Chapter 14 *Rachel* “Rachel,” tawag sa’kin ni Trojan pero lutang ang isip ko. “Are you okay?” Banayad na tanong niya. Mula sa pagkakatulala ay nilingon ko siya. “Uhm, y-yes. Oo naman,” sagot ko. “You’re not,” saad naman niya. “Kanina ka pa tulala. Ni hindi ka nagre-response sa mga sinasabi ko sa’yo,” seryosong wika niya. Napatitig ako sa basong hawak ko na may lamang orange juice. “Ayos lang ako,” wika ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saka siya nginitian. “Hangover lang ‘to,” dagdag ko pa. Para ngang lumala ang hangover ko dahil sa nangyari kanina lang. “Hanapan mo nga ako ng boyfriend,” bigla kong sabi kay Trojan. Nagulat siya pero natawa rin sa huli. “I can be your boyfriend,” nakangising saad niya. He’s making fun of me. Nalukot naman a

