“Hoy Louisse! Nakikinig ka ba sa ‘kin?” “H-huh?” sagot ko kay Cel. Kaagad na tinitigan naman niya ako. “Kanina pa ako nagsasalita rito. Okay ka lang ba? Mukhang katawan mo lang ang kasama ko pero ang isip mo mukhang ang layo na,” aniya. Napakamot naman ako sa batok ko. “Pasensiya na, Cel. Marami lang talaga akong iniisip these past few days,” wika ko. Kaagad na nginisihan niya ako at tila may naiisip na kabalbalan. “Mukhang alam ko na,” aniya. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Ang alin?” usisa ko. “Iniisip mo siguro si, Leon ano?” saad niya. Halata ang panunukso sa kaniyang boses. “H-hindi ah,” deny ko. “Sus! Kitang-kita naman kasi sa mata mo na disappointed ka at hindi na si, Leon ang prof natin sa isa nating subject. Alam ko nu’ng time na ‘yon hindi lang ang mga pulalips

