NANGINGITING pinapanood ni Chelle ang magkakapatid na parang mga batang naghihilaan at sabuyan sa ilog. Kung hindi lang siya pinagod ni Leon ay nakikigulo rin sana ito. Nahihiya nga ito kay Haden at Noah dahil kahit hindi sila nakita ng mga ito ay hindi naman siguro sila mahinang mag-catch-up para hindi mahimigang nilapa siya ni haring lion kaya nawala sila ng halos isang oras. Hindi tuloy sila nakatulong sa dalawa na naghanda ng tanghalian nila. Parang hinahaplos ito sa puso sa nakikitang masayang samahan ng magkakapatid. Kahit na lumaki ang mga ito na magkakalayo-layo at iba-iba ang ina. Hindi iyon naging dahilan para hindi sila magkakalapit na magkakapatid. Sa siyam magkakapatid kasi na Madrigal ay apat lang ang anak ng Mommy Anastasia nila. Si Delta, Drake, Angelique at Sharanaya l

