9

1446 Words
TINIGILAN ni Marcus ang plano na ginagawa niya sa pamamagitan ng auto-CAD. Wala sa planong iyon ang concentration niya kaya mabuti pang tumigil na siya. He saved his work at pinatay na ang computer. Tinungo niya ang banyo na bahagi ng kuwartong iyon at saka mabilis na nag-shower. Nang umahon ay tinuyo lamang niya ang sarili at inilapat ang hubad na katawan sa malapad na kama. Alam niyang imposible pa siyang antukin. Ipikit man o ititig niya ang mga mata sa kisame ay iisang imahe lang naman ang nakikita niya. Ang mukha ni Shelby. Labing-dalawang taon. Ganoon na pala katagal ang panahong nagdaan buhat nang huli niya makita ang magandang mukhang iyon. The innocence in her eyes was somehow clouded with a touch of sophistication and maturity. It was still the same nose and cheeks. And her lips… it looked like inviting. He could almost feel the sensuality that lie in those full lush lips. Napalunok si Marcus. Ngayon ay bumabalik sa alaala niya ang panahong iyon… Twelve years ago PALABAS si Marcus ng flat nang makita niyang may karterong lumilinga sa tapat ng inuupahan nila. Nang tanungin siya nito ay nagtaka pa siya na para sa kanya pala ang sulat na ihahatid nito. Wala siyang ideya kung kanino iyon manggagaling. Imposible namang si Baby Lyn ang magpadala sa kanya. Break na sila ng babae at sa pagkakakilala niya dito, hindi padadaanin sa sulat ang anumang nais nitong sabihin. Binuksan niya ang sobre at noon niya natuklasan na hindi iyon basta sulat. It was a card. A valentine card. Agad na bumaba ang tingin niya sa bahagi kung saan nakapirma ang nagpadala. At ganoon na lamang ang gulat niya nang mabasa niya ang pangalan. Shelby. Sigurado siyang malinaw ang mga mata niya kaya alam niyang hindi siya nagkamali ng basa. Ang problema ay ang utak niya. Hindi iyon makapagpasya kung maniniwala nga ba sa nabasa. Kinalimutan niya ang balak na pag-alis at bumalik sa flat. Doon niya ninamnam nang husto ang mensahe ng card. I’ve got a crush on you, Marcus. This special season of February, I wish you’ll be my valentine. And I also wish to taste my first kiss with you. Mabuti na lang at wala si Jonas. Kung hindi ay malamang na lalo pa siyang hindi magkandatuto kung paano kikilos dahil sa card na iyon. Sa mga sumunod na minuto at hawak lang niya ang card. Naroong basahin ulit ang mensahe, naroong titigan lang ang pangalang nakapirma. Kabisado na niya ang mensahe pero paulit-ulit pa rin niyang binabasa. Hindi niya gustong pakinggan ang pintig ng puso niya. At mas lalong hindi gustong tanggapin ng isip niya ang kahulugan ng mga pagpintig na iyon. Shelby was what? Fourteen, fifteen? Batang-bata sa edad niyang twenty-two. And besides, ang karamihang kagaya niya ay hindi nagkakaroon ng interes sa batang kagaya ni Shelby. Pero mukhang hindi naman siya kasama sa karamihang iyon. Shelby was attractive. Kaunting panahon pa at dadagsain na ito ng mga manliligaw. Normal naman siyang lalaki na may normal na obserbasyon kaya alam niya ang malaking posibilidad na iyon. Pero ilang taon nga lang ba si Shelby nang una niya itong makita? Naka-pig tail pa ang mahabang buhok. May dumi ng ice cream sa harapan ng uniform at hanggang sa pisngi ay mayroon ding mantsa ng natuyong ice cream. She was only six years old then. Nasa first year high school naman sila ni Jonas. Unang beses iyon na natuntong siya sa bahay ng kaklase. Si Shelby naman ay kadarating lang buhat sa school kung saan ito prep. Likas itong malambing kay Jonas palibhasa ay dalawa lang magkapatid at nakita niyang malambing din naman si Jonas dito. Siya naman ay nag-iisang anak kaya madali ding napalapit ang loob niya kay Shelby. May budget na nga siya sa allowance niya noon para bilhan si Shelby ng ice cream. Ibang klase si Shelby, pagdating sa ice cream. Que mamahalin, que iyong kumukuliling sa mamang sorbetero sa kalsada, gusto nito basta ice cream. All the while, ang tingin niya kay Shelby ay little sister. Ang alam naman niyang tingin ni Shelby sa kanya ay another brother. Kahit nang tumuntong si Shelby sa high school, parang napagkit na sa isip niya ang batang naka-pig tail na labis ang hilig sa ice cream. Until two weeks ago. Umuwi sila ni Jonas sa bahay nito at nakita niya si Shelby na naka-jeans at sleeveless. Papunta daw ito sa bahay ng isang kaklase para sa group study. Pero ang mas napansin niya ay ang ibang anyo ni Shelby. Hindi na pala ito kasing-bata ng kagaya ng natimo sa isip niya. She was becoming a lady. A beautiful lady. Bakas na iyon sa pinong kilos nito. Mukhang conscious na pati sa pagsasalita. Mula noon ay ilang pagkakataon ang nangyari na naiisip na lang niyang bigla si Shelby. Break na sila ni Baby Lyn at gusto na niyang magka-girlfriend uli. Sa kabila nang iniisip niya ang ibang kaeskuwela sa pamantasan, sumasalit sa utak niya ang anyo ni Shelby. But he knew better. Shelby was hands-off. Kapatid ito ng best friend niyang si Jonas. At bukod doon ay bata pa namang talaga si Shelby. Sa edad ni Shelby na iyon, ang mas magugustuhan nito ay ang mga kaedad din nito. And he thought wrong. Katibayan na ang card na hawak pa rin niya hanggang ngayon. Siya ang crush ni Shelby. At hindi niya akalain na ganoon na lamang ang magiging tuwa niya sa pagkakatuklas na iyon. “PARE, uwi tayo sa amin,” ani Jonas na bigla na lamang dumating. Sa gulat ni Marcus ay isiniksik na lamang niya ang card sa ilalim ng kanyang unan. “Mabuti pa, pare,” tugon naman niya. “Nami-miss ko na rin ang luto ni Mommy Shelley, eh.” At sa likod ng sagot niyang iyon ay naroon din ang excitement na makita si Shelby. Nang makarating sila sa bahay nina Shelby, may hinala na siya kung bakit ayaw nitong lumabas. At nakumpirma niya ang hinalang iyon nang mapilitan itong dumulog sa mesa at ilang na ilang sa kanya. And it puzzled him. Kung malakas ang loob ni Shelby na padalhan siya ng card at magsulat doon ng mensaheng hindi gagawin ng pangkaraniwang babae, bakit mukhang guilt, regret at embarrassment ang nababasa niya sa mukha nito? Sinabi niya sa sarili na kakausapin niya si Shelby. pero ni hindi nito tinapos ang pagkain at nagkulong na naman sa silid. Ang hinahanap niyang pagkakataon ay nangyari din kung kailan malalim na ang gabi. Nang masalubong niya si Shelby, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. At ganoon na lamang ang panghihinayang na naramdaman niya nang aminin ni Shelby na hindi naman ito ang nagpadala ng card. Talagang manlulumo na siya dahil sa pag-aming iyon kung hindi nga lang umamin din si Shelby na bagaman hindi ito ang nagpadala ng card, ang nakasulat naman doon ay eksakto sa talagang nararamdaman nito. Meaning, totoo ngang crush siya ni Shelby. And of course, he kept his joy to himself. Pinanindigan niya ang pag-akto na tila kuya nito. But at the back of his mind, an idea was bugging him. Kaya naman hindi na siya nag-isip pa at inalok si Shelby ng isang date. Kitang-kita ni Marcus ang excitement sa mukha ni Shelby nang sabihin niya iyon. At halos ganoon din naman ang naramdaman niya. Iyon nga lang, ikinubli din niya iyon. MARCUS was twenty-two and basically romantic. Bago ang date nila ni Shelby ay bumili pa siya ng regalo para dito. He felt he was buying for a girlfriend. Pero hindi niya gustong isiping girlfriend niya si Shelby. Sa kabila ng awareness niya na tila lalagpas na sila turingang-magkapatid, ayaw din naman niyang isipin na doon na nga talaga ang patutunguhan ng tinginan nila. And when February fourteen came, ang excitement na naramdaman niya ay kagaya ng isang may totoong girlfriend. “Pare, mukhang in love ka na naman, ah?” pansin sa kanya ni Jonas. “Nagkabalikan ba kayo ni Baby Lyn?” “Hindi.” “Ows? Nagpapapogi ka, eh. Ibig sabihin, iba ang ka-date mo?” “Iba nga,” tipid na sagot niya. Nagbibihis din naman si Jonas. May date din naman ito. His current girlfriend was their university’s crush ng bayan. Sa kanilang dalawa, si Jonas naman ang talagang matinik sa babae. Malakas ang hatak. “Foursome tayo?” alok ni Jonas. “Huwag na, pare,” mabilis na tanggi niya. “Maiilang sa inyo ang date ko. Mauuna na ako sa iyo. Uuwi ako sa amin, hihiramin ko ang kotse ni Daddy.” “Aba, at may wheels?” ngisi ni Jonas. “Baka biglang-liko ang date ninyo?” “Ulol!” wika na lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD