Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Becca na kasintahan ng kanyang anak si Mariely, kaya nahihiya tuloy ito sa kanya kapag ipinatawag niya sa office para sa trabaho. Napabuntong – hininga na lamang siya. Seryoso ba talaga iyong batang iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Ayaw niya kasing masaktan si Mariely kapag ganoon, dahil kitang – kita niya na mahal nito ang kanyang anak na lalaki. Masisipa ko talaga ang lalaking iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, nandito siya nakaupo siya ngayon, dahil inaasikaso niya ang kanyang trabaho. Lumilipad pa rin ang kanyang isipan dahil sa pangyayaring hindi naman niya inaasahan noon. May bigla na lamang kumatok sa pintuan, kaya naman inayos niya ang sarili niya. Para mawala ang kanyang iniisip ngayon, sinisilip niya ang k

