CHAPTER THREE

1082 Words
PAGPASOK ni Alexandra sa kanilang classroom ay mangilan-ngilan pa lang ang mga kaklase niyang naroon. Halos lahat ng mga estudyanteng mas nauna sa kaniyang dumating ay mga cleaners o nakatoka na maglinis ngayong araw. Ganito sila ka-responsableng mga bata o mag-aaral ng eskwelahang iyon. ""Good morning, pres!"" bati sa kaniya ng isa niyang kaklase sa pagdating niya. ""Good morning, too!"" aniya. Si Alexandra ang class president ng kanilang section. Respetado si Alexandra ng mga kapwa mag-aaral at tanging grupo lang ni Lawrence ang nambabastos sa kaniya. Kung tutuusin dapat magkasundo silang dalawa dahil kung siya ang class president, vice president naman itong si Lawrence. Maliban sa pagiging class president ni Alexandra, secretary rin ang kaniyang posisyon sa kabuaan ngayong school year. Dalawa lang sila ni Lawrence ang naglaban sa posisyong iyon at natalo niya ito. Secretary lang ang pinakamataas na posisyong matakbuhan ngayon ni Alexandra. Ang president at vice president position ay estudyante na ng higher grade o grade six ang lahat nang naglalaban-laban. Next school year na lang siya tatakbo bilang president ng "students government" ng eskwelahang ito. Paghahandaan niyo ito at sana ay palaring muling manalo. ""Ting! Ting! Ting!"" Tumunog na ang bakal na kampana. Hudyat iyon upang ang lahat ng estudyante ay pumunta na sa malawak na open ground. Magsisimula na ang flag ceremony. Sunod-sunod ang labasan ng mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Patungo na ang mga ito sa bakanteng lote na nasa gitna ng nasabing paaralan. ""Tara na, Alexandra!"" aya ng kaniyang kaklase. Hindi pa umaalis sa pintuan si Alexandra dahil may hinihintay pa siya. Pero dahil magsisimula na ang flag ceremony at tila hindi naman darating ang kaniyang hinihintay ay naglakad na rin siya patungo roon. ""Form your line from shortest to tallest. Then, arms forward!"" sigaw ng principal. Paraan iyong upang maging maayos ang kanilang pagkakahanay at maging tuwid ang kanilang pagkakalinya. Ilang sandali pa ay kinanta na nila ang pambasang awit at sinundan ng "Panatang Makabayan". Pagkatapos ng flag ceremony ay balik sa classroom ang mga bata at magsisimula na ang klase. ""Good morning, ma'am! Good morning, classmates! I'm sorry, I'm late."" Sabay-sabay silang napalingon nang may magsalita sa may pinto. Sumilay ang ngiti sa labi ni Alexandra nang makita kung sino ito. Akala niya ay hindi na papasok ang kaniyang hinihintay kanina. Na-late lang pala ito. Si Sabrina Ansel iyong dumating. Ito ang pinakamatalik na kaibigan ni Alexandra. Marami namang siyang mga kaibigan pero ito talagang si Sabrina ang kaniyang bestfriend na nagsimula pa noong sila ay grade one. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan. ""Akala ko absent ka, Sab."" Agad niya itong kinausap pagkaupo. Magkatabi lang din ng upuan sina Alexandra at Sabrina. ""Na-late ako kasi na-flat iyong gulong ng motorsiklo ni Papa, bestie. Pina-vulcanizing shop pa niya kaso matagal matapos. 