Chapter 12

1007 Words

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain. Hindi siya mukhang matakaw at kalmado lang siyang kumain. Mapapansin mo talagang lumaki sa isang mayamang pamilya. “Baka matunaw ako,” aniya at kinindatan ako. Kaagad na nahigit ko ang aking hininga at ang sarap niyang tampalin sa panga. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa bandang dibdib niyang may tattoo. Gusto kong itanong iyon pero pinigilan ko ang aking sarili. Naaasiwa rin ako dahil sa bumabalandra niyang abs at balikat. Napaka-swabe ng kaniyang galaw. “Saan ka galing? May problema ka ba? Ang init ng ulo mo kanina,” tanong ko. Ngumuya siya at tiningnan ako. “Nag-aalala ka ba sa ‘kin?” aniya at nginitian ako. Kaagad na natigilan ako at umiling. “H-hindi ah, t’saka ang feeling mo. Kung ayaw mong sagutin ‘di huwag,” sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD