Chapter 15 *Rachel* Kinabukasan… Nagising ako sa ring ng phone ko. Pinilit kong abutin sa may lamesa sa gilid nang hindi bumabangon. “Hello,” bungad ko. Humikab pa ako dahil inaantok pa. “Good Morning, Ms. Rachel. I’m sorry po pero na-move po ang flight niyo today, 3pm po,” wika sa kabilang linya. Alas tres ng hapon? Nawala na agad ang antok ko. Napatingin ako sa phone ko kung anong oras na. Alas otso pa lang ng umaga. Okay lang naman siguro kapag mamayang hapon na ang flight. Pero mas mabuting kausapin ko muna si Robert. Baka nasabihan na niya ang pamilya niya na bukas pa siya uuwi. “Okay lang ba kung tawagan na lang kita mamaya? Update na lang kita kasi tatanungin ko pa ‘yong kasama ko,” saad ko. “Okay po, Ms. Rachel,” saad niya. Binaba ko ang tawag at bumangon na. Pupuntahan ko

