6

1527 Words
INATAKE siya ng gutom bandang alas-onse. Kahit naman patpatin siya, sanay ang bituka niya na parating may ginigiling. At dahil iilang subo lang ang nakain niya sa hapunan, natural lang na gutumin siya ngayon. Ipinikit ni Shelby ang mga mata at binalak na ituloy na lamang ang tulog. Pero paano siya makakatulog kung mas malakas ang kalam ng sikmura? Nakiramdam siya. Tahimik na sa paligid kaya malamang ay tulog na rin ang kuya niya at si Marcus. Kung gising pa ang mga iyon, tiyak na may tunog ng metal music na siyang paborito ni Jonas. Bumangon siya at tumuloy sa kusina. Magtitimpla lang siya ng gatas at iaakyat uli iyon sa kanyang silid. Pabalik na siya sa kuwarto nang masalubong naman niya si Marcus. Palabas ito ng kuwarto ni Jonas. “Gising ka pa?” wika nito na tila nagulat na nakita siya. “Nagutom ako, eh,” napipilitang sagot niya at humakbang na. “Mabubusog ka ba niyan sa gatas? Bakit hindi ka kumain.” Huminto siya. “N-nakakahiya nang makabulahaw.” “Kanino ka naman mahihiya, eh, bahay ninyo naman ito?” Nakalapit na ito sa kanya at kinuha ang hawak niyang baso ng gatas. “Tara sa ibaba. Sasamahan kitang kumain.” “Huwag na, Marc.” “No, kumain ka kahit kaunti. Alam ko namang hindi ka nakakain nang maayos kanina. Ang gulo kasi ng kuya mo.” Wala na siyang nagawa nang mauna pang humakbang sa kanya si Marcus pabalik sa kusina. “K-kakain ka rin ba?” tanong niya dito nang makitang nagsasandok ito ng kanin. Halata ang pagkailang sa tinig niya. “No. Ipaghahain lang kita.” “Huwag na! Nakakahiya!” Tumigil ito at tinitigan siya. “Nakakahiya?” ulit nito. Hindi niya alam kung ano ang mensaheng nasa seryosong mga mata nito. Walang imik na kinuha niya ang sandok at kumuha ng pagkain. “Ako na lang mag-isa, Marc. Kaya ko namang mag-isa na lang ako dito.” Hindi rin ito kumibo. humakbang ito pero sa halip na bumalik sa kuwarto ay nakita niyang pumasok sa CR. Sandali lang ito doon. Nang bumalik ay naupo rin sa mesa kung saan nagsisimula na siyang kumain. “Kumain ka kaya uli, Marc? Nakakailang naman na pinapanood mo akong kumain.” Napailing ito. “I’m wondering, Shel. Lumalabas sa bibig mo ang salitang nakakahiya at nakakailang pero…” he trailed off. “Anong pero?” “Kumain ka nang kumain para tumaba ka,” sa halip ay sabi nito. Naiilang siyang talaga na nakabantay ito sa pagkain niya pero dahil gutom siya, naubos niya nang mabilis ang pagkain. Hanggang sa mag-CR siya para mag-toothbrush ay hinintay siya ni Marcus. Paakyat na sila nang muli itong magsalita. “Gusto kitang kausapin sandali, Shel.” The seriousness and somehow the hint of wariness in his voice made her nervous again. Inakay siya ni Marcus pabalik sa mesa. “Ano ba iyon?” Hindi na maikakaila sa tono niya ang labis na kaba. “I guess you have an idea,” banayad na wika ng binata. “It’s about the valentine card, Shelby.” PAKIRAMDAM ni Shelby ay tumigil ang kanyang paghinga. Nai-rehearse na niya sa isip ang ikakatwiran kay Marcus kapag dumating ang ganitong komprontasyon pero tila bukod sa pagtigil ng t***k ng puso ay waring nalulon din niya ang kanyang dila. “M-Marcus.” Tangi niyang nasabi. “I’m flattered, Shel,” he said softly. “Totoo, nagulat ako nang matanggap ko iyon. I didn’t have any idea that the little sister of my best friend has a crush on me. Pero talagang nakakabigla na makatanggap ng card. Hindi ko inisip na magagawa mong gawin iyon.” “Hindi ko iyon ginawa!” pabiglang wika niya at mabilis ring naglapat ang mga labi. Kumunot naman ang noo nito. “Ano ang ibig mong sabihing hindi mo iyon ginawa?” “M-maniniwala ka ba kung ipapaliwanag ko?” Marahan itong tumango. “Let me hear.” Her lips quivered. “Si Arlene ang nagpadala sa iyo ng card, hindi ako.” “Sinong Arlene?” “Best friend ko. Tinutulak niya kasi ako na padalhan kita ng card para mapansin mo ako. Parang gusto ko rin noong una pero nu’ng mabili na namin iyong card at susulatan ko na, nag-back out na ako. Hindi ko naman alam na kinuha niya iyong card at siya ang nagsulat at nagpadala sa iyo.” Pinagmasdan siya ni Marcus. “Ano ba iyong ibig mong sabihin na para mapansin kita?” banayad na tanong nito. Nagbaba siya ng tingin. Pakiramdam niya, puwede nang pagpirituhan ng itlog ang buong mukha niya sa labis na init. Alam niya, hindi niya magagawang magpaliwanag kung wala siyang aaminin. Nang magbuka siya ng labi, alam niyang lalo pang nangatal iyon. “C-crush kita, Marcus,” halos pabulong na wika niya. Nakayuko na siya ay napapikit pa siya. at nang may pumatak na luha sa kandungan niya noon pa lang niya natuklasan na umiiyak pala siya. Eventually, napasinghot siya. “Don’t cry, Shel. Hindi ka dapat umiyak.” Pero lalo lang siyang napaiyak. “N-nakakahiya talaga, Marc. S-secret ko dapat iyon, eh. Dapat hindi ko na rin sinabi kay Arlene,” pasigok na wika niya. He smiled at her. “Hindi nakakahiya na magka-crush, Shelby. Talaga namang flattered ako kasi ako ang crush mo. Ang tanda-tanda ko na pero may nagkaka-crush pa sa akin.” “Kaedad ka lang naman ni Kuya, ah?” “Oo nga. Pero sa kagaya mo, ang karaniwang crush ay iyong mga kasama ninyo rin sa school. I’m sure iyang best friend mo, nasa school din ang crush niya.” Tumango siya. “Kaya nga gusto niya padalhan din kita ng card kasi ganoon ang ginawa niya kay Jerome, doon sa crush niya. Buhat nga daw na matanggap iyong card na ipinadala niya, palagi na siyang nginingitian.” Tumawa ito nang mahina. “Shelby, talaga namang nginingitian kita kahit kailan kita makita, ah? Hindi ba, minsan nga sa akin mo pa pinapagawa iyong mga assignment mo sa Algebra?” “I’m so sorry, Marc. Ibalik mo na lang sa akin iyong card, please?” “Nasa boarding house iyong card.” “Sinabi mo ba kay Kuya? Mapapagalitan ako nu’n.” “No.” “Kailan mo ibabalik sa akin iyong card?” kulit niya at pinahid na ang luha. Tinitigan siya nito. “Baka hindi ko ibalik, Shel.” “Marc?!” “Shel, that card is already mine. Ipinadala na sa akin, eh.” “Pero hindi naman ako ang nagpadala sa iyo, si Arlene,” she cried. “Inamin mo na ngayon na crush mo ako. So iyong message doon sa card, parang sa iyo na rin nanggaling. Saka sinabi mo na rin naman na binili mo talaga iyong card, di ba? So para sa akin iyon talaga.” “Marc, please. Ibalik mo na lang sa akin. Nakakahiya talaga iyong card na iyon.” “Nakakahiya na crush mo ako?” tila nanunudyong wika nito. “Marc naman, eh,” childish na maktol niya.  “Alam mo bang bukod sa revelation na crush mo ako, mayroon pang ibang nakasulat sa card?” Napakurap siya. “Inilagay din ni Arlene iyong wish?” “Wishes. First, you want me to be your valentine. And second, you want me to be your first kiss.” Muli na namang nag-init ang buong mukha niya. “P-pakialamera kasi si Arlene.” “Pero totoo ba iyon?” She nodded. “Ikaw ang crush ko kaya siyempre ikaw na rin ang iisipin kong valentine. Pero pangarap lang naman iyon. Alam ko namang hindi magkakatotoo.” “Paano kung sabihin ko sa iyo na puwede namang magkatotoo?” “Paano?” “Sa February fourteen puwede tayong magkasama.” Napamulagat siya dito. Gusto niyang magtatalon sa tuwa pero agad din niyang naisip na baka binobola lang siya nito. “Ayaw mo?” tanong sa kanya ni Marcus. “A-ano ang gagawin natin sa February fourteen?” Napangiti ito. “Ikaw, kung ano ang gusto mo. Mahilig ka sa ice cream, di kung gusto mo dadalhin kita sa Magnolia diyan sa Aurora Boulevard.” “Kung sa Cubao, sa Araneta Center?” “Ikaw, kung saan mo gusto.” “Talaga?” Halatang nangibabaw ang katuwaan niya kaysa anumang embarrassment na naramdaman niya kanina. “Oo. Kahit saan mo gusto. Basta pagkatapos ng klase mo, saka tayo lalabas. Dito tayo sa bahay ninyo magkikita. Ipagpapaalam kita kay Mommy Shelley.” “Sasabihin mong may date tayo?” “Oo. Wala namang masama du’n, di ba?” “Oo nga.” At nang bigla ay mayroon siyang naisip. “W-wala ka bang date sa Valentine’s day?” “Ikaw. Ano ang tawag sa iyo? Ikaw ang ka-date ko, Shel.” “Ibig kong sabihin, ibang ka-date. Wala ka bang girlfriend?” Umiling ito. “Wala.” Natuwa siya sa narinig. Gusto pa sana niyang itanong kung bakit wala itong girlfriend pero bakit pa? Kung wala, di wala. “Marc, next week na pala iyong fourteen.” “I know. Basta right after school, uwi ka na, ha? Nandito na ako nu’n.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD