Nakasuot ako ng puting bestida at isasama ako ngayon ni papa sa birthday party ng kaibigan niya. Governor din iyon sa kabilang lalawigan. Kaibigan niya iyon at matagal-tagal na rin. Sinusunod ko na lang ang mga sinasabi ni papa at ayaw ko rin naman siyang i-disappoint. Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin at nakuntento naman ako. Kin-lip ko ang kalahati ng buhok ko at nilagyan ng maliit na bow tie styled hair pin. Mas nadedepina ang hugis ng mukha ko at naglagay lang ako ng kaunting face powder at lip tint. Bumaba na rin ako at hinihintay na ako ni papa sa labas. Pinaresan ko lang naman ng simpleng doll shoes na nabili ko sa online shop.
“Ang ganda-ganda mo Louisse, para ka namang manika,” komento ni Manang. Kaagad na nginitian ko naman siya.
“Talaga?” tanong ko. Tumango naman siya nang makailang ulit.
“Salamat Manang, sige na at mukhang naiinip na si Papa kahihintay sa ‘kin,” natatawa kong sambit. Tumango nman siya at kumaway na. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at bumiyahe na kami. Hindi naman masiyadong kalayuan at sa isang hotel naman idinaos ang party.
“Anak, hihingi sana ako ng pabor kung okay lang sa ‘yo,” aniya. Nilingon ko naman siya.
“Ano po ‘yon?”
“I want you to give this to your, Tito George. He’ll appreciate it, I’m excited that you’ll meet Grant too,” ani papa. Hindi naman ako nagreklamo pa at tumango na lang. Wala naman akong magagawa eh kung ano ang gusto niya. Mas pinili ko na lang tumahimik dahil minsan lang din naman siyang humingi ng pabor sa akin. Kahit naman kasi ganoon ay pinapahalagahan niya pa rin ng mga desisyon ko. Hindi siya iyong tipong nanghihimasok sa mga desisyon ko sa buhay. Kahit na overprotective siya sa ‘kin naiintindihan ko naman iyon. Alam kong alam din niya kung ano ang makabubuti para sa akin.
Ilang saglit pa nga ay dumating na kami. Isa itong exclusive na hotel at mukhang ibinook lang para sa bisita.
“Papa,” tawg ko sa kaniya.
“Bakit Louisse?” tanong niya.
“K-kung sakaling mawala ako sa paningin niyo mamaya, nandito lang ako sa kotse. Alam niyo naman po na ayaw ko sa mga parties,” saad ko.
“Pero wala kang kasama rito,” sabat niya. Ngumiti naman ako nang tipid. Nakabuntot kasi sa kaniya ang personal driver niya at magiging bodyguard niya na rin.
“Okay lang po, Pa. May mga security naman po sa labas at magla-lock po ako ng sasakyan,” sagot ko. Tumango naman siya.
“Pasensiya ka na, anak. Talagang gusto ka lang makita ng Tito mo ngayon,” aniya.
“Okay lang pa,” sagot ko at sabay na kaming pumasok sa loob. Marami nga ang bisita at halos wala akong kakilala. Hindi ako mahilig sa politika at lalong wala akong pakialam kung sino sila. Si papa lang ang tinitingala kong politiko dahil hindi lingid sa akin ang mga nagawa niyang proyekto para sa bayan namin. Lumapit kami kay Tito George at kasama niya si Tita Fe at ang dalawa niyang anak. Si Ate Hazel at Grant. Magkasing-edad lang kami ni Grant.
“Mabuti naman at nandito na kayo,” nakangiting bati sa amin ni Tita Fe.
“Hello po, good evening. Happy birthday po Tito George,” bati ko at ibinigay ang regalo ko.
“Magandang gabi naman hija, nag-abala pa kayo. Maraming salamat,” wika ni Tito at nakipag-usap na kay papa.
“Nu’ng last nating kita Louisse dalagita ka pa, ngayon ay talagang dalagang-dalaga na. Ganoon din itong binata ko rito,” aniya. Ngumiti lamang ako kahit na ang totoo ay nahihiya rin talaga ako. Lalo pa at nakatingin si Hazel at Grant sa akin. Ang weird pa ngumiti ni Grant.
“Enjoy ka rito, Louisse. Mommy, alis muna ako at nandito na rin ang mga kaibigan ko,” ani Hazel at umalis na.
“Grant, ikaw na muna ang bahala kay Louisse ha at pupuntahan ko rin ang ibang bisita ng daddy mo. Louisse, kumain ka lang ha,” bilin ni Tita. Tumango naman ako at ngumiti nang tipid. Ayaw na ayaw kong kasama si Grant dahil hindi ako komportable. Tinalikuran ko na siya at umupo sa isang bakanteng table. Hindi ko nga napansing nakasunod pala siya.
“Ikukuha kita ng pagkain,” aniya. Magrereklamo pa sana ako kaso nakaalis na siya. Hindi kami close kahit noon pa. Hindi ako komportable talaga. Bumalik siya sa table at nakangiti na sa akin.
“Kain ka na,” aniya. Tinanggap ko naman ‘yon.
“A-ang dami naman nito, s-salamat,” saad ko. Tiningnan niya lang ako kaya mabilis na iniwas ko ang tingin sa kaniya.
“Ubusin mo ‘yan para magkalaman ka. Don’t get me wrong ha, you’re sexy but you’ll look more sexier if you gain a little muscle,” aniya. Hindi na lang ako nagsalita. Naaasiwa talaga ako sa preseniya niya. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pagkain sa harap ko. Umiinom siya ng white wine.
“Nahihiya ka ba sa ‘kin, Louisse?” tanong niya. Napakunot noo naman ako. Bakit naman ako mahihiya sa kaniya?
“Hindi naman, ganito lang talaga ako. Hindi ako mahilig makipag-socialize,” sagot ko. Tumango naman siya. Mukhang na-gets naman niya ang sagot ko.
“Gusto mo ba ipakilala kita sa mga friends ko mamaya?” aniya. Natigil ako sa pagnguya at tiningnan siya. Gusto ko siyang tampalin sa mukha at naiinis lang ako lalo.
“May kaibigan na ako. Ang kaibigan mo kaibigan mo lang. Kung may gagawin ka pa huwag kang mahiya na umalis. Okay lang naman ako,” sagot ko. Natigilan naman siya at kita ko pa ang pag-angat ng kilay niya sa ‘kin.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Louisse. Maldita ka pa rin,” nakangiti niyang sambit. Mabuti naman at alam niya. Napatingin ako sa entrance ng hotel at pumasok mula roon si Leon kasama ang amo niyang si Infernu. Nakasuot ng suit si Leon at sobrang guwapo niyang tingnan. Kaagad na kumunot ang noo ko nang makita ang paglapit ni Ate Hazel sa kaniya. Sumunod naman ng tingin si Grant sa tinitingnan ko.
“Kilala mo sila?” tanong niya, Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.
“Aware ka naman siguro kung anong klaseng tao ang mga ‘yan ‘di ba?” aniya pa.
“Mukha ba akong may pakialam?” sagot ko. Nakababagot kausap ‘tong lalaking ‘to. Ngumiti naman siya.
“Sa bagay, hindi mo nga ako pinapansin kahit nasa harap mo na ako,” aniya at ngumisi. Ang feeling niya naman. Ilang saglit pa ay tumayo na kami para mag-blow ng candles sa malaki niyang cake si Tito. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis si Grant at pumunta na sa harapan. Sabay-sabay kaming lahat na kumanta ng happy birthday. Nagsipalakpakan kami nang matapos. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at nagsimula na silang sumayaw sa gitna. Nakatitig lang ako sa pagkain ko. Sinasadya ko ‘yon dahil ayaw kong makipagsayaw kung kanino. Maraming tao at may naririnig akong gustong isayaw ako kaso hindi ko pinapansin.
Napatingin ako sa kabilang side at nakita si Leon na kinakausap ni Ate Hazel. Napabusangot naman ako. Pansin ko rin ang panaka-naka niyang tingin sa ‘kin kanina. Nagsisimula na rin akong mabagot. Si papa naman ay busy kauusap sa mga kaibigan niya. Nag-beep ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa clutch bag ko. Nagtaka pa nga ako at unknown number.
Unknown number: Looking beautiful baby.
Kumunot naman ang noo ko. May dumating pang isang message at natigilan ako.
“It’s me, Leon.”
Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko siyang nakangisi sa akin at tila hindi naman interesado sa katabi niya. Nag-type naman ako ng reply ko.
“Mukha mo.”
Nang mai-send ko na ay lumabas na ako. Nahihilo na ko sa dami ng bisita. Dumeritso na ako palabas. Tumunog na naman ang cellphone ko at may message na naman ng damuho.
“Where are you going?”
Kaagad na nag-type naman ako ng reply.
“Sa lugar na wala ka.”
Nangingiti kong reply at pinindot na ang send. Alam ko at magagalit na naman siya sa sagot ko.
