CHAPTER NINE
MATAPOS ang ilang minutong paglangoy ay hindi ko na alintana ang lamig ng tubig. Iniwan ko sa bato ang flashlight at balabal ko. Nakalutang lang ako sa tubig sa loob ng ilang minuto nang marinig ko ang boses ni Carson.
“Cris?”
Napabalikwas ako. Nakita ko ang pigura niya na nakatayo sa tabi ng bato kung saan siya nakatuntong noong unang beses kaming nagkakilala.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat kong tanong.
“Nagising ako na wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita. Hindi ka ba nilalamig?”
Nag-alala siya nang mawala ako sa tabi niya? Hindi ko inaasahang maririnig `yon mula kay Carson. Hindi ko rin ikakaila na parang may kumalabit sa puso ko dahil doon.
“Hindi na kasi ako makatulog,” sagot ko. “Maraming beses na rin naman akong naliligo rito nang madaling araw. Bumalik ka na kung inaantok ka pa. Okay lang ako rito.”
“Hindi na ako makakatulog. Sasamahan na lang kita rito. Ang ganda-ganda ng view sa harap ko, eh.”
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Bolahin ba `ko? Hindi naman `yon ang sinabi niya sa akin nang unang beses kaming magkita rito.
“Ihilamos mo na lang `yan, Mr. Florencio. Halika, maligo tayo.”
“Ang ginaw, eh,” paingos na reklamo niya.
“Halika na,” sabi ko pa. “Ang sarap ng tubig, subukan mo.”
Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya nang lumapit siya sa tubig. Inilubog ni Carson ang isang paa niya at napahiyaw siya dahil sa ginaw. Natawa tuloy ako. Kalalaking tao pero takot sa tubig.
Nakita ko siyang nanginginig pa nang tuluyang lumubog ang kalahati ng katawan niya sa tubig. At nang lumangoy siya papunta sa akin ay para na siyang basang sisiw.
“A-ang ginaw! Pa’no mo `to natitiis?”
“Sanayan lang,” napakibit-balikat na sagot ko. Napapisik si Carson nang basta ko na lang wisikan ng tubig ang mukha niya. Bago pa man siya makareklamo ay lumangoy na ako palayo sa kanya.
“Gusto mong maglaro, huh.”
Lumangoy si Carson papunta sa akin at agad niya akong hinuli sa baywang. Pigilan ko mang mapahagikhik ay wala ring silbi. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang baba ko. Natahimik ako at sinalubong ang mga titig niya.
Malakas na namang kumakabog ang dibdib ko. Ikinulong ni Carson ang mukha ko sa mga kamay niya at ginawaran ako ng mariing halik sa mga labi. Ipinikit ko ang mga mata ko at buong pusong tinugon ang mga halik niya.
“Halika,” bulong ni Carson sa pagitan ng mga halik niya.
“Hmm?”
Hinapit niya ako sa baywang at naramdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita niya sa tiyan ko. Napalunok na lang ako.
“Gising na uli si Jun-jun. Alam mo na `yon.”
Umingos ako para itago ang pag-iinit ng mukha ko. Loko talaga `to. Hindi na rin ako binigyan ng pagkakataon ni Carson na makatutol dahil pinangko na niya ako at muling hinalikan sa mga labi. Napayakap naman ako sa leeg niya.
Umahon kami sa tubig at dinala niya ako sa malaking bato. Naramdaman ko ang magaspang na bato sa likod ko nang ihiga ako ni Carson. Muli niya akong hinalikan habang abala ang mga kamay niya at dahan-dahang ibinaba ang strap ng damit ko.
Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa hiya nang mahantad sa mga mata niya ang dibdib ko. Aminado naman akong hindi ako gaanong pinagpala sa ganitong aspeto at malayo ako sa mga tipong babae ni Carson. Naitakip ko tuloy ang mga braso ko sa dibdib ko.
“You don’t have to hide this little beauty, wife,” he says huskily. “They’re perfect.”
“Perfect mong mukha mo.”
Nginisihan niya ako at inalis ang mga kamay ko.
“Hindi ka sanay na pinupuri, `no?”
“Ikaw pa lang ang nakakakita nito,” pakli ko.
“Ah, kaya blessing ang tawag ko rito.”
“`Dami mong alam na kalokohan.”
Kinintalan niya ng halik ang mga labi ko para patahimikin ako. Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Napasinghap na napaigtad ako. Kanina lang ay nilalamig ako pero ngayon, para akong inaapoy ng lagnat. Lahat ng himaymay ng katawan ko ay buhay na buhay dahil sa ginagawa ni Carson.
He traces every part of my body with his mouth with mixed gentleness and roughness. He makes me feel how much he wanted me but still chose to take his time. He claims and fondles my breasts hungrily. Doon nga yata siya pinakanagtagal.
I’ve been moaning and catching my breath the whole time. Napapaigtad at napapapisik pa rin ako but my body eventually surrendered to him. And when our bodies finally joined together, halos bumaon ang mga kuko ko sa likod niya.
There is pain and I almost thought my body will be ripped apart. Naramdaman iyon ni Carson at nag-alangan siya. Tama nga ako. Mas bagay na tawagin na ‘Jumbo’ ang p*********i niya kaysa ‘Jun-jun’.
“I think we should stop—”
“Huwag,” maagap kong pigil sa kanya.
“Pero, Misis...”
“It’s almost there, Carson. I’ll be okay. Alalahanin mo `yong usapan natin. Si Carson Junior,” paalala ko sa kanya. “Besides, you’re still hard. Huwag mong sabihing itutulog mo si Jun-jun nang ganyan.”
“Marami namang paraan, eh,” makahulugang sabi niya.
“E pa’no `ko?” napalabing sabi ko. “Kailangan ko pa bang magmakaawa sa`yo?”
“I’m hurting you.”
“I’ll be okay.”
Nginitian na rin ako ni Carson bago niya inangking muli ang mga labi ko. And he made that one thrust and finally we are one. Hindi napigilang tumulo ng luha ko.
Carson plants butterfly kisses on my face.
“Are you okay, wife?”
“Y-yes.”
The pain is bearable, anyway. At wala akong nararamdamang pagsisisi. Pinahid pa ni Carson ang mga mata ko.
“Kaya ba ayaw mo sa mga virgin? Kasi...”
“Meron pang ibang dahilan,” putol niya at hinalikan ako sa noo. “Pero para sa `kin, ikaw lang ang nag-iisang virgin.”
“Hanggang kanina,” pakli ko.
“Shall we get back to business?” makahulugan niyang tanong.
BAGO pa man sumikat ang araw at magising sina Nanay at Nanang ay nakabalik na kami ni Carson sa kwarto. Mula sa talon ay binuhat niya ako. Nagpalit kami ng damit. Hindi na kami bumalik sa pagtulog. Nahiga lang kami sa kama. Pinipilit niya akong humiga sa braso niya pero tumatanggi ako kasi ayoko namang mangalay siya. Niyakap na lang niya ako sa baywang habang ang isang kamay niya ay minamasahe ang dibdib ko. Nakikiliti at nare-relax ako sa ginagawa niya, sa totoo lang.
“Bakit mo ba pinagdidiskitahan ang dibdib ko?” kunwari ay sita ko sa kanya.
“Meron akong aaminin sa`yo,” sabi naman niya.
“Ano?”
“Na-love at first sight ako dito.”
Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
“Ano’ng sabi mo?” gulat na tanong ko.
Carson chuckles.
“Uy, kunwari hindi niya naiintindihan,” tukso niya sa `kin.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran.
“Eh, bakit mo sinabing hindi ako mala-diyosa sa ganda kung nagkataong diwata ako?”
“Naniwala ka ro’n?” gulat na gulat na tanong niya.
“Sipain kita riyan, eh,” angil ko.
Magsasalita na sana si Carson nang narinig namin ang boses ni Nanay sa labas ng kwarto.
“`Nak, gising na ba kayo ni Carson?”
“O-opo, Nay,” sagot ko naman. Nakakapanibago. Dati basta na lang pumapasok si Nanay sa kwarto ko pero ngayon, kailangan pa muna niyang kumatok.
“Lumabas na kayong dalawa. Nakapagluto na kami ng agahan ni Nanang. Kumusta ang tulog n’yo?”
“Hindi ho kami nakatulog,” nakangising sabat naman ni Carson.
Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata.
“Ay, gano’n ba?” Dinig na dinig ko pa ang hagikhik ni Nanay. “Siguradong nagutom kayo. Tara na, samahan n’yo na kami. Marami naman kayong oras para gumawa ng baby.”
“Sige po, `Nay. Lalabas na po kami ng asawa ko.” Mabilis na bumangon si Carson at nagsuot ng T-shirt mula sa backpack niyang nakasabit sa pinto ng aparador ko.
Napabangon na rin ako at itinali ang buhok ko. Bahagya akong napangiwi. I’m still sore down there. Mukhang hindi ako makakalakad nang maayos nito.
“Halika na, Mrs. Florencio.”
Napasinghap ako nang basta na lang akong pangkuin ni Carson.
“Ano’ng ginagawa mo?” nanlalaki ang mga matang tanong ko.
“Bubuhatin na kita para hindi mo na kailangang maglakad.”
“Nakakahiya,” sabi ko at hinampas siya sa dibdib.
“Bakit? Binuhat nga kita kanina, `di ba? Saka `di kita nabuhat noong kasal natin kaya ngayon na lang.” Carson playfully wiggles his eyebrows.
Kunwari na lang ay inirapan ko siya para itago ang pagwawala ng puso ko. Lumabas na siya ng pinto at dinala nga niya ako sa kusina. Gulat na gulat naman sina Nanay habang ako ay hindi makatingin nang deretso sa kanila.
“Ang sweet naman!” napahagikhik na bulalas ni Nanang.
“Ibaba mo na `ko,” sabi ko naman kay Carson.
Maingat naman niya akong ibinaba at inalalayan pang maupo.
“Alam mo, Mister, pabibo ka,” hindi napigilang sabi ko. Agad naagaw ang atensiyon ko ng pamilyar na amoy ng nilagang mais na nasa mesa. Isang malaking lalagyan pa iyon. Mabilis kong hinila si Carson paupo sa tabi ko. “Kain na po tayo!”
PAGKATAPOS naming mag-almusal ay pumunta kami sa bahay ni Apong kung saan tumutuloy sina Don Conrad at ang mga kapatid ni Carson. Ngayong umaga na sila uuwi at ang chopper ang magsusundo sa kanila.
“Kung hindi ka busy, ikaw naman ang pumunta sa mansiyon,” sabi sa akin ni Chamomile. “Pwede tayong lumabas para mag-shopping.”
“At mag-foodtrip,” si Calla na may kinakaing nilagang mais.
“Manood tayo ng Asian Dramas,” si Camya.
“Gusto ko `yon,” napangiting tugon ko naman. Ang babait naman talaga ng mga kapatid ni Carson. Siguro sa kanilang magkakapatid, siya lang ang ampon. “Titingnan ko sa katapusan ng school year.” Kumaway na ako sa kanila. “Mag-iingat kayo.”
Niyakap naman nila akong tatlo bago si Carson. Hindi ko alam kung dapat ko bang sanayin ang sarili ko sa mainit na pagtrato nila sa akin. Pagkatapos nilang magpaalam ay nag-unahan na silang magkakapatid sa pagsakay sa chopper.
“Kung merong pagkakataon, kami naman sana ang dalawin mo sa mansiyon,” sabi naman sa akin ni Don Conrad.
“Makakaasa po kayo, `Lo,” sagot ko at ngumiti. Pero pag-uusapan pa namin ni Carson ang tungkol sa bagay na `yon.
“Pwede kang mag-stay rito hangga’t gusto mo. You deserve a break, Carson. Hindi mo kailangang magmadaling bumalik sa opisina.”
“Gagawin ko talaga `yan, `Lo,” maagap na sabi ni Carson at inakbayan ako. “Lalo na at nagkasundo na kami ng asawa ko na kikilalanin ang isa’t isa.” Malapad ang ngiting tumingin sa akin si Carson. “`Di ba?”
Isang mahinang siko naman ang tugon ko bilang pagsang-ayon. Nang makaalis na ang chopper ay niyaya naman ako ni Carson na ipasyal siya sa ibang parte ng Bianon na hindi pa niya napupuntahan. Naisip kong dalhin siya sa taniman. Bumalik lang kami sa bahay para kunin ang pana at palaso ko. Dumaan kami sa likod ng school. Napansin ko namang pasilip-silip doon si Carson.
“Ang liit ng school n’yo, `no?” pansin niya.
“Tig-isang section lang kasi every grade level,” sagot ko naman. “Ang maganda do’n, lalong naging malapit ang mga estudyante sa isa’t isa.”
“Malaki kasi `yong school ko dati. Tapos lahat ng kaklase ko, may crush sa `kin.”
Hindi kumbinsidong tiningnan ko siya. “Pati lalaki?”
“Lahat ng kaklase kong babae pala.”
“So bata ka pa lang, malandi ka na.”
“Hindi kaya. Alam mo `yong kahit wala pa akong ginagawa, kinikilig na sila?” mayabang na sabi niya.
“So feeling mo si James Reid ka?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Sino `yong James Reid? Akala ko ba, `yong Ruden lang ang ex mo?”
Natawa ako. Kinuha ko na lang ang kamay niya at hinila siya nang magsimula akong tumakbo.