Walang gana akong naglakad kasabay sina Felice. Naririnig ko na ang musika dahil malapit na kami sa gym, ngunit hindi pa rin nito naaagaw ang pansin ko. Iyon pa rin ang nasa isip. Hindi ko alam kung advantage ba o disadvantage ang magkaroon ng eskuwelahang tulad nito.
"Ano bang gagawin natin dito?" si Nash na takang bumaling sa akin.
"Manonood ano pa ba?" pagdadahilan ko.
Lumapit si Felice. "Paano na lang kapag kuwinestiyon ito ng ang mga estudyante? Inaakala nila na dati kang ranggo."
"Tama si Felice, Frezz. Hindi napapadpad ang mga ranggo rito dahil wala silang interes," si Nash. "...at alam din ng lahat na ayaw ng dating pangalawang ranggo sa banda ni Valentin."
Mas tumibay ang dahilan ko para ipagpatuloy ang gagawin dahil sa sinabi ni Nash. Tuluyan naming pinasok ang loob. Iilan lang ang mga estudyante, ngunit bakas sa mukha ng mga ito ang saya at pagkaaliw kahit na malungkot ang kantang tinutugtog.
"Hindi naman na ako ranggo kung iyon pa rin ang nasa utak nila."
Napailing na lang ang dalawa, nanatiling tahimik sa isang sulok si Maika, may lungkot sa mga mata. Hanggang ngayon, hindi sang-ayon sa aking balak.
"Is there anyone trying to find me? Would somebody come take me home? It's a damn cold night, I try to figure out this life. Won't you take me by the hand, take me somewhere new? I don't know who you are but I... I'm with you... I'm with you. Oh-woah..."
Nakisabay ang ilang estudyante sa pag-awit. Hinanap kaagad ng paningin ko si Valentin sa banda na nagpe-perform. Siya ang tumutugtog ng piano. Maangas ang dating niya kaya hindi aakaling... baluktot.
Ikinabigla kong makita ang lalaking nasa gitna, ang bokalista. Walang iba kundi si Spark. Sa lamig ng boses niya, kahit sino mapapahinto para makinig, para tignan siya. Banayad pakinggan ang boses niya kahit pa medyo magaspang ito.
Nakakamangha.
Wala na talagang pag-asa.
"Oh, why is everything so confusing? Maybe I'm just out of my mind. Yeah yeah yeah yeah yeah. Yeah yeah yeah yeah. Yeah huh. It's a damn cold night. I try to figure out this life. Won't you take me by the hand take me somewhere new?
I don't know who you are but I..."
Napanganga ako nang kantahin niya ang mataas na parte ng kanta, kahit mataas ay hindi ito nagmukhang pilit. Natural na natural.
"I'm with you... I'm with you... Take me by the hand, take me somewhere new. I don't know who you are but I... I'm with you."
Nagsalubong ang kilay ko nang sumulyap sa akin si Spark habang kinakanta iyon, kahit ang tatlo kong kasama ay napalingon na rin sa akin.
"Oh..." si Felice. "He's looking at you."
Nang matapos ang kanta ay umalis muna ng stage ang mga band members, siguradong babalik pa sila. Sinenyasan ko si Maika na aalis ako para hindi ako hanapin nila Nash at Felice. Iiling-iling naman siya tumango at kunwaring nakipag-usap sa dalawa 'tsaka ako tumakbo nang mabilis papunta sa backstage.
Tumambad sa akin ang madilim na espasyo. Maraming wires at kung anu-ano pang gamit at props ang nakalagay roon. Nakakumpol ang mga lalaki sa bandang kaliwa na nasisiguro kong ang banda ni Valentin.
Kaagad akong nilapitan ni Valentin nang makita. "Anong ginagawa ng isang dating ranggo rito?"
Humugot ako ng hangin. "Puwede ba kitang makausap?"
"I see. Kaya ka nandito." Luminga siya, parang may hinahanap. "Ano naman ang pakay ng dating pangalawang ranggo sa akin? Mabuti at nasikmura mong pumunta rito?"
"Kailangan ko ang tulong mo, Valentin."
"Tulong?" Asta siyang natatawa. "Namali lang ba ako ng dinig?"
"Seryoso ako, Valentin." Anak ng. Masiyado akong pinapahirapan.
"Seryoso rin ako. Hindi kita tutulungan." Tinalikuran niya ako.
Humabol ako kaagad sa kaniya. "Nakikiusap ako."
"Ngayon lang ako nakakita ng isang ranggong nagmamakaawa."
Kanina ko pa napapansin iyon, peculiar in hearing siya sa pagkakaalam ko dahil kahit malayo siya ay narinig niya ako sa detention room noong kumanta ako at kanina sinabi ni Nash si Valentin daw ang sumundo sa kaniya.
Hindi kaya narinig niya si Jeremy at France?
Matagal siyang tumitig sa akin.
"Sige, papayag ako sa kung ano mang hihingin mong tulong..." dugtong niya. "Pero sa isang kondisyon. Kapag tapos na ang araw ng pag-aalay sasabihin mo na kung sino ka talaga."
Doon na ako tuluyang kinabahan. Sa lahat ng mga nanood kaninang estudyante alam kong meron pang ibang peculiar in hearing doon, pero bakit walang kumakalat na tsismis na hindi ako ang dating pangalawang ranggo? Bakit siya lang ang nakarinig?
"V-valentin."
"Ayaw mo? Bakit? Bigyan mo ako ng dahilan, Frezz. Like how you want to be addressed." Pabulong niyang sinabi ang huli.
"Magkakagulo."
Napailing siya. "Magkakagulo, pero kapag mas pinatagal mo pa, mas lalala pa ang gulong sinasabi mo. Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit iyon ang hinihingi kong kapalit?"
Tinignan ko lang siya.
"Ayaw kong akalain ni Spark na ikaw si Hennie na ang dating pangalawang ranggo, dahil kapag dumating ang araw na bawiin ka niya ulit... doon mangyayari ang totoong gulo. Hindi mo siya kilala, Frezz. Hindi mo alam kung ano siya at ang mga kaya niyang gawin, kung anong mga kaya niyang talikuran para sa dating pangalawang ranggo."
"Bawaiin?" kinakabahan kong tanong. "Anong koneksiyon ni Spark sa kapatid ko?"
Tumingin siya sa sahig. "Gusto kong malaman mo para maintindihan mo ang mga sinasabi ko, pero wala ako sa posisyon para sabihin iyon. Kaya ngayon pa lang sana pag-isipan mo na. Huwag mo nang hintayin pang mangyari ang sinasabi ko."
Pakiramdam ko ay sasabog na ang ang utak ko sa kakaisip. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako sa eskuwelahang ito. Pakiramdam ko pinaglalaruan ang buhay ko. Pakiramdam ko kahit anong solusyon ang maisip ko nasa hukay pa rin ang kalahati ng katawan ko.
Aalis na sana siya, pero maagap kong hinawakan ang braso niya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
Kung ano mang dahilan niya alam kong importante iyon. Katulad niya lang rin ako, naghahangad lang ng ikabubuti ng lahat.
"Payag na ako. Basta, tulungan mo ako."
Pinauna ko na sa pag-uwi ang tatlo. Kailangan ko munang isipin nang mabuti ang lahat. Dahil kung hindi, papalpak ako. Pumikit ako at humanda para sa pagtakbo. Kailangan kong alamin kung hanggang saan ang espasiyo nito.
Kailangan kong alamin kung makakalabas pa nga kami rito.
Nang makarating na sa mga building ay dumikit ako sa pader 'tsaka dahan-dahang naglakad. May ilang security camera sa mga buildings. Sunod naman kong narating ang stock building, sa likod nito matatagpuan ang mga...
"Kotse..."
Napailing ako bago magsimula ulit maglakad.
Masiyadong malaki ang school na 'to. Kaya nagtataka ako kung paanong hindi alam ng mga taga-labas kung saan ito nakatayo.
Napadpad ako sa mapunong lugar. Wala akong flashlight, pero maliwanag ang buwan kaya nakikita ko pa rin ang daan papunta sa kakahuyan. Matataas at malalaki ang mga puno, madamo at masukal. Hindi ko na inisip kung ano ang puwede kong makita rito dahil matatakot lang ako na maging sanhi ng aking pag-urong.
Isang bukal, malaking bukal. Tila gawa ng tao dahil maganda ang pagkakapatas ng mga bato sa likod na bahagi nito. May umaagos pang tubig.
Lumapit ako at tinignan ang tubig na nasa tatlong metro ang lalim. Kitang-kita ko ang repleksiyon ko sa roon, maging ang repleksiyon ng buwan.
Nagtagal ang paningin ko sa aking mukha. Lumabo ang tubig.
Dahil sa gulat ay mabilis akong lumingon.
Nahagip ng paningin ko ang itim na mabilis na dumaan sa likod ko sa repleksiyon sa tubig.
Sa takot ay napatayo ako. Kailangan ko nang magpatuloy. Isa lang naman ang hinahanap ko. Pader. Bakod. Lahat ng eskuwelahan ay hinaharangan ng bakod kaya alam kong meron din ang isang ito.
Natigilan ako nang makita ang hinahanap. Mataas na konkretong pader, sa sobrang taas kahit na tingalain ko ay hindi ko pa rin alam kung hanggang saan.
Nagsimula na akong kabahan. Hindi puwede. Pinaglalaruan ba nila kami?
Sa bawat harang may pinto. Apat na sulok ang meron sa mga bakod. Kahit maparihaba at maparisukat man ang hugis nito. Sa apat na sulok na iyon, makikita ko kong nasaan ang lagusan. Ngunit kapag natapos ko na ang apat na sulok at hindi ko pa rin nakikita ang lagusan.
Ibig sabihin...
Wala na kaming takas.
Walang daan para makalabas.
Binaybay ko ang pader habang naglalakad. Napapagod na rin ako dahil kanina pa ako naglalakad, pero hindi ako susuko. Isa, isang sulok na ang nadaanan ko. Nagpatuloy lang ako sa pagbaybay hanggang sa dalawa.
Bawat hakbang na gawin ko ay mas tumitindi ang kaba ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Kahit nakadalawang sulok na ako ay kakahuyan pa rin ang nadaraanan ko. Pinapagitnaan ako ng pader at kakahuyan. Kung ganoon, nasa gitna ang university, napapalibutan ng building, kakahuyan at ng pader na ito.
Pangatlo. Ito na ang pangatlong sulok, kung kailan malapit na 'tsaka ako nakaramdam nang kawalan ng pag-asa. Natatakot ako na baka tama ang nasa isip ko.
Ipinagpatuloy ko lang ang paghawak doon. Napahinto ako nang makaramdam na naman na kung ano sa aking paligid. Iwinaksi ko iyon sa isip at pinagwalang-bahala na lang.
Halos bumigay na ang tuhod ko. Gabi na at malamig pa, pero dahil sa pinaghalong kaba ay hindi na ako makaramdam nang lamig dahil sa pawis.
Nahinto ako nang maputol ang tali sa buhok ko. May mabilis na namang dumaan sa likuran ko. Dahil sa puwersa niyon kaya iyon naputol. Lumadlad ang tuwid kong buhok.
Tila bumagal ang oras nang lingunin ko ang likuran ko at doon makita ang pamilyar na mga mata.
Silver.
"Bakit ka nandito?"
"I should be the one to ask you that question."
Lumapit siya kaya awtomatiko akong napaatras.
"What are you doing here, Hennie?"
Hindi iyon ang unang beses na napakinggan ko mula sa kaniya ang pangalan ko, pero nagmistula itong bago para sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Akma sanang tatakas sa sitwasyon, pero mabilis niya akong nahila sa pulso kaya puwersahan akong bumalik sa puwesto ko kanina.
"Ano ba?!" Unti-unti na akong binabalot ng inis.
"I the saiko ranku is commanding you-"
Ang luhang namuo sa mata ko ay tumakas na. Dahilan para mapahinto siya.
"Sa tingin mo makikinig ako sa'yo? Simula nang iwan mo ako dapat wala ka nang pakialam!"
Nagtangka siyang lumapit, pero naitulak ko siya kaagad. Nakaramdam ako nang kirot sa bandang puso.
Umawang ang labi niya.
"Nagulat ka pa talaga? Ayaw ko nang makikita ka at lalong ayaw ko nang lumalapit ka sa akin," marahan ngunit mariin kong sinabi.
"I don't get it..."
Nahinto ako nang makitang naguguluhan siya, ngunit naroon pa rin ang naudlot na galit.
"I don't get... why you are so mad at me."
Naiinis akong tumawa. "Anong sabi mo? Nakalimutan mo?"
Kinuha ko ang sombrero ko at higis sa kaniya.
"Iniwan mo ako... Hindi mo tinupad ang pangako mo. Hindi mo man lang sinabi na babalik ka, para naman kahit papaano may panghahawakan ako para hintayin ka." Pinalis ko ang luha ko at tinignan siya nang nang-iinsulto.
"I still don't get it." Nalaglag ang panga ko. "I still don't get why you are so mad, when you didn't even give me a chance to let you hear out my explanations."
May parte sa akin na biglang nabasag.
"Mas masakit ang ginawa mo, Hennie. I felt so untrusted that time. I thought you'd understand me, 'cause you are you. And if you don't want to be near me again, neither do I."
Nabura ang pagkakakunot ng noo ko. Hindi ako nakapagsalita.
"I'm here as the first rank, not as your childhood friend. You should not roam around at this time. I'm just fulfilling my duty. Don't worry, this will be the last time that I'll come near you and talk to you, unless you disobey a rule." Ngumisi siya, ngising iba sa paningin ko. "Well then, let's forget each other. Think of me as the highest rank from now on."
Matapos niyang sabihin iyon ay naglaho na siya sa harapan ko.
Hindi ako nakahinga.
Napaupo ako at doon umiyak na tila isang bata. Masakit. Masakit lahat ng sinabi niya. Kahit na hindi ko man aminin. Tama siya. May punto siya. Kahit gusto kong humingi ng tawad ay hindi ko na nagawa.
Iniisip ko na sana nagtatago lang siya kung saan at babalikan niya pa ako rito kagaya ng dati kapag iniiwan niya ako kapag tinataboy ko siya, pero wala. Walang bumalik.
Tumakbo ako papalayo, tuluyang nakalimutan ang pakay.
Mukha kaagad ni Nash ang unang bumungad sa akin. Nakanganga siya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Hahawakan niya pa sana ako, pero mabilis akong nakaiwas at tinungo ang kuwarto. Pagkapasok ko ay kaagad kong kinuha ang kumikinang na lata at lumabas ulit.
Tinawag pa ako ni Nash hindi ko siya pinansin.
Huminto ako sa gilid nang malawak na field at ibinato ang lata.
"F-ck!"
Nawala ang galit ko. Napalitan kaagad ito ng kaba nang makita ang lalaki na natamaan.
Si Spark. Nakaupo ito sa tapat ng malaking puno na ngayon ay nakatayo na.
Napapikit ako sa hiya. Nagsisi tuloy ako. Sana hindi ko na lang binato.
"Damn it!" sigaw niya pa. "Where the hell did it come from?!"
Habang nakatalikod siya ay nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan. Balak ko na sanang tumakbo, pero kusa akong natigilan nang lumitaw si Spark sa harapan ko.
Peculiar in body. Hawak niya ang lata sa kamay niya at masama ang pagkakatingin sa akin.
Napagdikit ko ang aking labi.
"Are you crying?"
Sasagot na sana ako, pero umiling na siya at ihinagis pataas ang lata at nang bumagsak ay sinipa, sa sobrang bilis ay nakita ko na lang na nakabaon na ito sa katawan ng puno.
Nagmura pa siya bago ako iwan nang gulat pa rin.
Lumapit ako sa puno at kinuha ang nayuping lata.
Ang lakas niya.