“Louisse!”
Napalingon ako at nakita na naman si Grant at may kasama na siya. Mukhang classmate niya. Pareha sila ng presensiya arogante at feeling guwapo. Bagot na tiningnan ko naman silang dalawa.
“This is Micheal, my bestfriend. Pareho kaming MVP sa iba’t-ibang sports,” proud na saad ni Grant. Tiningnan ko lng silang dalawa.
“And?” tanong ko. Naguluhan naman sila.
“Ha?”
“May sasabihin ka pa ba at magsi-CR pa ako,” saad ko. Kaagad na natigilan naman silang dalawa at alanganing ngumiti sa akin.
“S-sige, mamaya na lang,” ani Grant at napakamot sa batok niya. Kaagad na tinalikuran ko naman silang dalawa. Lumabas na ako at dumeritso sa sasakyan. Nang makapasok ay napasandal ako sa upuan at napapikit. Hindi ko alam bakit nade-drain ako sa mga ganito. Nag-flash pa sa utak ko ang pagngiti ni Leon kay Ate Hazel. Kaagad na ipinilig ko ang ulo ko at huminga nang malalim.
Kamuntik na akong mapasigaw nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Leon.
“A-ano’ng ginagawa mo rito?” gulat kong saad. Ngumiti lamang siya at niluwagan ang suot niyang tie. Hinubad niya ang tie niya at ni-lock ang pinto. Kaagad na nakaramdam naman ako ng kakaiba. Hindi ko rin kayang makasama si Leon sa ganitong ka close.
“You didn’t reply,” aniya. Kaagad na kumunot nag noo ko at tiningnan ang cellphone. May message nga siya roon.
“So what? Baka may makakita sa ‘yo rito,” taranta kong wika. Ngumisi naman siya. Napaigtad ako nang hawakan niya ang kmay ko. Pakiramdam ko ay nakuryente ako s aginawa niya. Lalo lamang lumapad ang ngisi niya at tinitigan ako.
“Huwag kang tumitig nakakairita,” saway ko sa kaniya. Humalakhak naman siya.
“I think you’re jealous. Galit ka ba dahil kinausap ako ni, Irene?” aniya. Kaagad na kumunot ang noo ko.
“Sinong Irene?” usisa ko.
“That woman I am with earlier,” sagot niya Napahawak naman ako sa noo ko.
“Si, Ate Hazel ‘yon,” sagot ko at inirapan siya. Makikipaglandian tapos hindi man lang inaalala kung ano ang pangalan. Ibang klase rin ‘tong damuhong ‘to eh.
“T’saka hindi ako nagseselos ang assuming mo,” dagdag ko pa.
“Eh ako, hindi mo ba tatanungin kung nagseselos?” tanong niya sa ’kin. Natigilan naman ako at natawa nang pagak.
“Okay ka lang?”
Hindi naman siya nagsalita at matamang nakatingin lang sa akin. By the looks of him, he looks pissed. Mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pumeke ng ubo.
“Louisse,”
Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na tubig ang ulo ko at nagsipagtayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang hininga niya sa bandang batok ko. Nilingon ko siya na sana pala ay hindi ko ginawa. Nakatitig lang siya sa akin. Gusto ko mang alisin ang tingin ko sa kaniya subalit hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay na-glue na ang tingin ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at nakalulunod iyon. Akmang lalayo ako nang hawakan niya ang likod ng aking ulo at siniil ako ng halik.
Sa gulat ko ay hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang paggalaw ng labi niya sa akin. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Napapikit ako nang biglang lumalim iyon. Sinundan ko ang galaw ng labi niya at lalong idiniin niya ako palapit sa kaniya. Ni hindi ko nga namalayang nakakandong na ako sa kaniya. Halos mawalan ako ng hininga nang bumitaw na siya. Magkalapat ang noo namin at nakatitig lang siya sa akin. Nahihiya ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
“Puwede bang ako lang, Louisse? Wala na ‘yong olopong na ‘yon at wala na ring Daniel?” tanong niya. Ang baba ng boses niya at lalo iyong nagpapaliyo sa nararamdaman ko. Hawak niya sa kabilang kamay ang beywang ko at ang isa naman ay humahaplos sa ulo ko. Akmang alis ako sa pagkakandong sa kaniya nang hilahin niya ako palapit at niyakap. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Leon. Wala siyang sinasabi, bigla-bigla niya lang ginagawa. Akmang magsasalita pa ako nang sakupin niya ulit ang labi ko.