KINAGABIHAN ng araw ding iyon ay sama-sama sa hapag-kainan sina Alexandra at Lawrence. Ngayon lang niya ulit nakasabay sa pagkain si Lawrence at magkatabi pa silang dalawa. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan silang dalawa. Minsan naman ay nagkakasagian ng mga braso pero hindi man lang nagpapansinan. Marami silang naroon sa hapag-kainan. Kasalo nila sa hapunan ang mga kasambahay at iilang tauhan ng ama. Inaya na rin nilang kumain ang iilang magsasakang ginabi sa pag-ani ng gulay at iyong mga taong inaatasan sa mga alagang hayop nila. ""Maiba lang po ako..."" panimula ni Alexandra. ""Nalibot niyo na ba ang lupain ni Daddy hanggang doon sa dulo?"" ""Kung iyong lupa lang ng mga Villaruiz, ma'am, nalibot na 'yan. Pero iyong sa mga Alcantara ay hindi pa lahat napupuntahan."" Sumagot sa kaniya

