Rouge’s POV
Buong gabi akong pabaling-baling sa higaan at hindi makatulog ng maayos. Until now, I'm still thinking if this is reality or I just went crazy. Am I really inside a book? If this is real, then how am I supposed to go back to my world?
Kamusta na kaya si Mama? Malamang nag-aalala na yun sakin. Malamang tinawagan niya na sila Tito Tom para tulungan siyang hagilapin ako. Baka kung ano pang mangyari sa kanya kung hindi ako makakabalik agad. Si Tim kaya? I know him. Once na nalaman niyang nawawala ako, sisisihin niya ang sarili niya kasi hindi niya ako pinilit matulog sa kanila nung isang gabi. Ayokong mangyari iyon. Kailangan ko na talagang bumalik. Pero paano nga ako babalik?
Wait. Kung may daan papasok dito, ibig sabihin may daan din palabas, diba? Posible kayang nasa kakahuyan din kung saan ako natagpuan ni manong Servino makikita ang daan palabas?
Agad akong tumayo at niligpit ang hinigaan ko. Kailangan kong bumalik sa kakahuyan at hanapin ang sagot.
Nang matapos ay agad akong lumabas ng kwarto at hinanap ang matandang lalaki. Inaasahan kong makikita ko siyang natutulog sa kusina pero wala siya.
Dahil hindi ko siya matagpuan sa loob at labas ng bahay, napagpasiyahan kong mag-iwan nalang ng sulat para sa kanya. Kumuha ako ng uling mula sa lutuan at dinurog iyon saka nilagyan ng kaunting tubig para gamiting panulat. Pumunit din ako ng isang parte ng damit ko at doon nagsimulang magsulat gamit ang matulis na kahoy na nakita ko.
Alam kong napakalaking estranghero ni manong sakin at hindi tamang pagkatiwalaan ko siya ng buhay ko ngayon pero may isang parte na nagsasabi sa akin na mabuti siyang tao at hindi niya ako sasaktan. Isa pa, kagaya ng sinabi niya kahapon, wala naman akong kasama o matatakbuhan na iba kaya sa ayaw ko man o sa hindi, habang hindi ko pa nalalaman ang dapat kong gawin, pagkakatiwalaan ko muna si manong Servino.
Kahit medyo madilim pa ay sinimulan ko ng hanapin ang daan patungo sa kakahuyan ng Arsenia. Mabuti na lamang at parang iisa lang talaga ang daan papunta doon, ang daan na tinahak namin kahapon ni manong.
Sumikat na ang araw nang marating ko ang b****a ng kakahuyan. Hindi katulad kahapon, mas napagmasdan ko na ang itsura nito. Kung titignan mula sa kinatatayuan ko, parang nasa loob ka talaga ng fairytale dahil sa taas at laki ng mga puno dito. Marami ring mga nakalaylay na baging at rinig na rinig ang huni ng mga ibon. Idagdag pa ang sikat ng araw na nagbibigay ng kinang sa kapaligiran.
Isa lang ang ikinatatakot at dahilan kung bakit nanginginig ang tuhod kong tuluyang pumasok sa kakahuyan. Pakiramdam ko may nanunuod sakin ngayon. Pakiramdam ko mayroong isang malaking nilalang na bubulaga sakin anumang oras... pero kailangan kong kainin ang takot ko. Kailangan kong makahanap ng paraan para makauwi.
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka matapang na lumakad papasok ng kakahuyan. May nakita rin akong isang matibay na sanga sa daan at naisip na dalhin iyon bilang pamprotekta.
Ilang minuto na akong naglalakad habang nag-oobserba ng paligid nang mapansin kong hindi ko na pala alam ang dinadaanan ko at kung nasaan ako. Hindi katulad ng dinaanan ko kanina papunta sa kakahuyan na mayroong iisang daan lang, dito ay napakaraming pwedeng daanan kaya hindi ko na malaman kung saan ang papunta sa lugar na pinagbagsakan ko.
"AAAH!" sigaw ko bago tumama ang mukha ko sa lupa. Hindi ko napansin ang isang ugat ng puno sa harap ko kaya natalisod ako.
"Ouch..." Hindi ko mapigilang mapangiwi habang sinusubukang umupo dahil sa hapdi na nagmumula sa kanang paa ko. Sumandal muna ako sa malaking puno saka tinignan ang pinagmumulan ng hapdi. Kagaya nga ng hinala ko, nagkaroon ng sugat ang paa ko mula sa paggasgas nito sa ugat.
Habang nakatitig sa sugat, naramdaman ko nalang ang isa-isang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Hindi dahil sa sakit kundi dahil unti-unti na akong nababalot ng lungkot at takot.
Kahapon parang hindi pa nagsisink-in sakin ang sitwasyon ko pero ngayon, habang pinagmamasdan ko ang malalaking puno sa paligid ko, habang hinahanap ko ang lugar pabalik samin, habang nag-iisa ako, bigla akong nakaramdam ng matinding takot.
Paano kung hindi na ako makabalik?Paano kung hindi ko na makita ang mga taong mahal ko? Paano kung malaman nilang hindi ako tagarito? Paano ako?
Hindi si Manong Servino ang estranghero dito, ako. Ako ang estranghero sa mundo nila na hindi alam kung paano babalik sa sarili niyang mundo. Mag-isa lang ako. Walang matatakbuhan. Walang aasahan. Wala si Timothee, wala si Tita Lizeth at Tito Tom, wala si Mama. Ako lang. And ever since I was born, this is the first time I felt alone. I never knew it was this scary. I never knew it was this lonely.
Gusto ko ng umuwi.
Tita Lizeth...
Tito Tom...
Timothee...
Mama...
Kahit sino, please! Ibalik niyo na ko sa mundo ko.
***
Zarek's POV
"Narinig mo ba iyon?" tanong sakin ng mahal na prinsipe nang makarinig kami ng isang sigaw na sa tingin ko ay nagmula sa isang babae.
"Kailangan na po nating bumalik sa palasyo," paalala ko rito. "Baka po hinahanap na kayo ng hari."
Hindi ko alam kung nakikinig ba sa akin ang prinsipe dahil nakatingin pa rin ito sa direksiyon na pinanggalingan ng boses.
Hindi alam ng hari na narito kami sa kakahuyan ngayon. Ang alam niya lamang ay nag-aaral ngayon ang prinsipe sa kwarto nito.
"Puntahan natin ang pinagmulan ng tinig," sabi nito nang hindi tumitingin sakin saka mabilis na pinatakbo ang kanyang pegasus.
"Sandali, mahal na prinsipe!" sigaw ko saka pinatakbo na rin ang aking pegasus para makahabol sa kanga. Nang nasa tabi niya na, nagsalita muli ako. "Akala ko ba pumunta ka rito upang paamuhin ang Hippogriff?"
"Sandali lamang ito. Nais ko lamang malaman kung sino ang matapang na nilalang na pumasok sa kakahuyan ng Arsenia. At isa pa, malay mo doon pala natin matatagpuan ngayon ang hippogriff?"
Hindi na ako sumagot sa prinsipe dahil bukod sa alam kong hindi na magbabago pa ang isip niya, bahagya rin akong nagkainteres sa taong pumasok sa kakahuyang ito.
Kilala ang kakahuyan ng Arsenia dahil sa hippogriff na nakatira dito. Ang hippogriff ay isang giya o isang nilalang na nirerespeto at itinuturing na gabay ng kaharian. Ito ay may harap na katawan, pakpak, at kuko ng isang agila ngunit ang katawan sa likod ay parang sa kabayo. Malaki rin ang isang hippogriff at itinuturing na isa sa mga pinakamalakas at pinakamabilis na giya. Dahil dito, bihira ang tao, marunong mang gumamit ng mahika o hindi, na pumapasok sa kakahuyang ito. Kaya ganun na lamang ang interes namin sa boses na narinig lalo pa't tila galing ito sa isang babae.
Sandali lamang at narating na namin ang pinagmulan ng boses. Sa ilalim ng malaking puno, naroon ang isang babaeng nakayuko at tila umiiyak. Maya-maya pa at nakita ko ang prinsipeng bumaba mula sa kaniyang pegasus at lumapit sa babae.
"Sandali, mahal na prinsipe. Hayaan mong ako na ang lumapit," pagpigil ko sa kanya. Hindi pa namin alam kung sino ang babaeng ito. Maaaring isa siyang Itinakwil na pumunta rito upang saktan ang prinsipe.
"Huwag kang mag-alala. Nararamdaman kong hindi siya masamang tao."
Nagtuloy-tuloy sa paglapit ang prinsipe pero tila hindi siya napapansin ng babae dahil hindi ito nag-iiba ng posisyon. Bumaba na rin ako sa pegasus at tumabi sa prinsipe upang madali siyang maprotektahan sa kung ano mang gawin ng babae.
"Sino ka?" tanong ng prinsipe nang tuluyan na kaming makalapit sa babae ngunit hindi ito sumagot kaya inulit ng prinsipe ang tanong niya. "Binibini? Sino ka?"
Hindi pa rin sumagot ang babae kaya naman umupo na ang prinsipe sa harap niya at sinilip ang mukha niya sa ilalim ng kanyang mga braso. Maya-maya pa ay nakita kong bahagyang natawa ang prinsipe.
"Kaya pala hindi tayo marinig ay dahil natutulog siya."
Natutulog? Napakatapang niya namang matulog sa isang delikadong kakahuyan. O may sira lang talaga ang kanyang isip?
"Zarek, buhatin mo siya at iupo kay Annora. Ihahatid natin siya sa kanyang tirahan bago tayo bumalik sa palasyo."
Bahagya akong nagulat sa sinabi ng prinsipe.
"Pero mahal na prinsipe, ni hindi natin kilala ang babaeng iyan. Maaaring isa siyang itinakwil. Isa pa, akala ko ba't nais mong makita ang hippogriff ngayon kaya tayo pumunta dito kahit hindi payag ang mahal na hari?"
Lumapit ang prinsipe sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Huwag ka nang maraming tanong pa. Buhatin mo na lamang siya at iupo sa pegasus."
Muli, itinikom ko nalang muli ang bibig ko dahil alam kong hindi na magbabago ang isip ng prinsipe.
Lumapit ako sa babae at napansing wala itong sapin sa paa. May maliit din itong sugat na sa tingin ko ay resulta ng pagkadapa. Napansin ko rin ang pananamit niya na kahit tila may pagkakapareho sa pananamit ng mga normal na tao ay may kakaiba pa rin.
"May problema ba, Zarek?" tanong ng prinsipe na ngayon ay nakaupo na sa kanyang pegasus.
Nang marinig ko ang boses niya, saka ko lang naalala ang utos niya kaya naman itinigil ko na ang pag-obserba sa babae at iniakbay ko na ang kaliwang kamay niya sa balikat ko. Tila naman bahagyang nagising ang babae dahil gumalaw ito at nagsalita.
"Weytma fayvmispa."
Agad kong naitulak ang babae saka nagmadaling lumakad palayo dito.
"Ouch!" sigaw nito nang tumama ang ulo niya sa katawan ng puno.
"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong sa akin ng prinsipe at bumaba muli mula sa kanyang pegasus.
"May sinabi siya na hindi ko maintindihan. Tila isang engkantasyon. Hindi kaya isa siyang Salamangkero? O di naman kaya ay isa ngang Itinakwil?"
Tumingin muli kami sa babae habang hinihimas niya ang bahagi ng ulo niyang nauntog.
"Ano bang problema ni-- omg!" sigaw muli ng babae dahil itinapat ko agad ang talim ng aking espada sa leeg niya.
"Sino ka?" tanong ko. Hinintay ko ang sagot ng babae pero hindi namin ito narinig. Sa halip, tumingin lang ito sa akin saka isa-isang tumulo ang mga luha niya na ipinagtaka ko.
Ilang segundo pa, lumapit na sa amin ang prinsipe at inilayo ang espada ko mula sa leeg ng babae.
****
Rouge's POV
Kahit naibaba na ang espada mula sa pagkakatutok sa leeg ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Ni hindi ko nga alam kung humihinga pa ako ngayon sa sobrang takot. Akala ko oras ko na talaga nang mga sandaling iyon.
"Ayos ka lang ba, binibini?" tanong ng lalaki na naglayo ng espada sakin. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"
"R-rouge," sagot ko habang humihikbi.
"Rouge..." Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtaas ng lalaki sa mukha ko at tinitigan ang mga mata ko.
Sandali, ngayon ko lang napansin. Ang lalaking ito ay may asul na mata. Hindi kaya...
"Mahal na prinsipe--" hindi natapos ng isang lalaki ang pagsasalita dahil itinaas ng lalaking nasa harap ko ang isang kamay nito.
Mahal na prinsipe?!
"Huwag kang mag-alala, Zarek. Isa siyang mandirigma," sabi ng prinsipe saka tumayo at bumalik sa...
Sa isang kabayo na may... pakpak?
Agad kong pinunasan ang mga mata ko at bahagyang kinusot para masiguradong hindi gawa-gawa ng utak ko ang nakikita ko sa harapan.
"Pegasus?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala. "Dalawang pegasus?!"
Pakiramdam ko'y kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawang kabayong may pakpak sa harap. Isa dito ay kulay white na parang mas malambot at makintab pa sa buhok ko ang mga balahibo. Ang isa naman ay kulay silver na may makintab rin na balahibo.
"Bakit tila hindi ka makapaniwala? Para bang ngayon ko lang nakakita ng pegasus?" natatawang puna ng prinsipe.
Hello! Pegasus yan! Kabayong lumilipad! Malamang ngayon lang ako nakakita niyan. Pero imbis na magsalita, dahan-dahan nalang akong tumayo para lumapit sa mahihiwagang nilalang pero bigla akong nawalan ng balanse dahil biglang kumirot ang sugat ko sa paa. Mabuti na lamang at nasalo ako agad ng prinsipe.
Wait, what?
Isang prinsepeng may puting pegasus ang sumalo sakin mula sa muntikang pagkahulog? Is this the confirmation I need? Am I really inside a fairytale? Am I the main character? And just like any other main character in fairytale, will I be a princess in the end?
Shoot! Baka nga hindi lang ako simpleng estranghero sa kwentong ito. Baka ako nga ang bida. Hindi ko mapigilang mapangiti sa naisip.
Dahil magkalapit ang mukha namin ng prinsipe, sinamantala ko na ito para titigan siya.
Hmm. Bakit ngayon ko lang napansin? Ang pogi pala ng prinsipe? With his blue eyes, ash gray hair, fair skin, and masculine body, he looks so yum-- I mean, he's hot.
Tinignan ko rin ang kasama niyang lalaki na tinatawag niyang Zarek.
Oh my. He's the epitome of tall, dark, and handsome. Ngayon ko lang din napansin ang kulay ng mata niya. Kagaya ng pegasus niya, kulay silver din ang mata niya. Ibig sabihin isa siyang Espesyal, tama ba? Kasi imposible namang itinakwil siya dahil pinuprotektahan niya ang prinsipe.
"Matutulog ka ba diyan? Baka nais mo nang tumayo ng maayos," sabi ni Zarek habang walang emosyong nakatingin sakin.
Yun lang. Dun siya sablay. May attitude si kuya.
Dahil nakaramdam na rin ako ng hiya, tumayo na ko ng maayos at nagpasalamat sa prinsipe saka dumiretso na sa pinakamagandang bagay na nakita ko simula ng mapadpad ako dito-- ang mga pegasus.
Alam niyo ba na kung hindi ko magiging doctor in the future, veterinarian ang second choice ko. I just love the animals so much.
Nang nasa harap na ko ng puting pegasus, para bang iniengganyo niya kong hawakan siya kaya naman itinaas ko ang kamay ko ngunit bago pa man ito dumampi sa malambot na balahibo ng pegasus, may pumigil na sa akin.
"Hindi mo ba alam ang batas?" tanong muli ng masungit na lalaki. "Bawal hawakan ang anumang pag-aari ng Royal ng walang pahintulot nila."
What? Nooo! Hindi ako papayag na hindi ko mahawakan ang isang alamat na katulad ng pegasus.
Okay, I guess kailangan ko ng gawin ang pinagbabawal na teknik.
Yumuko ako at nag-pout saka dahan-dahang tumingin sa prinsipe na may nakakaawang mata. Napansin kong medyo nagulat ito.
Okay, I think it's working.
With my nakakaawa but cute face pa rin, tumingin din ako kay boy sungit. Baka sakaling maawa siya at hindi na ako pagbawalan.
"Hindi gagana sakin yan." sabi nito sa kanyang malalim na boses.
Mission failed.
"Hayaan mo na, Zarek." Nabalik ang tingin ko sa prinsipe nang magsalita muli ito na ngayon ay nakangiti na. Pogi talaga. "Sige, binibini, binibigyan kita ng pahintulot na hawakan si Gelan."
"Gelan?" Hindi ko mapigilang mapangiti nang sa wakas ay nahawakan ko rin ang ulo ng puting pegasus. "Ikaw pala si Gelan."
"Siya ang pegasus ko," sabi ng prinsipe saka itinuro ang kulay silver na pegasus. "At iyon naman si Enel, ang pegasus ni Zarek."
"Hello-- eherm. K-kamusta, Enel?" sabi ko saka lumapit kay Enel at hindi tumingin sa dalawang lalaki.
Natuwa naman ako dahil sinalubong ako ni Enel ng pagdila sa pisngi.
"Aba, mukhang gusto ka ni Enel, ah? Bihira iyang mangyari. Tanging si Zarek lang ang nakakapagpaamo sa pegasus na yan," natutuwang sabi ng prinsipe.
Nang tignan ko naman yung masungit na lalaki ay parang hindi rin ito makapaniwala.
"Nararamdaman ng mga hayop kung masama o mabuti ang intensyon natin sa kanila. Doon nila ibinabase ang pakikitungo nila sa atin. At sa ngayon, alam kong nararamdaman ni Enel na wala akong masamang intensyon sa kanya. Hindi ba, Enel?" tanong ko sa kulay pilak na pegasus saka hinaplos ang ulo nito.
"Mukhang marami kang alam sa mga hayop at giya, ah?" tanong ni Zarek, this time hindi na sa pagalit na tono.
Giya? Ano yun?
Gusto kong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko mapapansin nilang hindi ako taga-rito kung magtatanong ako ng magtatanong. Pinagpatuloy ko nalang ang pakikipag-usap sa mga pegasus kaso ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang nagwala ang dalawang pegasus kasabay ng biglaang pagsayaw ng mga puno dahil sa malakas na ihip ng hangin.
"Nandito na siya," nakangiting sabi ng prinsipe.
"Sino?" hindi ko mapigilang magtanong.
"Ang giyang nakatira sa kakahuyan na ito. Nandito ang hippogriff," nakangisi namang sagot ni Zarek.
Hippogriff? Sounds familiar.
Sandali akong nag-isip kung saan ko narinig ang term na iyon at biglang naalala ang lesson namin sa literature.
Oh, s**t.
That's not the hippogriff that they're talking about, right?
"Aaaah!" sigaw ko nang muntikan na akong tangayin ng malakas na hangin. Mabuti nalang at nahawakan ako sa braso ni Zarek.
"Salamat."
"Isa kang mandirigma, hindi ba? Patunayan mo ang katapatan mo ngayon sa kaharian. Magtulong tayong protektahan ang prinsipe," bulong nito sa akin saka ako itinulak sa harap.
Mandirigma? Ako?
"Ang mga may kulay kape na mata naman katulad natin ay nagmula sa lahi ng mga mandirigma. Ang lahi natin ang nangunguna sa mga labanan at may misyong protektahan ang mga Royal kahit kapalit ang ating buhay."
Oh, s**t. Oo nga pala!
Pero hindi naman ako totoong mandirigma, eh. Anong gagawin ko? Hindi ako pwede sa harap. Ayoko pang mamatay.
Humarap muli ako kay Zarek.
"Z-zarek, ano kasi--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla kong naramdaman ang pag-alog ng lupa na para bang may malaking bagay na bumagsak dito kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa likod at nakita ang isang hayop na kailanman ay hindi ko naisip na makikita ko sa totoong buhay, isang hayop na kailanman ay hindi ko hiniling na makalaban.
"H-hippogriff."
***