16. SLEEPLESS NIGHTS

1472 Words
Sa isang malamig na gabi na kung saan mahimbing na natutulog ang karamihan, hindi naman makatulog nang maayos si Maxine sa kaniyang silid. Pawis na pawis habang kinakalmot ang kaniyang leeg. Nagising na lamang siya nang makaramdam ng uhaw at saka siya bumangon upang kumuha ng tubig. Nanghihinang naglakad siya pumunta sa kusina at hingal na hingal. Nagmadali naman siyang kumuha ng maiinom at agara niya iyong ininom. Sa sobrang pagmamadali niya ay natapunan siya ng tubig sa damit, ngunit wala siyang pakialam basta lang makainom siya. Nakailang inom siya ng tubig at maya-maya pa ay naramdaman na lang niya ang kaniyang pantog. Patakbo siyang pumunta sa banyo at saka nilabas ito. Gumaan kahit papaano ang kaniyang nararamdaman, subalit sa kasamaang palad may hinahanap ang kaniyang katawan. Hindi maunawaan ni Maxine kung ano ang nangyayari sa sariling katawan. Siya ay bumalik sa kuwarto upang magpalit ng damit. Napaupo naman siya sa kama habang pinupunasan ang kaniyang pawis at saka huminga nang malalim. Hinawi ang buhok na sumasagabal sa kaniyang mukha pagkatapos ay tinapat ang electric fan sa kaniya. "Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nangangati lalamunan ko tapos pinagpapawisan pa? Mainit ba ang panahon ngayon? Hindi naman, ah," bulong niya na may halong iyak at yamot. Lumapit siya sa electric fan at kasalukuyang binubugbog siya ng hangin. Unti-unti namang nawawala ang kainitan sa kaniyang katawan hanggang sa maramdaman na lang niya ang pangangati sa loob ng tiyan, sa pagitan ng kaniyang mga hita, at ganoon din sa kaniyang dibdib. Napakagat siya sa labi at hiniga ang sarili. Inumpisahan niyang kalikutin ang kaniyang malulusog na dibdib upang mapawi ang kati. Napaungol siya nang mahina dahil sa kiliti pagkatapos ay pinasok ang kanang kamay sa kaniyang underwear. Nakapa niya na basa ang loob at saka niya inumpisahang laruin ang sarili. Habang nilalaro ang dibdib at ang nakaumbok na mani, may mga imaheng bumabalik sa kaniyang isipan. Hindi niya matukoy kung ano iyon dahil sa labo, ngunit naramdaman ito ng kaniyang katawan. Pinasok niya ang dalawang daliri sa loob at inumpisahan na ilabas-pasok ito. Napapaungol at napapanganga siya sa kaniyang ginagawa, masyado rin naging sensitibo ang kaniyang katawan sa mga oras na iyon kung kaya ramdam na ramdam niya ang sensation. "Ba't parang may kulang? Parang gusto ko ng malaki at mahaba?" isip niya habang pinaglalaruan ang sarili. Pinasok niya ang pangatlong daliri ngunit hindi ito sapat kaya pinasok niya pa ang isa pa niyang daliri. Ilang minuto rin siya nagfi-finger, subalit hindi pa rin siya matapos-tapos — hindi pa rin siya kuntento. Napakunot siya ng noo at nararamdaman niya ang ngalay sa kaniyang kamay. Bigla na lang sumagi sa isip niya si Jin. Ang kaniyang malaki at matigas nitong katawan na naramdaman niya noong niyakap niya ang binata. Ginanahan si Maxine na maisip si Jin at gumawa ng senaryo na siya ay nakikipagtalik sa binata. Lalo niya binilisan ito at ang kaliwa naman niyang kamay na nasa dibdib ay agad niyang sinubo, pinaglalaruan ang loob ng bibig na para bang nakikipaghalikan siya sa binata. Walang alam si Maxine na ang senaryong kaniyang nabubuo sa isipan niya ay hindi gawa-gawa lamang kun'di tunay na nangyari sa kanila noong isang gabi. Mga ilang segundo lang ay tuluyan na nilabasan ang dalaga. Nakahinga nang maluwag si Maxine at inipit ang mga hita. Napabaluktot at saka tumagilid, pagkatapos ay hinawi niya ang kaniyang buhok. Unti-unting bumabalik sa normal ang kaniyang paghinga at ang init ng kaniyang katawan. Hindi na rin siya ganoon magpawis katulad na lang kanina at siya ay nakatulog nang mahimbing. Pagkagising ay saka niya pinagsisihan ang kaniyang ginawa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa mesa na nasa kusina kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nakahawak sa kaniyang noo habang ang mga siko ay nakapatong sa mesa. Nananatiling tulala at nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nangyari kagabi. "Putsa iyan… Seryoso ba iyon? Talagang… Talagang pinagnasahan ko si Jin? My gosh…" isip niya. Napansin naman siya ni Jana at tinanong, "Hoy, sis, nakahithit ka ba? Dilat na dilat ang mga mata mo at, sis... ang laki ng eyebags mo, kaloka ka." Sumandal si Maxine at bumuntong ng hininga. "Ang weird lang ng nangyari sa akin kagabi. Hindi ako makatulog," sagot niya na nananatiling nakatulala. "Are you sure na okay ka lang, sis?" tanong ni Andrew sa kaniya na kasalukuyang nagsasandok ng kanin. "Mas okay kung 'di ka muna pumasok today sa isa mong work. Pahinga ka muna… Actually, mag-break ka muna whole day. Grabe hitsura mo, oh… Mas maputi at mas mukha ka ng patay kumpara kay Morticia Addams." "I can't, hindi p'wede. Kailangan ko ng pera." At saka inayos ang pagkakaupo niya at kumuha ng ulam. Pinigilan naman siya ni Jana na kunin ang ulam at inagaw niya ito sa kaniya. "At kailangan mo rin ng pahinga." Pagkatapos ay nilagyan niya ng ulam ang plato ng dalaga. "'Wag mo muna problemahin ang renta ngayon, sagot ka na namin. Pati na rin ang kuryente at tubig, kami na ang bahala." "Hindi naman puwede iyon, kai—" "Ang!" sigaw ni Jana upang pigilan si Maxine sa pagsasalita, "ang kailangan mo lang gawin ay magpahinga ngayon. Sige, pumili ka: magpahinga ka today, isang araw lang, o magkakasakit ka na aabot ng mga day or weeks ang day off mo? 'Di ba mas goods kung isang araw ka lang mawawala?" "Tama si Jana, babe," pagsang-ayon ni Leslie habang siya ay ngumunguya at saka niya ito nilunok. "Unahin mo ang health mo bago ang lahat. Hindi mo magagawa ang gusto mo kung nakahilata ka dahil may sakit ka. Uso rin ang pahinga." Huminga nang malalim si Maxine at tiningnan silang lahat. "Okay, fine. Never naman ako nanalo sa inyo," nakangiting usap niya. "Mabuti naman at knows mo. Ako na bahala magsabi sa mga prof mo at si Leslie na bahala magsabi sa trabaho mo," tugon ni Andrew. Sinunod ni Maxine ang mga payo ng kaibigan at nagpahinga sa kuwarto. Sa kabilang banda, inis na umalis si Jin sa isang condominium. Naiinis siya sa ginawa sa kaniya ng kaibigan, sa kung paano siya tuksuhin ni Andra Daphne Harrison na nagpatayo ng kaniyang natutulog na alaga. Ang dahilan kung bakit siya naiinis ay dahil hindi siya muli pinagbigyan ni Andra na matikman niya ito. Noong nasa loob siya ng condominium ng dalaga, pumasok siya roon upang humingi ng tulong kay Andra sa pagsalakay sa kalaban nila. Nakita niya ang suot nito na tanging maluwag na sando na bakat na bakat ang u***g at manipis na panty. Hindi niya magawang hindi tikman si Andra, ngunit dahil isa siyang assassin at mas malakas sa kaniya, hindi niya magawang salungatin ito. Sumang-ayon naman si Andra na matulungan niya si Jin, ngunit hindi siya sumang-ayon sa kagustuhang makipagtalik siya sa binata. "D**n you, A.D," gigil na bulong ni Jin habang nakaupo sa kotse. "This is the reason kung bakit hanggang ngayon 'di pa rin kita makalimutan," buntong hininga niyang usap. Si Andra Daphne Harrison ay bukod sa pagiging assassin niya, siya rin ang unang minahal ni Jin. Nagkita sila noong nasa America pa si Jin para makipag-transaction ng business samantala si Andra naman ay nagte-training doon sa military. Unang nabighani si Jin sa dalaga, natukso siya sa panunukso nito sa kaniya — sa kung paano niya akitin ang binata. Unti-unti siyang bumibigay hanggang sa naging sila, subalit sadyang mapagbiro ang tadhana. Pinagbawal ng asosasyon ni Andra na makipagrelasyon ang mga assassin sapagkat sagabal lang ito sa kanilang misyon kung kaya naging palihim ang kanilang relasyon. Subalit nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nang malaman ni Jin na laro-laro lang para kay Andra ang kanilang pagsasama. Naging seryoso siya sa pag-ibig, ngunit laking galit niya na pinaglaruan lamang siya ng dalaga. Tanging ang katawan lang ang gusto ni Andra kay Jin kahit na hindi pa sila nakikipagtalik, isa rin ito sa kinainisan ng binata dahil matagal na silang magkarelasyon ay ni minsan hindi siya pinagbigyan ni Andra sa kaniyang hiling. Tanging hipo, subo, at dila lamang ang ginagawa nila ngunit ni minsan ay hindi pa niya nakukuha ang v card ng dalaga. Ito ang dahilan kung saan nakuha ni Jin ang konsepto na lust lang ang dahilan ng pagsasama ng dalawang tao at hindi love. Hindi naging maayos ang kanilang relasyon hanggang sa bumalik na sa Pilipinas si Andra. Pagkatapos noon ay nakipaghiwalay na ang dalaga sa kaniya. Ayaw man tanggapin ito ni Jin subalit wala siyang lakas upang hindi niya sundin ito. Nananatili pa rin ang pagmamahal niya kay Andra ngunit nagbago iyon nang makilala niya si Maxine. Naging magulo ang kaniyang isipan nang dumating sa kaniyang buhay si Maxine, iniisip na baka katulad lang siya ng ibang babae at ni Andra kaya sinusubukan niyang layuan si Maxine. At ngayon na nasa kotse siya, kinontra ang kaniyang desisyon na 'wag na gambalain pa si Maxine. Pinaandar na niya ang kotse at pinaharurot papunta sa bahay ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD