Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nang makuntento ay umalis na. Nakasuot lang ako ng jeans at simpleng puting t-shirt na pinaresan ng adidas kong sapatos. Regalo pa ni papa nu’ng nakarang birthday ko. I pursed my lips and smiled. Sa tuwing naiisip ko ang nangyari hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na mapangiti. Kaagad na sinuway ko ang aking sarili dahil hindi puwede. Malayo ang agwat namin ni Leon at hindi dapat ako nahuhulog sa mga taktika niya dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko. Hindi ko dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa niya. Gusto niya lang akong pagsamantalahan ganoon lang ‘yon. Inis na napabuga ako ng hangin dahil nakafru-frustrate siya sa ‘kin. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba para umalis. “Anak, ako na susundo sa ‘yo mamaya,” bi

