“Louisse?” Nanlaki ang mata ko at mabilis na umalis sa kandungan ni Leon. Tarantang tiningnan ko siya. “What?” aniya. Halatang naiinis na rin. “May tao sa labas, magtago ka,” bulong ko. He just folded his arms kaya lalo akong nainis sa kaniya. “Leon,” inis kong wika. “Louisse? Nandiyan ka ba? Bigla ka na lang kasing nawala, pinapahanap ka ni, Tito,” ani Grant sa labas. Tiningnan ko si Leon at nakaupo lang. Ang mukha niya’y nakabusangot pa at magkadikit ang kilay.Wala pa yatang balak magtago. “Buksan mo ang pinto para makasigurado akong okay ka lang diyan,” dagdag niya pa. “Douchebag,” ni Leon. Mabilis na tinakpan ko naman ang bibig niya at pinanlisikan siya ng mata. “Hindi ka na makakahalik sa ’kin kapag hindi ka pa magtatago,” warning ko. Tinanggal niya ang kamay kong naka

