukha niya kaya hindi na natuloy ang pagganti nito sa akin. Kaagad siyang nilapitan ni France at tinulungan tumayo. Para akong nasisiraan ng bait. "Hindi niyo man lang napansin na pinaglalaruan ko lang kayo?" Pinunasan ko ang dugo na tumutulo mula sa aking ilong. "Tsk. Bakit kasi ngayon lang ako nagka-mood para mag-exercise?" Halos patayin naman ako ni France gamit ang titig niya. "That's what you get when you try me." Nakuha ko pang ngumisi kahit na sobrang sakit na ng mukha ko dahil sa ginawang paggaya sa sinabi ni Jeremy. "Sayang, akala ko pa naman kapag nagpasapak ako may darating." Natahimik ang lahat ng nakapalibot sa aming estudyante. "Ang mga ranggo!" Tila bumagal ang galaw ng paligid habang unti-unti kong nililingon ang isa sa mga nangunguna sa ranggo. Labi lang ang nakikita ko rito, pero alam kong naiinis ito sa nadatnan. "Ano na namang nangyayari?!" si Kianya ang unang bumungad. Ni walang bulong na marinig mula sa mga estudyante nang magsalita ito, hindi makakibo at hindi man lang makatingin sa mga ranggo. Kahit hindi ko makita ang mata ng unang ranggo, alam kong sa akin siya nakatingin ngayon. "Gumawa ka na naman ng bagong gulo?!" Ako kaagad ang dinuro ni Kianya. Walang gana ko itong tinignan. Pagod na ako sa nangyari at ayaw ko nang makipagtalo para lang madipensahan ang sarili ko, kaya naman mas minabuti kong talikuran ang mga ito, ngunit isang boses ang nagpahinto sa akin. "I'm sorry, I'm late." Hindi ko maintindihan kung bakit unti-unting sumikip ang dibdib ko nang marinig ko iyon. Uminit ang gilid ng aking mga mata. Tila may bukol na naipon sa aking lalamunan. Tuluyang tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Hindi... Hindi puwede. Hindi puwedeng magkaparehas sila. At doon na unti-unting bumalik sa akin ang isang alaala. "Lampa!" Tinuro ako nito at pinagtawanan. "Lampa si Hennie! Lampa si Hennie!" Dahil sa inis ay hindi ko na naramdaman ang sugat sa aking tuhod. "Hindi nga sabi, e! Kayo, kayo ang lampa!" Tinulak ko si Gab kaya napaupo siya sa lupa. "Hoy, Panget. Bakit mo ako tinulak?! Gusto mo isumbong kita kay Daddy?!" Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang manika na sinira nila. "Aray, ano ba?!" Hinila niya ako at itinulak sa pader. dahil sa pagkakatulak niya sa akin ay tumama ang ulo ko roon. Naramdaman ko kaagad ang basang tumutulo mula sa aking ulo. Dugo. "Hala, Gabby! Baka mapagalitan tayo ng parents niyan!" si Nikko, nang-aasar pa. "Wala namang parents 'yan, e! Putok 'yan sa buho!" Nasundan iyon nang mapang-insulto nilang tawa. Sumugod ulit ako, pero dahil sa mga lalaki sila mas madali para sa kanila ang itulak ulit ako. "Loko ka, ah!" Nanlalabo na ang mata ko, pero pinilit ko pa ring tignan ang nangyayari. Tumba na si Nikko at Gabby. Papalapit naman sa akin ang bata na kagaya ng palagi naka-jacket at nakatakip ng buhok ang mga mata. "Silver..." anang ko. Ngumiti siya. "I'm sorry, I'm late."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD