Chapter 43 *Rachel* “Sorry,” saad ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Nadala ako ng emosyon ko kaya pati ako ay napaiyak din ng husto. Naging awkward bigla ang paligid kaya lumayo muna ako at hinayaan si Romeo kay Robert. Halos ayaw nang humiwalay ni Romeo kay Robert mula pa kanina. Kahit sa hapunan ay magkatabi sila. Ngayon ko lang nakitang ganito kasigla si Romeo. Sobrang daldal pa at hindi nauubusan ng kwento sa daddy niya. Hindi niya ‘to nagawa sa akin kaya parang nakaramdam ako ng konting selos. Limang taon niya akong kasama pero isang kita pa lang niya kay Robert, parang kulang ang limang taon namin sa Barcelona. Kung magkwento siya sa daddy niya para niyang nakasama ng matagal. Kung paano rin tumawa si Robert sa mga jokes ni Romeo… tahimik na lang akong napapangiti. Napa

