Chapter 44 *Rachel* Nakatulog naman ako kagabi pero para akong puyat. Kanina pa ako gising mula no’ng maramdaman ko ‘yong kaniya. Pati t***k ng puso ko hindi rin kumakalma. Samantalang ‘tong lalaki na ‘to, ang sarap-sarap ng yakap at tulog sa likuran ko. Hindi niya ba alintana na mabigat siya at ang laki ng binti at braso niyang nakapatong sa akin? Sa totoo lang ay kanina pa ako naiinis. Gusto kong umihi pero tuwing gagalaw ako, sasabihin nuyang tumahimik at huwag malikot dahil baka magising si Romeo. “Damn it!” Bulalas ko dahil ang sakit na ng puson ko. Lalo pa akong giniginaw dahil sa pagpipigil ko ng ihi. Hinawakan ko ang braso niya at inangat. “Mmm,” boses niya. “Ihing-ihi na ako, Robert!” madiin kong bulong sa kaniya. Minulat niya agad ang mga mata. Halatang inaantok pa. Si Rome

