VIII.

2483 Words
CHAPTER EIGHT “`YANG siko mo ba, gawa sa bakal?” reklamo niya. “Ang sakit n’on, ah!” Hinihilot pa niya `yong dibdib niyang sa tingin ko ay tinamaan ko. “Malakas ang kiliti ko, eh,” napakagat-labing sabi ko. “S-sorry. Pero may kasalanan ka rin naman.” “Masakit talaga,” napapangiwi pa ring sabi niya. Bumangon siya at naupo sa kama. Napabangon na rin ako. Hinawakan ko ang nasaktang dibdib niya at dahan-dahang iyong hinilot. His chest feels hard and firm. Bumalik ang tensiyon sa katawan ko. Nahahalata kaya niyang ninenerbiyos ako? “M-masakit pa?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. “Nararamdaman ko pa rin `yong siko mo,” nakaingos na sagot naman ni Carson. Napatingala ako sa kanya. Para lang mahuli siyang nakatingin sa puno ng dibdib ko. Hindi ko namalayan na bumaba na pala `yong strap ng damit ko. “Parang naghahanap din ng sakit `yang mga mata mo,” sita ko. Napakurap naman siya at painosenteng ngumiti sa akin. “Bawal ba? Asawa naman na kita, ah? Staring is not rude anymore.” Kinindatan pa niya ako. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Tumikhim ako at inayos ang damit ko. “KJ,” sabi pa niya. “Tutusukin ko talaga `yang mga mata mo,” banta ko pa. Napatayo na ako. “Sa’n ka pupunta?” tanong niya. “Nagugutom ako. Gusto kong kumain ng binatog.” “Sama ako.” Hindi ko na siya nilingon at lumabas na ako ng pinto. Nagulat ako nang makita ko sina Nanay at Nanang sa labas ng kwarto. Napakunot ang noo ko. Alam ko kung ano ang ginagawa nila at kung bakit dikit na dikit sila sa dingding. “Hi, anak. Kumusta?” painosenteng tanong ni Nanay. “Mabuti naman po, `Nay. Kayo po? Kumusta kayo ni Nanang?” “Sabi ko naman sa`yo, Maricon, hintayin na lang natin sila, eh,” sermon naman ni Nanang kay Nanay. “Nahiya naman ako sa`yo, `Nang.” “Kakain lang po kami,” pigil ang tawang sabi ko at nilingon si Carson sa likuran ko. “Tapos gagawa na kayo ng baby?” tanong ni Nanang. Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Nanang, hindi rin ako pini-pressure masyado. “Kakain lang po kami,” sabi ko na lang. “Huwag po kayong mag-alala,” narinig kong sabi ni Carson. “`Yong panganay namin, honeymoon baby.” Naghagikhikan sina Nanay at Nanang. Napailing naman ako at dumeretso na sa kusina. Nanghalungkat ako at natuwa naman ako nang makita kong ininit ni Nanang ang binatog sa kaserola. Hindi ako nakakain nang maayos kanina at binatog talaga ang hinahanap ng sikmura ko. Naglagay ako ng marami sa mangkok at pinalamig iyon sa mesa. Nalingunan si Carson na nakaupo sa mesa at nakangalumbaba. “Ano’ng gusto mong kainin?” tanong ko sa kanya. Ang pangit naman kung hahayaan ko lang siyang nakatanga sa akin. Baka isipin nina Nanay na hindi ako marunong umasikaso ng asawa. “`Yan din,” tukoy niya sa binatog. “Gaya-gaya ka.” Kumuha na rin ako ng dalawang kutsara at ibinigay sa kanya ang isa nang tabihan ko siya sa mesa. “Mga anak, bakit `yan lang ang kinakain ninyo? Ang daming natirang pagkain sa mga handa kanina,” sabi ni Nanang nang pumasok sila ni Nanay sa kusina. “Gusto n’yo ba, ipaghain namin kayo?” alok naman ni Nanay. “Hindi na po, `Nay, `Nang,” sabi ko. “Solved na ako rito. Ewan ko lang sa isa rito.” “Okay na okay na `ko rito,” mabilis na sabi ni Carson. “Ito na ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko simula nang mapadpad ako rito. Besides, this is the first meal I shared with my wife. I could not ask for more.” Blangko ang ekspresyong piningot ko ang tainga ni Carson. “Payag ka, habang mag-asawa tayo, binatog lang ang ipapakain o sa`yo?” tanong ko. “Pwede naman.” Kinuha niya ang kamay ko mula sa tainga niya at hinawakan iyon nang mahigpit. “Pero huwag `tong tainga ko. Sensitive ito.” Naghagikhikan sina Nanay at Nanang. Nang tingnan ko ang tainga niya ay namumula nga iyon. “Sana tuloy-tuloy na ang pagkakasundo ninyong dalawa,” si Nanay. “Kailan n’yo balak buksan ang mga regalo ninyo?” “Kayo na lang po ang bahala sa mga `yon, `Nay,” sagot ko naman. “Tayo na lang ang bumukas, Maricon, para may magawa naman tayo,” singit naman ni Nanang. “Sabihin n’yo lang kung may kailangan pa kayo, ha?” Nakangiting tumango naman ako. “Sige po, Nang.” Nang iwan na nila kami ni Carson ay nagsimula akong kumain. “Nasa’n ang tatay mo?” tanong niya na ikinatigil ko. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung kailan at sino ang huling nagtanong sa akin kung nasaan na ang tatay ko. “Hindi ko alam. Hindi ko naman siya nakilala habang lumalaki ako,” sagot ko pagkatapos lumunok. “Oh.” Napakasimple lang na tugon iyon mula kay Carson pero alam kong nakuha na niya agad ang sagot. “Do you even know his name?” “Alam ko. Pero wala akong planong i-reach out siya. Kasi wala rin namang magbabago kung makilala ko siya. Ayoko nang makagulo sa kanya at sa pamilya niya. Alam kong ang mga anak niya ang masasaktan kapag nalaman nilang meron siyang anak sa labas. Saka hindi naman ako napariwara kahit si Nanay lang ang nagpalaki sa `kin. Hindi ko siya kailangan.” “I’m sorry. Mukhang hindi ka komportableng pag-usapan.” Nakikain na rin siya. “Okay lang. Ikaw, bakit hindi n’yo kasama ang parents n’yo?” “Ulila na kasi kami at si Lolo na lang ang meron kami,” tipid niyang tugon. “Sorry about that.” “Okay lang. You’re my wife, anyway. I don’t mind sharing everything with you.” Parang ang sarap namang pakinggan n’on. Pero imbes na ngitian ay inismiran ko lang siya. “Wala naman sa mukha mo na loyal ka,” sabi ko. “Medyo judgmental ka lang.” Akmang pipingutin ko siya sa tainga nang maagap niyang hulihin ang pulsuhan ko. “Sige, gawin mo at hahalikan kita,” banta pa niya. PAGKATAPOS naming kumain ay nagpaalam si Carson na kukunin niya ang mga iilan niyang gamit na naiwan sa bahay ni Apong. Abala pa rin sina Nanay at Nanang sa pagbukas sa mga regalo na hindi ko alam kung kanino nanggaling. Nakakatuwa na nag-effort silang regaluhan kami ni Carson pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pagkakasyahin ang mga gamit na `to sa bahay namin. “Hindi pa po ba kayo pagod, `Nay, `Nang?” tanong ko. “Hindi pa, Cris,” masayang sagot naman ni Nanang habang pinupunit ang balot ng isang regalo. “Masyado pa kaming masaya para mapagod. Kayo na lang ni Carson ang magpahinga sa kwarto. Mag-usap kayo at kilalanin ang isa’t isa. `Di ba, may sinasabi ang asawa mo tungkol sa honeymoon baby?” “Sige na, gumawa na lang kayo ng honeymoon baby,” pambubuyo pa ni Nanay. Natatawang niyakap ko silang dalawa. “Pahinga na po kayo pagkatapos nito, ha? Good night, `Nay, `Nang,” sabi ko. “Good night, anak. Alam mo na `yan!” Natatawa na lang ako nang pumasok ako ng kwarto. Kampante lang sina Nanay at Nanang sa pagpapakasal ko. Aaminin ko na mahirap para sa akin ang ibigay ang tiwala ko sa mga lalaki. Pero ano ang mangyayari sa akin sakaling mahulog ang loob ko kay Carson? Makukuha ko nga ang gusto ko pero sapat na ba `yon para maging masaya ako kahit na maghiwalay na kami? Ano ba `tong mga naiisip ko? Masisiraan lang ako ng ulo nito. Humiga na lang ako sa kama at pumikit. “Tulog ka na?” Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Carson. “Pinipilit kong matulog,” sagot ko. “Matulog ka na rin.” “May nakakalimutan ka yata,” sabi niya at naupo sa tabi ko. “A-ano?” kunot ang noong tanong ko. “You owe me a wedding night.” Carson wiggles his eyebrows. Napamaang naman ako. “O-obligado ba `ko ro’n?” salubong ang kilay na tanong ko. “You owe me,” ulit niya. May diin ang bawat salita niya sa pagkakataong ito. Napatihaya ako nang ilagay niya ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. “Mrs. Florencio, hindi tayo pwedeng gumawa ng baby nang hindi nagkakasundo kung kailan natin gagawin `yong... alam mo na `yon. Besides, don’t you think I deserved a kiss from my wife?” Bahagya pang nanulis ang nguso niya. Napalunok naman ako. Ano’ng gagawin ko? Nanginginig sa kaba ang buong sistema ko. Ang akala ko ay mawawala na `yon sa isipan niya kapag nakakain na kami. “Huwag mong sabihing kahit paghalik, hindi ka marunong?” tanong pa niya. “Of course not,” mariing sabi ko. Hindi naman ako NBSB para hindi matutunan kung paano humalik. “Good. Akala ko, tuturuan pa kita, eh. Ano? Gusto mo bang subukan natin o magtititigan na lang tayo hanggang mag-umaga?” “N-ngayon na ba talaga?” “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.” “Pero mukhang handang-handa ka na, o.” Napatukod ako sa mga siko ko. Parang tatalon na ang puso ko nang mga sandaling `to. I wanted this. Hindi pwedeng ako mismo ang umatras. Ilang sandali ring naghinang ang mga mata namin ni Carson bago ko kusang idinikit ang mga labi ko sa mga labi niya. Pakiramdam ko ay kinikiliti ako ng maliliit na boltahe ng kuryenteng gumagapang sa buong katawan ko. Hindi ito ang unang beses na humalik ako ng isang lalaki pero daig ko pa ang first timer dahil sa reaksiyon ng katawan ko. Siguro dahil matagal na rin kaming hiwalay ni Ruden kaya halos nakalimutan ko na ang pakiramdam ng humalik at mahalikan. Pero kakaiba sa pakiramdam ang mga labi ni Carson. Parang inaakit akong idiin pa ang mga labi ko sa kanya. Kasabay ng paghawak niya sa likuran ng ulo ko ay ang pagbuka ko sa aking bibig para maipasok niya ang kanyang dila at laliman ang halik. I could vividly feel how his tongue explored my mouth with eagerness. And his kisses are all I could ever think about tonight. Pakiramdam ko ay nakalutang ako kahit na nakahiga lang ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Tinugon ko ang mga halik niya sa paraang alam ko. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ungol mula sa lalamunan ko. I feel so hot all over. Dahan-dahan akong inihiga muli ni Carson sa kama at inilingkis ko naman ang mga braso ko sa leeg niya. Basta na lang akong napaigtad at napapisik nang maramdaman ko ang kamay niya sa isang hita ko. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niyang iyon. Dahil din do’n kaya naputol ang mainit na halik na pinagsasaluhan namin. Kapwa kami naghahabol ng hininga at puno ng pagtataka ang mga mata ni Carson habang nakatitig siya sa akin. “I-I’m sorry. A-ano kasi...” sabi ko at nakagat ang ibabang labi ko. Napalatak si Carson. Ang akala ko ay magrereklamo na naman siya pero mali ako kasi marahan na siyang tumatawa ngayon. “Wala pa kasing humahawak sa `kin diyan,” nakalabing sabi ko. “I know. Hindi ko nga alam kung bakit nagulat pa `ko.” Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Carson na nauwi ulit sa tawa. “Sorry ka na lang, ako ang napangasawa mo.” Iiwas na sana ako ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko at hinuli ang mga mata ko. “Subukan na lang natin bukas?” tanong niya habang naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi niya. “Gawan natin ng paraan `yang mga kiliti mo.” Pakiramdam ko ay magliliyab na ang mukha ko sa sobrang hiya. “Gagawan mo ng paraan? Talaga lang, ha?” “Mas kailangan natin ng tulog ngayon. Pati si Jun-jun.” Alam ko na ngayon kung sino ang tinutukoy niyang ‘Jun-jun’. Pinigil ko na lang ang sarili kong matawa. Nagulat ako nang mariin niya akong halikan sa mga labi. “You’re not a bad kisser yourself,” sabi pa niya at maayos na humiga sa tabi ko. Ano ang ibig niyang sabihin do’n? Compliment ba `yon? Papalakpak na ba ang tainga ko? “Good night, Mrs. Florencio. Jun-jun, tulog na.” Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako matawa. Nagulat ako nang hapitin ako ni Carson sa baywang at isinubsob sa dibdib niya. Itong araw na `to ay sobrang nakakabaliw. NAGISING ako na nakatalikod kay Carson pero ang mga braso niya ay nakayakap sa baywang ko. Inabot ko ang alarm clock sa nightstand at nakita kong mag-a-alas kwatro y media pa lang ng madaling araw. Hindi nakapagtatakang magising ako nang ganito kaaga. Maaga rin kasi kaming nakatulog ni Carson kasi nga wala rin namang ‘nangyari’. Ito ang unang beses na katabi kong nakatulog ang isang lalaki. Noong kami pa ni Ruden noon, nasobrahan ako sa pagiging conservative. Hanggang halik lang siya sa akin. Kapag naglililikot ang mga kamay niya noon ay agad ko siyang sinasaway at nilalayuan. Kaya siguro niya `ko nagawang pagtaksilan ay dahil sa hindi ko siya mapagbigyan sa mga gusto niyang mangyari noon. Kaya naghanap siya ng iba na isang kalabit lang ay bibigay agad. Nilingon ko si Carson. I like the warmth coming from his body. Mabuti na lang din at hindi siya naghihilik! Sa sahig sana ang bagsak niya. Maingat kong inalis ang mga braso niya at bumaba ng kama. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang mga kurtina. Wala na akong balak bumalik sa pagtulog dahil baka tanghaliin lang ako ng gising. Ngayon ko lang napansin na maliwanag ang buwan ngayon at bilog na bilog. Ugali ko nang magpalipas ng pagsikat ng araw sa talon kapag marami akong iniisip. Noong na-heartbroken ako, halos araw-araw ng madaling araw ako sa talon. Kapag ayokong nakikita nina Nanay at Nanang na umiiyak, tumatakbo lang ako sa talon. Walang makakarinig ng pag-iyak ko doon, eh. Nilingon ko si Carson. Gusto ko sana siyang isama sa talon pero tulog na tulog pa siya, eh. Nilapitan ko siya at pinakatitigan nang mabuti ang mukha niya. “I’ll see you later, Mr. Florencio.” Inayos ko ang kumot niya. Kumuha ako ng balabal at ibinalot sa sarili ko saka lumabas ng kwarto ko. Dumaan din ako sa kusina para kunin doon ang flashlight. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin paglabas ko ng pinto ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD