Chapter 41 *Rachel* “Tawagan mo pa ang calling card na ibinigay ko sa’yo para malaman mong iisa rin ang may ari no’ng numero,” makahulugang saad niya. Nakasimangot kong kinuha ang calling card at tinignan kung pareho sila ng number. Mas lalo akong sumimangot nang makitang pareho nga. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Siya pala ang ka-meeting ko. Siya rin ang dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas. Plinano niya ba ‘yon? Tumaas ang isang kilay nang may maalala. Tinawagan ko siya kagabi at may narinig na ungol ng isang babae. “Ikaw pala si Reynald,” saad ko. Tumango naman siya. “Iyon na ba ang bago mong pangalan?” tanong ko. Umiling siya at tinawag ang waiter. Humingi siya ng isang menu book. Habang tumitingin doon ay nagsalita siya. “Hindi. Nagsinungaling lang ako para makausap ki

