“ANO? MAGDI-DAY OFF kaming lahat? Sigurado ka ba diyan, iha?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Yaya Aura. “Opo, Yaya. Huwag kayong mag-alala kasi aalis din ako. Pupuntahan ko si Nanay. Kaya walang tao dito sa bahay maliban doon kay Manong Noli. Ang tinutukoy niya ay ang security guard na kinuha ni Raizer noong umalis ito last week. “Siya ang magbabantay ng bahay?” paniniguro ni Yaya Aura. “Tama po kayo diyan. Hindi pa kasi siya puwedeng mag-day off dahil isang linggo pa lang niya ngayon sa trabaho. Next time na lang siya mag-day off,” paglilinaw niya. “Hindi mo ba kailangan si Lito? Malayo din ang biyahe papunta sa Manila,” paalala ni Yaya Aura. “Hindi na po,” sagot ni Kaye kasabay nang iling. “Kaya ko na po iyon. Magda-drive lang naman. Saka dalawang oras lang po iyon, kayang-kay