'Yon, naglakad na lang ako,"" paliwanag ni Sabrina. ""Hhmmm..."" Tumango-tango si Alexandra. ""Pero may baon kang lunch?"" ""Meron!"" awtomatikong sagot ni Sabrina. ""Sa bahay ka na mamaya kakain, ha."" Inaaya niya ito. ""Sige, bestie. Alam mo namang hindi ako natanggi sa ganyan."" Nag-apir pa ang dalawa. Bumabaon ng pananghalian si Sabrina. Malayo kasi sa school ang bahay nito. Dagdag pa na malubak ang daan at may isang sapa na madadaan. Maliit na sapa lang naman iyon pero kung malakas ang ulan ay hindi madaan. Bumabaha iyon at wala namang maayos na tulay na madaan. Noon ang sinabi ni Sabrina ay hindi siya nakakapasok tuwing bumabaha dahil hindi makatawid. Kung naabutan naman ng baha galing sa school ay hinihintay nilang humupa at nakikitulog muna sa kakilala. Sa palagiang pagpunta ni Alexandra sa bahay ni Sabrina ay lagi niyang nakikita ang sitwasyon ng sapa. Dahil doon ay nakabuo siya ng plano na ilang taon na niyang pinag-iisipan kung paano sasabihin. Nais niyang hilingin sa kaniyang ama na solusyonan na ang problema sa sapang iyon. Pagawaan ito ng tulay upang hindi na mahirapan ang mga tao. Balak ni Alexandra na pagawan ng kaniyang ama ng tulay ang sapa. At upang hindi naman siya magmukhang nanghihingi lang ng barya, maglalatag siya ng isang kondisyon sa ama. Ganito iyon, next year ay grade six na siya at kapag mag-graduate siya as valedictorian ay ipapagawa ng ama ang tulay. Magsisilbi iyong graduation gift ng kaniyang ama sa kaniya. At magiging regalo naman niya sa mga taong nakatira roon. ""Good morning, Grade IV–Emerald!"" malakas na wika ni Ma'am Castro—ang kanilang class adviser. Umaayos ng upo ang dalawa nang magsalita ang kanilang guro sa unahan. Bago magsimula ang kanilang klase ay binanggit ni Ma'am Castro ang tungkol sa nalalapit nilang school program na Literary Musical Contest. ""Sino pambato natin sa kantahan? Dapat dalawa for pop and classical music,"" ani Ma'am Castro. ""Si Alexandra, ma'am! Magaling 'yan kumanta,"" suhestiyon ng kaklase niya sa likod. Bukod sa pagiging matalino ay may isa pang talentong biniyaya kay Alexandra. Talentong minana niya pa sa kaniyang amang si Dylan. At iyon ay ang galing sa pagkanta. Naging pambato rin si Alexandra sa larangan ng pagkanta at musika. Subalit sa maliitang entablado lang gaya ng sa pa-contest sa loob ng eskwelahan at pyestahan. ""No! Hindi ako pwede."" Tumanggi si Alexandra na maging pambato ngayong taon. ""Bakit, Alexandra?"" tanong ni Ma'am Castro na may kasamang pagtataka. Marahil nagtataka ito dahil for the first time, tumanggi siyang sumali sa mga ganitong activities. ""Kakakabit lang po kasi ng braces ko, ma'am. Hindi pa po ako sanay na mayroon ako nito kaya nag-iiba ang tono ng pagbanggit ko ng mga salita lalo na po kapag kumakanta. Kaya pass po muna ako this year, ma'am."" Ang kaniyang naging pahayag. Humingi na rin siya ng despensa sa kaniyang mga kaklase. ""I'm sorry, classmates! Hanap na lang muna tayo ng iba."" Sa pagtanggi ni Alexandra ay naghanap ng ibang pambato ang kaniyang mga kaklase. Hindi nagtagal ay sina Marga at Carlo ang nagpresentang maging pambato ng kanilang section sa kantahan. ""How about sa poetry?"" dagdag pa ng kanilang guro. Sila-sila na lang din ang nagturuan kung sino ang maaari nilang maging pambato. Samantalang si Alexandra ay nag-iisip pa at namili kung anong magandang salihan. Sa ngayon kasi pass talaga siya pagdating sa kantahan. Matapos silang makapagdesisyon ng kanilang pambato ay nag-distribute ng libro ang kanilang guro sa unahan. ""Get one and pass at the back,"" utos ng kanilang guro. Nang may hawak ng libro ang lahat ay iniatas ng kanilang guro na buksan iyon sa pang-limampu't limang pahina. Nagsimula na ang kanilang leksyon sa klase at mamayang tanghali na ang kanilang uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD