Chapter 42 *Rachel* “Ikukuha ko lang siya ng damit,” paalam ni Melissa. Tumango ako at sakto namang nasa harapan ko na si Robert. “Kukuha lang si Melissa ng pamalit mo. Pumasok na tayo,” wika ko sa kaniya dahil ang sama na talaga ng panahon. Mabuti nga at may linya pa ng kuryente. “Maligo ka na do’n. Natutuyuan ka na oh,” saad naman niya. “Ikaw din natutuyuan na,” saad ko dahil kanina pa siya nabasa ng ulan. “Edi sabay na tayo maligo,” saad naman niya kaya lumaki ang butas ng ilong ko. “Mukha mo!” Saad ko at pumasok na sa loob. “Feeling naman niya gusto ko siyang makasabay maligo,” bulong ko at umirap sa hangin. Pinag-stay lang siya dito dahil may bagyo at baka ma-stranded siya sa daan dahil mabilis tumaas ang tubig. Masiyado naman siyang nag-e-expect. “Feeling ko… gusto mo rin

