10

1523 Words
HE HAD a great time with Shelby. Bagaman may mga kilos pa rin si Shelby na halatang bata pa, talaga namang nag-enjoy siyang kasama ito. At masaya naman siya na nag-enjoy din si Shelby sa company niya. Ayaw pa nga nitong umuwi. Halos parehas lang naman sila ng gusto. Pero ayaw niyang masira siya sa pangako niya kay Mommy Shelley. Gusto niyang tuparin na iuuwi si Shelby sa ipinangako niyang oras. Patungo na sila sa parking lot nang pangahasan niyang gawin ang isang bagay na simula pa lang ng date na iyon ay nais na niyang gawin. Maliit na bagay lang naman kung tutuusin. A mere holding hand. And when he finally held her hand, hindi niya maisip kung bakit parang hindi na niya nais bitiwan ang kamay na iyon. At that special moment, natanto niya na hindi na niya gustong ituring si Shelby na parang nakababatang kapatid lang. He wanted her to be his girl. Pero alam din niya na hindi pa iyon ang tamang panahon. He still had to wait for some time. Then Shelby asked for a kiss. Hindi niya alam kung para siyang dinibdiban nang marinig iyon. Kung sarili lang niya ang iisipin niya, kay dali lang gawin ng bagay na iyon. But he was also thinking about her. Bagaman magiging pabor sa kanya ay ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Naniniwala siya mayroong tamang panahon para sa bagay na iyon. “Ayokong sumama ang loob mo, Shelby. Tell you what, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo.” At sa likod ng isip niya, pagtuntong ni Shelby ng eighteen, sa debut party ay siya ang magiging dance partner nito pagkatapos ng daddy nito at ni Jonas. At titiyakin din niya na pagsapit ng panahong iyon, sa ayaw man at sa gusto ni Shelby ay matitikman na nito ang halik na iyon. Because that was also what he wanted right that very minute. Iyon nga lang, she was only fifteen then. And he had to wait for almost three years. And he was almost sure that the waiting would be a torture that he won’t want to wait again for so long when she turned eighteen. Like a true gentleman, inihatid niya nang maayos si Shelby. Five minutes siyang late sa pangako niyang oras sa mommy nito pero hindi naman nagalit ang babae. Bagaman nais niya, hindi niya pinangahasan na halikan si Shelby kahit sa pisngi lang. Delikado iyon at baka bigla na lamang umitsa sa kung saan ang ipinangako niya sa sarili na hihintayin muna niya itong mag-debut. HANGGANG sa pagbalik ni Marcus sa flat ay hindi niya maipaliwanag ang ligayang nasa dibdib niya. Iba rin ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi. He couldn’t tell if he had fallen in love with Shelby. Dahil kagaya ng pagkakataong ipinagkait niya sa kanilang dalawa ni Shelby para sa isang espesyal na halik, hindi rin naman niya magagawang ligawan ito kung sa ngayon lang. Kapag si Shelby ang niligawan niya, hindi puwede sa dalaga ang basta-bastang ligaw. Kailangan ay seryoso siya kapag nagsimula siyang manligaw kay Shelby. Dahil hindi lang ang tiwala ni Shelby ang susugalan niya kung hindi ang pagkakaibigan nila ng kuya nito at pati na ang tiwala sa kanya ng mga magulang nito. At bagaman aware na siya ngayon sa attraction niya kay Shelby, kailangan pa talaga niyang makasiguro sa kanyang sarili. Dahil kung liligawan niya ito pero magkakagusto pa rin siya sa ibang babae, alam niyang masisira ang friendship nila ni Jonas. Kaya tama lang talaga na maghintay pa siya nang ilang panahon. Or better said, tama lang na magsawa muna siya sa ibang babae habang naghihintay siya na mag-eighteen si Shelby. He knew by that time, sawa na siya sa ibang babae at mag-i-stick na siya kay Shelby. Kumatok siya sa flat nila nang makita niyang nakakandado iyon sa loob. Gusto niyang magtaka dahil mas nauna pang nakauwi sa kanya si Jonas gayong ito ang talagang inaabot ng madaling-araw kapag nakikipag-date. Nang bumukas ang pintuan, suntok sa panga ang sumalubong sa kanya. Caught off guard, natural na bumalandra na lang siya agad sa pader. “Hayup ka, Marcus. Ahas!” galit na galit na wika sa kanya n Jonas. Sapo ang panga na umayos siya ng tayo. Magtatanong pa sana siya pero halos ihampas na ni Jonas sa kanya ang card na galing kay Shelby—na si Arlene pala ang nagpadala. “Pare, magpapaliwanag ako.” “Anong paliwanag?” mas tumaas pa ang tinig ni Jonas. “Inahas mo ang kapatid ko, maliwanag na iyon. Hayup ka pala, eh. Kaya pala ayaw mong makipag-foursome date sa akin, kapatid ko pala ang kakalantariin mo?” “Jonas, hindi ganoon.” “Anong hindi ganoon? Si mommy ang tumawag sa akin dito. Hinahanap kayong dalawa sa akin. At napulot ko naman ang card na ito sa ilalim ng kama mo nang magwalis ako. Impakto ka, Marcus. Ahas ka! Sinamantala mo ang vulnerability ng kapatid ko. Hindi mo siya dapat na pinatulan. Ikaw ang mas may isip pero sa halip na tumanggi ka, sinamantala mo pa. Mula ngayon, hindi na kita kaibigan!” Tinalikuran siya ni Jonas at nagsimulang iempake ang mga gamit nito. “Pare, teka lang.” Himas-himas pa rin niya ang kanyang panga pero mas iniinda niya ngayon ang kahulugan ng ginagawang pag-eempake ni Jonas. He was his best friend for god’s sake. Hindi siya papayag na masira ang friendship nila na basta ganoon na lang. “Wala na, Marcus. Wala na akong tiwala sa iyo,” galit pero mas bakas ang sama ng loob sa tinig nito. “Mali ka naman ng iniisip, eh. Hindi ko sinamantala si Shelby kagaya ng iniisip mo.” “At sa palagay mo ay maniniwala ako sa iyo?” lingon nito sa kanya. “Nagpunta dito si Baby Lyn kanina pagkaalis mo. Iyak nang iyak dahil umiiwas ka raw sa kanya. Gusto pang makipagbalikan sa iyo ng tao. At kaya naman pala hindi ka mahagilap, naroon ka sa kapatid ko. Bakit, dahil bata si Shelby at mas madaling bilugin ang ulo?” “Pare, hindi ganoon.” “Ganoon na iyon. Kailan mo pa natanggap ang card na iyan? Kung matino ang intensyon mo, dapat sinabi mo iyan sa akin. Ano ang ginawa mo? Pinagbigyan mo si Shelby. You dated her!” “Yeah, I dated her!” pikon na ring wika niya. “What’s wrong with that? She may be fifteen pero marami na siyang kaedad na nakikipag-date na rin. And I am unattached, break na kami ni Baby Lyn. At ipinagpaalam ko pa siya kay Mommy Shelley. Sinundo ko siya sa bahay at inihatid din. Nasaan ang mali doon?” “Nasaan ang mali doon?” sigaw ni Jonas. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dapat ay sinabi mo sa akin. ‘Tang-ina naman, pare. Kapatid ko iyon, eh. Kinse lang iyon. Ang bata pa nya!” “Do you think I didn’t know that? Kung gusto kong samantalahin ang kapatid mo, di sana’y ginawa ko na. Ang tagal na nating magkaibigan, Jonas. Akala ko pa naman may tiwala ka sa akin.” He was also blinded by anger kaya lumabas na ang mga salitang hindi pa naman niya napag-iisipan nang husto kung dapat nga bang sabihin. “Tiwala? Sinira mo ang tiwalang iyon nang ilabas mo si Shelby. Namputsa, talagang wala kang balak na sabihin sa akin ang tungkol doon, di ba? Nag-uusap pa tayo kanina tungkol sa date na iyan. Ni pahaging, wala kang sinabi. Paano pa ako magtitiwala sa iyo?” “Kung wala kang tiwala sa akin, wala na ngang kuwenta ang pagkakaibigan natin!” galit na ring sabi niya. Kung anu-ano pa ang salitang ipinukol nila ni Jonas sa isa’t isa. And when Jonas was finally gone, babahagya lang humupa ang galit niya. Hanggang sa eskuwelahan ay daig pa nila ang maggigiyera. Kung gaano katalim ang tingin sa kanya ni Jonas ay ganoon din ang ipinupukol niya dito. Natabunan ng galit ang anumang pag-asa na isalba ang pagkakaibigan nila. Three days before graduation, dumating sa kanya ang tsansa na makapangibang-bansa. Pinili niya iyon kaysa um-attend pa ng graduation rites. HANGGANG sa naging matagumpay siyang arkitekto ay hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon ni Jonas. Matagal ang labing-dalawang taon. Hindi niya itatanggi na sa loob ng panahong iyon ay nami-miss niya ang kaibigan. He was still his best friend. At ngayon ay nakapagdesisyon siya na gamutin na ang matagal na alitan para maisalba ang kanilang pagkakaibigan. And he was positive na may pag-asa pa sila ni Jonas. Si Shelby na naging ugat ng alitan nila ay ikakasal na ngayon sa iba. Surely, hindi na nila iyon problema pa. Baka nga pagtawanan na lang nila—at panghinayangan din ang mga nagdaang panahon. Ida-dial na lamang niya ang numerong ibinigay ni Shelby nang matigilan. Once again, he was bothered by her beautiful face. At hindi niya gusto ang kakaibang kurot sa kanyang puso. Bakit ba tila nanghihinayang din siya na ngayong muli silang nagkatagpo ni Shelby ay ikakasal na ito sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD