Chapter 13 *Rachel* Masakit at mabigat ang ulo ko. Iyon ang nagpagising sa akin. Idagdag pa na naiinitan ako at hinahanap ang lamig ng air con. Mariin akong nakapikit dahil ayaw ko pang bumangon. Tinatamad pa ang katawan ko at mabigat ang pakiramdam. Hinaplos ko ang hinihigaan para mas damhin ang pagkakahilata ko sa kama. Bahagya ko pang inamoy. Napangiti ako dahil ang bango. Nanunuot sa ilong ko. Natigilan ako at inamoy uli. Nakapikit pa rin ang mga mata ko pero ang diwa ay gising na. Nagbago na ba si Lisa ng fabric conditioner? Nagbago yata ang amoy ng bedsheet at punda ng unan ko. Kumunot ang noo ko at inamoy uli. Hindi ito fabric conditioner. May kapareha ang amoy na ‘to. Saan ko na nga ba ‘yon naamoy? Inamoy ko uli. Napamulat agad ako ng mata. Kay Robert! Ganito ang amoy ni Robert

